THEY WEAR BIG SOCKS!

5 THINGS ABOUT ME (yung iba ay secret kaya hindi alam ng marami):

01. nung araw, mahilig akong mangulangot pag nagmamaneho tapos pinapahid ko ang kulangot sa mga kasama kong tulog sa kotse

02. nung 1970’s ang paborito kong damit ay double knit na bell bottom pantalon

03. i am partially color blind (at tulad ni dwayne sa “little miss sunshine“, mayroong mga shades of red and green na hindi ko ma distinguish)

04. i am left handed (pero right handed pag nagsasaltik)

05. kahit anong gawin ko, i cannot touch my left elbow with my left hand


O SIGE MAY BONUS – HER’ES 5 MORE:

06. pag walang nakatingin, tinatanggal ko ang libag ko sa paa (tapos aamuyin ko ang kamay ko pagkatapos)

07. yung mata ko ay kulay brown, medyo singkit at mas maliit yung kanan

08. may buhok ako sa pwet

09. nung 4 years old ako, dinala ako ng daddy ko sa radio station na pinagtatrabahuhan niya. nakita ko roon si german moreno at tinawag ko siyang “bakla” pero buti na lang hindi niya ako pinansin (pinagalitan ako ng daddy ko)

10. mahaba ang (AHEM) paa ko – size 12

you know what they say about men with big feet, right?

20 thoughts on “THEY WEAR BIG SOCKS!

  1. Hi Jay! thanks for riding along with this tag game.This tag came from cat and it seems ajay and karla tagged me also,uso yata ito ngayong 5 secrets. 🙂

    May bonus ka pa,lol! pag ako nag bonus pa,baka di na pwede i-print,nyehehe! sa berks ko na lang sabihin.

  2. 1. pinipitik ko. kapag malaki, pakiramdam ka na may accomplish ako that day
    2. double knit din at plantsado, nagtatago yung bakya(uso noong 80’s) ko sa bell bottom
    3. wa ko say
    4. ‘pag laro ako golf, bola pumapaling(tagalog ba ‘to?)
    sa kanan lagi, pareho ni ari ko, right handed kasi eh
    5. wa say
    6. amoy ko patay na kuko, matindi sa libag ang hamoy, …ay sarap buhay pakiramdam
    7. wa ako say
    8. cute puwet ko
    9. Noong maliit ako, si Ike Lozada tabatsoy na……..napansin ng iba, etsoy daw.
    10. naaabot at nasisipsip ko daliri ng paa ko nuong maliit pa ako…….happily married ako ngayon…..very very happy….ehem

  3. curious lang ako sa number 10 batjay. Pag nanonood kasi ako ng WWF wrestling, nakikita ko itong mga dambuhalang tao. At malalaki rin ang kanilang paa, gaya mo. Malaki rin ba ang t..take home pay nila? Mukhang hindi kasi sa TV…

  4. 05. kahit anong gawin ko, i cannot touch my left elbow with my left hand -> kaya pag may magsabi sa iyong “nothing is impossible” – yan ang sabihin mo.

    —> eh pano po kung putulin ang left hand, saka ipapahawak sa putol na left hand ang left elbow? =D

  5. Meron akong dalawang tanong ‘tol,

    1. Anong kamay ba ginagamit mo sa pangulangot? kanan o kaliwa?

    2. Alin ba ang ginagamit mo sa pagtanggal ng libag sa paa, kanang kamay o kaliwa?

    Alam mo ‘tol, nagtatanong lang ako kasi baka ma-meet kita sa personal, alam ko na kung kanan ba o kaliwang kamay mo iha-handshake ko.

  6. “ambidextrous ako kaya kaliwa’t kanan.”

    Ah, kung ganun, just in case ma-meet kita, may option ako, mangulangot muna ako bago makipag lamano sa ‘yo para tabla tayo o magdala na lang ako ng purinse at pasecreto’ng maglagay sa kamay afterwards.
    Pasensya na ha, kasi malay ko kung aling libag pa ang pinagtatanggal mo, may kabarkada kasi ako nung araw, habang tumatambay kami sa tulay doon malapit sa amin, matindi yung ginagawa nya, nagtatanggal ng libag nya sa singit, in public yun ha, habang naka tambay kami sa tulay at maraming dumadaan, tapos inaamoy nya.

Leave a reply to botchok Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.