dear unkyel batjay,
ako po ay nine years old at nag-aaral dito sa maynila. pinasulat po ako sa inyo ng papa ko kasi sabi niya ay baka masagot ninyo raw po ang katanungan ko. natatakot po kasi ako dahil sa sinabi ng klasmeyt ko sa akin. sabi po kasi niya, pag nilulon ko raw po yung buto ng santol eh tutubo raw po ito sa loob ng tiyan ko at lalabas daw po yung mga sanga at dahon ng santol sa ilong at tenga ko.
tutuo po ba ito? mahilig po kasi akong kumain ng santol at opo, nilululon ko po ang buto. masarap po kasi at hindi ko ito mapigilan. tulungan po naman ninyo ako.
maraming salamat po at lubos na gumagalang,
gentle reader
dear gentle reader,
alam mo, kahit anong buto ang kainin mo eh ok lang, maliban siyempre sa buto ng mangga dahil masyado itong malaki. baka magbara ang lalamunan mo pag nilulon mo ito. ang sinisigurado ko sa iyo ay ito, gentle reader – hindi tutuo ang sinabi sa iyo ng klasmeyt mo na tutubo sa loob ng tiyan mo ang buto ng santol at lalong hindi tutuo na lalabas ang mga sanga at dahon nito sa ilong at tenga mo. mahilig akong kumain ng munggo. kung tutuo ang sinabi ng kaibigan mo eh di sana matagal na akong may taniman ng munggo sa katawan at may regular na supply na sana ako ng togue sa mga asian supermarket dito sa amerika.
o siya, i-kamusta mo na lang ako sa papa mo. magpakabait ka, mag-aral maigi at huwag masyadong lumulon ng mga buto para hindi ka mahirapang emebs.
nagmamahal,
unkyel batjay
Mang Kanor
Subukan mo kaya kumain ng hilaw na buto ng munggo. Baka sakaling tumubo š
ilalagay ko na lang sa kili-kili ko. siguradong tutubo yon dahil pinaglihi ako sa libag.
Ikaw talaga. Ano’ng pinaglihi sa libag? Saan mo ba nakukuha yang mga pinagsasasabi mo dyan?
Uhmmm… may naghahanap ba dito ng marunong kumain ng buto ng mangga?
hehehe…
Labyu!
hello mylabopmayn. nung bata kasi ako, pag tinataas ko ang kamay ko may nakikita akong mga guhit ng libag sa kili-kili ko.
ngyehehe… buto ng mangga expert ka nga pala.
labu2.
Naalala ko tuloy sabi ng lola ko: wag lulunin ang bubble gum kse magdidikit dikit daw ang bituka.
Ay nga pala, one more reason kung bakit di dapat lulunin ang buto ng santol – lalo na pag bangkok: baka magbarado ang toilet bowl hehehe.
malaki ba ang santol sa bangkok?
hindi… maliit ang toilet bowl nila… harharhar!
ayos.
May magkwento sa amin dito yung bata raw (2 yrs old)may lumabas na dahon sa tenga, nakita nung nanay. Dinala sa doktor, may napasok daw na munggo pala sa tenga at tumubo. Parang totoo naman kasi family friend daw nila yun dito.
o kita mo na. tama ang science ng kili-kili theory ko. kung mayroong enough libag… life will find a way.
parang linya yan sa pelikulang “jurrasic park”
ha ha ha ang saya naman rito