And the sands on the shoreline will be shaking

president’s day ngayon dito at wala kaming pasok. ok nga kasi may extra na oras na magpahinga at mag heksersays (ika nga ng mga mekeni). bilang part ng aking regular work out ay lumabas ako kaninang umaga para maglakad. magbibisikleta sana ako pero i chickened out dahil nahihirapan ako sa wind chill. pakiramdam ko kasi eh nagiging soprano ang boses ko pag nahahanginan ako habang nagbibisikleta. medyo malamig kasi ngayong mga nakaraang araw. in fact, umulan kahapon ng yelo at inabutan nga ako sa labas. nagtataka ako nung una kung bakit masakit yung patak ng ulan pag tumatama sa ulo ko, yelo na pala yon. matagal din yung ulan, mahigit 5 minutes. kung may baso nga ako, baka makagawa pa ako ng halo-halo. ngayong tanghali ay malamig din, nasa mga 12 degrees C. parang masarap tuloy matulog. teka nga at maka idlip muna.

9 thoughts on “And the sands on the shoreline will be shaking

  1. ginugutom mo naman ako doc. iniisip ko nga ay yung home made spanish sardines na galing sa dipolog na naka toppings sa steaming white rice.

    sarap.

    galing mo talaga. oo, isang line sa isa sa mga paborito kong kanta ni dylan ang title ng post na ito. the song is called “WHEN THE SHIPS COME IN”.

  2. Sarap matulog pag malamig no? Sarap ding magbalot ng patong patong na damit… hehehe.

    Buti nga kahit papano dumating ang winter e. Alam ko naman matagal mo nang iniintay yan. Kaya kahit masakit sa balat ang lamig, pinagdasal ko pa ring dumating para di ka madisappoint… hehe.

    Labyu!

  3. sarap kumain ng inihaw na tilapia ( sa oven lang ) pag malamig o kaya chicken arroz caldo…ginisang munggo kaya na maraming hipon at pritong bangus?

Leave a Reply to BatJay, Ang Lalaking Pinaglihi sa Langka Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.