Tired of lying in the sunshine staying home to watch the rain

hindi ko namalayan dahil lumipas ang september ng mabilis. limang taon na pala ang kwentong tambay. nagsumula akong magsulat ng journal ng september 2001, a few days before 9/11. kakarating ko pa lang sa singapore – malungkot dahil naiwan si jet sa pilipinas, homesick at miserable. worried din dahil naiwan ang mommy ko who at that time was 77 years old. conflicted din ako dahil sa isip ko, parang tinalikuran ko ang aking bayang magiliw.

pero anong magagawa ko? kailangan ko namang kumita ng pera para buhayin ang pamilya ko. pera na hindi ko kayang kitain sa pilipinas kahit magtrabaho ako ng 24 hours. wala naman akong magic kaya hindi ako pwedeng tumae ng ginto. hindi naman ako gwapo kaya di ako pwedeng mag-artista (although sabi ng misis ko eh kyut daw ako). hindi naman ako garapal kaya ayokong pumasok sa pulitika at mag take advantage ng ibang tao. ang pinaka praktikal na option ay umalis.

pag naririnig ko yung refrain sa kantang “big yellow taxi” ni joni mitchell, naalala ko kung gaano kahalaga yung mga naiwan naming mag-asawa sa pilipinas.

Dont it always seem to go
That you dont know what youve got
Till its gone
They paved paradise
And put up a parking lot

pag nasa labas ka kasi, mas na-a-appreciate mo ang bayang magiliw. habang tumatagal kang hindi umuuwi, mas nasasabik ka. gusto mong matulog sa sarili mong bahay. gusto mong magsalita ng tagalog sa mga taong malayo pa lang ay nakangiti na. gusto mong makatikim ng jollibee chicken joy with gravy and extra rice dahil nagpapa-alala ito sa reception ng iyong kasal.

kung minsan nga, gusto mo ring singhapin ang usok sa kalye. gusto mo ring kalikutin ang ilong mo pagkatapos para makakita ng kulay itim na kulangot. gusto mong matraffic at marinig ang “takatak” ng mga nagtitinda ng sigarillo. gusto mong makita ang mukha ng presidente para mainis. anything, kahit negative, just to remind you of home.

marami pa akong gustong sabihin about the pros and cons of living abroad pero mahaba na ang kwento ko kaya sa susunod ko na lang sasabihin ang iba ko pang mga OFW blues. in the meantime, ingat na lang sa inyo gentle reader.

love,
unkyel batjay

25 thoughts on “Tired of lying in the sunshine staying home to watch the rain

  1. Dear Unkyel Batjay,

    Minsan naman ang mga nasa look nakadungaw palabas…tayong nasa labas, gusto tumingin sa loob…makukulit tayong tao…ang maganda na lang ay makauwi tayo ng paminsan minsan…

    ako uuwi sa pasko at nang makabili na ng aklat na akda mo! ikaw at si ate jet?

    o siya, 5 taon, best webby, libro, ano pa kayang kasiyahan ibibigay ni KT sa atin sa susunod na isang dekada?

    abangan…

  2. Wow 5 years, tagal na.. Congratulations po! Ako kaya tatagal ng ganun? hehe…

    Ako din madaming nami-miss sa ating bayang magiliw kahit na sandali pa lang akong naka-alis sa atin, eto nga pinipilit ko pa din umuwi sa susunod na taon dahil gusto ko ulit matikman luto ng mama at papa ko.

    Sana makabili ang pinsan ko ng libro nyo, pangako nya kasi paguwi nya mula bakasyon sa atin bibilhan nya kami, yehey!

  3. Pinagpapasalamat ko lang, kahit hindi sa Pinas ang kinabagsakan natin, pagkatapos ng 5 years, magkasama pa din tayo. Together anywhere, di ba?

    Congratulations for the 5 years mylab. Andami mong pinapasayang tao. Unang-una na ako. Sana hindi ka magsawa.

    Labyu!

  4. Happy 5 years sa Kwentong Tambay!

    You have the best of both worlds… Pinas and USA. Andito lang naman ang Pinas, anytime maisipan nyo umuwi, may means kayo. A fact na di madaling gawin kung dito kayo naka-base at gusto nyong mag-USA.

