happy birthday mylab.
habang sinusulat ko ito, nakikita kitang nagluluto sa kusina. mukhang masaya ang mukha mo at pakanta-kanta ka pa. bagay sa iyo ang suot mong technicolor na sombrero. sana parati kang ganyan. yan lang naman ang kaligayahan ko – ang makita kang maligaya. kaya nga huwag mong ilalapit masyado ang mata mo sa hinihiwa mong sibuyas. ano ba yang niluluto mo? manok na may special sauce na bago mong imbento. ang bango. bagay yan na counterpoint sa niluto mong sinigang na hipon. bigla tuloy akong nagutom. pero hihintayin na lang kitang matapos magluto para sabay tayong kumain mamaya. in the meantime, papanoorin na lang muna kitang maghanda.
lab U,
jay
Happy Birthday Ate Jet!
I wish you good health, love, peace, and joy.
AYEZA
hahaha! Tatahi-tahimik ka dyan iniintay mo pala niluluto ko ha… hehe. Actually, napanaginipan ko nga yang recipe na yan kagabi. Hindi naman siya actually bagong recipe, afritada lang na may twist. I think I’ll call it Chicken Afritada con Mango Chipotle. Naks! Super kastilaloy ang dating no? hehe. Masarap ba mylab?
Salamat sa pagbati mo ha. Alam mo naman kung paano ako nagiging masayang-masaya di ba? Basta kasama kita at ang mga mahal natin, napagsisilbihan ko ng ganito, nakikita kong nasa maayos kayong lahat, kumpleto ako.
Natulog ako kagabi na ikaw ang huli kong nakita at gumising kanina na ikaw ang namulatan… happy na birthday ko.
Labyu!
Thanks Ayeza! Musta ka na?
aba! bertday pala ni mrs.batjay! happy bertday po sa ‘yo mam, mukang masarap yang niluluto nyo kay batjay, ayoz! penge naman!
hala, super sweet naman!!!kinikilig ako!!!
happy birthday jet…cheers to good health!
Happy Birthday Jet
Kaya pala federal holiday ngayon dito sa America dahil birthday mo…. now I know!
p.s.
who is Martin Luther King Jr.? he happens to have the same birthday as Jet
Happy birthday Aleng Jet!
Ka-Batjay dahan-dahan sa kain, i-maintain ang figure
π
awww… napaka-sweet naman! happy birthday te jet! wish you the best of everything! God bless… ingat!
hay, ka-sweet! ingat kayo, baka langgamin!
*hugs to both of you*
Happy birthday sa iyong dearest! Ang tamis tamis naman! Sana lahat nang mag-asawa o magkarelasyon ganyan lagi! π
Dear Uncle Batjay
Sana makahanap ako nang kasing sweet mo. Meron pa kaya sa Singapore? Saan kaya? Swerte talaga si mylabopmyn Tita Jet!
Prata Princess
Happy Birthday Ate Jet!
Many many more birthdays to come!
Kuya Jay may nakaka-batang kapatid ka bang lalaki? Ipapakilala ko sa Ate ko!
ang SWEEETTT!!! makiki-happy birthday na rin ako. wish you both all the best. π
sounds masarap nga yung niluto.
thank you ate glo – ipaparating ko kay jet ang bati mo. masarap yung luto ni jet. pinapapak ko nga kahapon kasi naiwan niya sa kitchen counter.
thank you KK – ipaparating ko rin kay jet ang bati mo. ilan taon na ba ate mo?
hi prata princess. ngyehehe… ewan ko kung mayroon sweet sa singapore. sweet singaporean sounds almost like an oxymoron, im sure you know what i mean. pero baka mayroon ibang nationality – pinoy, aussie, kiwi? who knows. good luck sa paghanap – don’t sell yourself short. dahil extra special ka, kailangan special din ang magiging partner mo.
thank you sa bati lar, rho, len castro. ipaparating ko kay jet.
hi G. tito rolly and toni have a lot of good words about you. jet and i saw them last month in manila. buti nakipagkita ka sa kanila. they are very sweet people. ingat at salamat sa pagbati.
hi auee – thank you sa pagbati. hindi ka ba nagbabasa ng blog? kita mo nang naka diet ako eh
boss roland – oo nga, holiday sa america dahil birthday ni jet at celebration ni MLK. ang lamig din ngayon dito sa socal. malamang ay may yelo na riyan sa vegas.
hi vanggol – punta ka rito sa southern california, papakainin ka namin.
hi ayeza. musta na diha sa itaas ng america? maraming salamat sa pagbati. kailan ka dadalaw sa amin?
oo nga! sayang, hindi kami nagkita ni ate jet. i heard she was already in town but i didn’t have a way to get in touch with her. siguro, next time na lang! or, maybe, i-pagluto niya ako nang sinigang pag binisita ko kayo diyan sa LA! SANA!!!!
ah talaga. sayang. she would have been glad to see you. in any case, sige if you’re in southern california, send us an email – baka pwede. basta sagot mo ang inumin.
ingat!