GULLIBLE’S TRAVELS

ang topic namin ngayon sa “rebels without because” ay tungkol sa mga kwentong kasinungalingan. mayroon ba kayong mga experience sa buhay kung saan kayo naloko o nangloko? kung mayroon, bisita kayo sa blogkadahan site, basahin ang mga entry doon at mag comment. toka ko ngayon at eto ang aking kumpletong entry tungkol sa pang-uuto na ginawa sa akin nung ako’y isang “musmos lang at wala pang alam“.

bata pa lang ay gullible na ako. hindi yung character sa novel ni jonathan swift na bumisita sa lilliput. gullible as in utu-uto. madali kasi akong maniwala sa mga tall tales. the taller the tale, the more i believe. nagsimula ang career ko sa pagiging utu-uto nung kinder ako.

sabi ng classmate kong si rey opena, mayroon daw silang alagang mga lawin sa bahay nila sa kalookan na kasing laki ng building. siyempre, naniwala ako. hindi lang naniwala, pinilit ko pa si rey na bigyan ako ng kahit isang lawin na kasing laki ng building para naman may ipagyabang ako sa mga kalaro ko sa novaliches.

dahil sa pangungulit ko ay napilitan din si rey na pagbigyan ako. one day ay lumapit siya sa mommy niya during one of the PTA meetings at tinanong kung pwede raw ba nila akong bigyan ng love birds. “tumahimik ka diyan” ang sabi ng mommy ni rey sa kanya. kaya yon, hindi tuloy ako nagkaroon ng lawin na kasing laki ng building nung kinder ako. medyo matagal din bago ko na-realize na: WTF, love birds? akala ko ba lawin? dito nagsimulang magkaroon ako ng mga doubts. napag isip-isip ko rin na baka niloloko lang ako ni rey dahil sa aking pag research, wala naman talagang ibon na kasing laki ng building. si mothra lang ang alam kong kasing laki ng building pero paro-paro naman yon kaya it does not count.

yung mga kalaro ko rin sa novaliches, panay ang good time sa akin dahil nakilala nga akong utu-uto. lahat na lang ng mga kwento nila ay pinaniniwalaan ko.

nung araw, usong uso ang maskara ng mga paborito naming mga superhero. kung lumaki kayo nung 1970’s ay alam ninyo ito – ito’y mga maskarang gawa sa karton na may goma sa gilid na siyang ipapasok mo sa iyong tenga para kumapit ang maskara sa mukha mo. kund hindi ako nagkakamali, singko ang isa. ang maskara na pinili ko ay spiderman. yung isang kalaro ko naman ay captain america. nainggit ako sa kanya kasi yung maskara ni captain america ay may bibig. tinanong ko sa kanya kung paano magkakaroon ng bibig yung maskara ko ng spiderman. sabi niya, lawayan ko raw at pagtagal ay magkakaroon ito ng bibig. yon nga ginawa ko. ayun – nagkaroon nga ng bibig dahil nabutas ang maskara ko dahil nabasa ng laway.

ang mga pinsan ko rin, panay ang loko nila sa akin kasi nga alam nila na gullible ako. naalala ko pang lahat ang pang uuto na ginawa nila sa akin hanggang ngayon.

one time ay ikinuwento nila sa akin ay mayroon daw hidden treasure sa school nila sa pasay. hindi lang yon – mayroon ding malaking kweba roon na kapag pinasok mo ay lalabas ka sa america. siyempre gusto kong makita yung hidden treasure at more importantly, gusto kong makapunta ng america para makakita ako ng snow. kaya yon, pinilit ko ang mommy ko na i-transfer ako ng school. sabi ng mommy ko, “gago ka ba, niloloko ka lang ng mga iyon”. sabi ko hindi – tutuong may kweba sa school nila na pag pinasok mo ay makakapunta ka sa america. wala, hindi rin ako nasunod kahit anong iyak ko kaya inabot pa ng 35 years bago ako nakapunta ng america.

