dear unkyel batjay,
kamusta na po kayo. bago po ang lahat ay hayaan nyo munang batiin ko kayo ng isang magandang araw, sampu ng inyong mahal sa buhay. unkyel, alam ko po kasi na matagal ka nang buma byahe at sanay ka na sa mga kung ano ang dapat gawin pag may trip, kaya nga po kayo ang unang naisip ko para hingan ng advice. dahil po kasi sa kakulangan ng trabaho dito sa pilipinas ay nag decide na po akong mag abroad. nag-apply po ako para magtrabaho bilang isang veterinarian sa middle east. maganda naman po ang sweldong ibinigay sa akin at ok naman ang mga benefits. ako po yata ang mag-aalaga ng private zoo ng isang arabian sheik doon. kamakailan po ay pumirma na ako ng dalawang taong kotrata at makakaalis raw po ako ng either may or june. unkyel narito po ang aking tanong, kung inyo pong mamarapatin: ano po ba ang maipapayo ninyo para sa isang tulad ko na isang pinoy na ngayon pa lang makaka-alis ng pilipinas para makipagsapalaran sa abroad?
yun lang po at lubos na gumagalang,
gentle reader
dear gentle reader,
dalawa lang ang dapat pakatatandaan ng mga pinoy na makikipagsapalaran abroad for the first time. UNA, bumili ng maganda at matibay na maleta. PANGALAWA, magsuot ng comportableng sapatos. huwag mo nang problemahin yung ibang bagay dahil ang abilidad mo na ang bahala rito.
good luck,
unkyel batjay
pakinggan ang DEAR UNKYEL BATJAY PODCAST. you’ll like it now, you’ll learn to love it later.
Galing galing ng advise mo mylab. Sa unang tingin parang another one of your smart alec wisdom pero if you think about it, oo nga. Totoo nga… hehehe 🙂
lalo na sa maleta part mylab. naalala mo ba kung ilang cheap na maleta na ang nasira natin nung araw? marami-rami na rin. kaya nga, hindi tayo nagtitipid basta sa luggage. kahit medyo mahal kung sigurado naman na tatagal.
gentle reader, dahil hindi ito nabanggit ni batjay, gusto kong ipayo sa ‘yo na magpatubo ka ng bigote bago ka dumating ng saudi at siguraduhim mong meron kang bigote habang nandoon ka. kung babae ka, mag palagay ka ng bigote bago ka umalis.
I strongly agree with your parting words… In the end sa abilidad ka talaga magre-rely. Pwede na din tibay ng sikmura saka tigas ng dibdib or ng mukha depende sa sitwasyon
😉
matigas ang mukha? pwedeng pangsalo ng mga sapak at sakripisyo.
may isa ka palang iiwanan sa Pilipinas- eto ay ang
PRAYD. either lunukin mo or magsama kayo sa eroplano papauwi sa Pinas.
korek ka diyan, ka junnie. lunukin ang pride pero huwag kalimutang dalhin ang tapang, pasensya at tiyaga. it’s a cruel world out there.
sabi ng apo – KWIDAW SA SYOTA NA MAYROONG BIGOTE
alisin ang hiya – maging assertive and be open minded.
tama ka jan, sir. Yung asawa konga, minsang inaakit kong mag-migrate, ayaw nya kasi daw mag-uumpisa na naman kami ulit. Pano na raw kung hindi kami mag-succeed?
Sabi ko, nasa abilidad natin yan at kung tungkol naman sa safety, sabi nga ni Muhammad Ali nung nasa Pilipinas sya para sa Thrilla in Manila, “the God that protects me at home will protect me anywhere”.
bagaman maikli, napaka-useful ng advice mo, batjay. sa totoo lang, naiisip ko na ring umalis sa pinas. meron bang opening diyan? hehe.
naligaw lang ako dito pero ili-link na kita para mabisita kita lagi. sana okey lang. 🙂
Junnie – agree ako diyan. Yung co-teacher ko dahil sa Prayd, hayun nakipagsagutan sa Principal at di nakatagal sa sistema dito at nagresign. In short, nagsama nga sila ng Prayd nya papauwi. Sayang.
aray. so nasa pilipinas na siya ngayon. sayang.
maraming salamat sa pagdalawa hera. sige, link lang. mahilig talaga ako sa mga laconic na reply. parang isip spartan kasi ako.
oo nga tito rolly. kami ni jet, 40 na ng pumunta rito. sana matagumpay kami para retirement na lang ang iisipin ko pag bumalik na sa pilipinas.