    šŸ˜€

  5. oo nga tama ka. mas madaling umuwi sa pilipinas kaysa umalis. pero mahirap lang dito sa california at malayo. sa singapore talaga ang perfect – maganda at malinis na lugar na tatlong oras lang by plane sa maynila. mura ang pamasahe at pwedeng mag weekend special.

    but i’m not complaining. ok rin naman dito.

    salamat nga pala sa bati – pakiramdam ko, napakatagal ko nang nagsusulat.

  6. what a profound entry… hmmm… i’m still one of those who’s left inside looking and wishing for the outside… but reading all your entries (i got ur book!), one would stop and think: is it really a good thing to wish i’m out?…

    on a sidenote, once i went to shangril-la crossing national bookstore to buy ur book, wala na.. di ko alam kung matutuwa ako’t mabili ang libro mo o mayayamot dahil nasayang ang lakad ko dahil wala ang pakay ko. hmmmpph! but of course i couldn’t be happier for you, unkyel batjay. hats off to you! dami mong napasayang kabayan kesehodang sila’y nasa lupang hinirang o ibayong dagat.

    ps ulit… nadagdagan ang nagmamahal sa yo dhel ang mga kapatid ko eh ipinakilala ko sa yo sa pamamagitan ng iyong libro. di mo ba napansin mas lalong dumami ang hits mo? hehehehe… mabuhay po kayo!

  7. Talagang ganyan ata ang buhay. Hindi perfect. Parating may kapalit. Di bale, sabi nga nila, andito lang naman kami, waiting for you and Jet and when we finally meet again, pihadong bongga ang saya. We ahve to make up for lost time, ika nga. hehe

  8. kahit na naiiyak pa rin ako sa homesickness minsan, di pa rin ako nagsisisi ng umalis ako ng pinas 5 years ago. pros and cons lang din talaga, tito jay.

    ang maganda nyan e 5 yrs na ang blog mo at wish ko na tumagal pa ng matagal na matagal!

    p.s. di pa kami nagkikita ni jennypeng, nandito na ang kopya ko ng KT the Book! hehe.

  9. oo nga tin. ako rin, hindi nagsisisi. for many reasons. ang pinaka importante ay naging mas close kaming mag-asawa while abroad kasi kaming dalawa lang – walang sinasandalan at inaasahan na iba.

    huwag kang mag-alala bossing. baka malapit na tayong magkita. hehehe. sama natin si connie, doon tayo mag party sa antipolo with the other berks.

  10. congratulations on your blog’s 5th! sana wag kang magsawa, sobrang nakaka-entertain ito..
    mahigit 7 yrs. na rin akong hindi nakakauwi…kaka-miss talaga lalo na ngayong magpa-pasko lalo na at solo flight ako dito, magpapa-ampon na naman ako sa mga kaibigan ko…you’re right, even with all the negatives, there’s no place like home…but no regrets…at one point, we have to find our own place under the sun…

  11. Happy 5th year Blog Anniversary! Totoo sinabi mo na nakakamiss magsalita ng tagalog kapag nasa ibang bansa ka kasi yung ibang mga pinoy sa abroad alam ng bagong saltang pinoy ka eh iinglesin ka pa ng iinglesin.Kainis!

  12. Hmmm.. matagal na rin nga itong blog na ito ni Batjay, madami rin syang kasabayan na blog dati, pero somehow, not all of them find their way thru 5 years. šŸ™‚ Congrats! ^_^

  13. happy 5th year ser! sayang at walang mabibiling KT dito sa riyadh. alam mo naman ang kalagayan namin dito. anyway basta’t merong kwentongtambay sa internet sulit na rin para na rin akong nakabili ng libro. laking rj ako ser at fan din ako ng utol mo. yun lang ser, more power to you and jet.

  14. unkyel batjay,

    happy 5th blog anniversary!

    na-homesick naman ako sa post mo, lalo na at magpa-pasko na! waahhh! šŸ™‚

    anyway, u are right na may pros & cons in living abroad. with that, dont u think that life is fair? we have what others dont have & vice versa, coz one can’t have it all. to each his own at kung san ka masaya. so let’s just count our blessings which i’m sure na mas marami naman.

Leave a reply to darkpink Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.