sa pamilya rin namin, inuto nila ako ng husto. lalong lalo na pag pasko at ang pinakasikat na character sa household namin ay si santa claus. eto ang typical na dialog namin ng mommy ko pag pasko…

batjay: “mommy, tutuo ba si santa claus?”

mommy ni batjay: “siyempre naman anak!”

batjay: “mommy, di ba taga north pole si santa claus?”

mommy ni batjay: “siyempre naman anak!”

batjay: “eh bakit puro ‘MADE IN THE PHILIPPINES’ itong mga laruan at candy ko sa socks?”

mommy ni batjay: (a VERY long pause) “…ah, eh, gusto mo ng bibinka, anak?”

THE END.

17 thoughts on “GULLIBLE’S TRAVELS

  1. e yung gurami daw na kasing laki ng pating.. mga nakukuryente pag nag saranggola at sumabit sa linya ng kuryente..pag iihi ka raw sa labas, makikiraan ka baka maihian mo nuno sa punso o di kaya kakagatin mo dila mo para di tumalab engkanto sa yo…and pag naligaw ka raw, baligtarin mo shirt mo para makabalik ba sa pinanggalingan mo..yan mga experience to noong bata pa ko..

  2. madali naman talagang utuin ang mga bata noon nung medyo lumang panahon. pinakamemorable sakin e yung itlog na isusubo ng matatanda tapos biglang lalabas sa pwet palakpak naman ako sa paghanga e,at yung mga nakaumbok na masa ng lupa na bahay daw ng duwende kaya hindi mo pwedeng galawin o masagi at kailangan mong magsabing “tabi-tabi po nuno makikiraan po” pag dadaan ka sa paligid nito para hindi ka parusahan.

  3. Di bale na mylab. You may have been a gullible kid but you grew up to be a very smart and wise man that everybody is inclined to believe. I think that’s what is more important.

    Labyu! 🙂

  4. wow!! idol na kita.. nde ko na nga alam kung paano ako nakapunta sa site na to.. kakafollow sa link ng kung sino sino.. pero asteeeegggg!!! the best..

    mapapahiya ung blog ko sayo.. ahihi… pero lagay ko pa rin ung link..ehehhe..

    grabe favorite ko ung unkeylbatjay.. tsaka astegg po mga writins nyo :p

  5. ang isang nakakainis dati nung maliliit pa kami ng mga kalaro ko, pag may dumaan na volkswagen e babatukan ako sabay sabing “kotseng kuba” o kaya may makitang kalbo, batok din, sabay sabing “pendong” with a peace sign. hindi ka pwedeng gumanti pag nag peace sign!

  6. eto kwento ng kaklase nung husband ko nung elementary sila…

    may kapitbahay daw sila na sobrang bobo tapos nung binuksan daw yung ulo, nadiskubre na robot pala yung kapitbahay nila at madami na alikabok sa loob ng ulo kaya naging bobo.

  7. wala me masabe.. grabeh, grabeng uto-uto k na bat jay peo mas matindi ung skin… nung bata p me,lagi akong my malaking baon, pag nlaman ng un ng mga clasm8s ko la2pitan nla ako.. tapos sa2vhan nla ako-
    oi danda mo nman… chimpre tuwa nmn ako kc 22o nmn,bata p kc me nun eh.. tapos pag breyk n2min nagpa2libre cla… pag d ko cla ili2bre ku2rutin nla ako…kya nung nag grade 2 ako gumanti ako.. binigyan ko ung boi n un ng bread n my chemicals pampatae..!!! hehehe, nung hapon nangamoi s rum nmin, inamoi kmi isa-isa ng clasm8kong la2ke s pwet… peo hindi ako un.. c lei 9ung binigyan ko ng bread)ang tumae s shorts, iyak nga cia nun eh.. chimpre kabado ako nun na na22wa, nkaganti me hehehehehehe…

Leave a reply to General Kuryente Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.