Ah brown sugar how come you taste so good

sabi ng doctor ko, bibigyan daw niya ako ng tatlong buwan para mapababa ang blood sugar ko. baka raw kasi makuha sa dasal? hindi naman. baka raw kasi makuha sa exercise at diet ang diabetes ko. doon sa diet part, ang sabi ng doctor ko ay huwag na raw akong kumain ng titi? hindi naman. bawasan ko lang raw ang portions ng pagkain ko at huwag nang masyadong kumain ng salty food. siyempre, wala na ring asukal. ang key word ay moderation. pwede pa rin naman akong kumain ng mga paborito kong pagkain pero hindi kasing dami ng dati. nag dinner nga kami ni jet kagabi. nagluto siya ng afritadang manok. siyempre, measured na yung portion ko – 4 na pirasong small bite size chicken pieces, 2 maliit na hiwa ng patatas at tatlong kutsarang kanin. ang galing ano? ninanamnam ko nga ang bawat butil ng kanin. mainam na rin, at least ngayon hindi na ako lumalamon pag kumakain. hopefully in 3 months, i will loose 20 to 30 pounds, decrease my blood pressure and lower my blood sugar. napaka ambitious pero i hope i can do it – otherwise, sisimulan na ng doctor kong magbigay ng medication.

24 thoughts on “Ah brown sugar how come you taste so good

  1. Welcome to the club, bosing. Kayang-kaya mo yan. Malakas ang self-control mo e. Ako hindi… I have to rely on medication just so I can control my sugar level. So far naman, okay pa lahat ang organs ko.

  2. my dad is diabetic and he has been on medications for years now. he goes to the gym every other day and biking in between. it helps.

    grabe tatlong kutsarang kanin. hindi ko kaya yan kahit matindi ang ambisyon kong pumayat. hehe.. mukhang impossible na mangyari sa akin ang pumayat.

  3. Pagtutulungan natin mylab. Mas masarap isipin na paminsan-minsan, pwede mo pa ring kainin ang mga gusto mong pagkain like maybe once a month or something kesa yung totally bawal na di ba? Let’s work on preserving that edge, ok?

    Bilib nga ako sa sobrang pagpursige mo sa page-exercise e. And I am so proud of you. 🙂

    Labyu!

  4. I told you. maraming kasunod yan. Ur right, moderation and exercise are the answer to your current challenges. at saka nga pala, ang tigas ng titi mo ay inversely proportionate sa aging sabi nga ng mga nakakatanda sa atin. Kaya nga naimbento ang Viagra, Cealis at iba pa. Hehehe. But dont worry yet, just enjoy it hangang nakakaramdam ka pa ng flag ceremony sa umaga. Oh, am sorry to learn that you have high bood sugar. you have to take that seriously. Mahirap pag nag-tuloytuloy yan. But I do believe you can handle your health very well. Take care…

  5. in october last year i found out i had hypertension. sabi ng doctor i had to lose 20 pounds. so i went on a sensible diet — sabi mo nga, moderation is the key — and totally cut out coke (the main source of empty calories for me). i lost 15 pounds in 3 months. ngayon malapit na ako sa goal ko na 20 pounds.

    a, ang sikreto ko nga rin pala dinamihan ko ang isda. dito kasi sa davao (as you know) maraming tuna, so puro kinilaw ang kinakain ko. i find that even if i occassionally overeat sa isda, hindi tumataas ang weight ko.

  6. Sir Batjay,
    Wala akong diabetes but I did detox for health reasons din. Mahirap talagang bigla tayong bibitaw sa nakasanayan natin. Pero eventually kaya din. Nung nag-detox nga ako, I had nothing for 1day in a week but fresh fruit juice (apples, carrot, celery, watermelon). I started with, little rice, then no rice diet, tapos eventually juices lang. Mahirap sa una, pero I noticed that our body can adapt basta moderation ang pagbawas.

  7. buti pa kayo, panay diet…ako saksakan ng lakas lumamon di naman tumataba..maya maya kain pero wala namang epek..40 na rin ako pare pero my weight is the same when i came here 20 years ago (135 lbs)
    kaya ngayon, nagsisimula na kong magsawa sa mga pagkain na nilalantakan ko noong bagong dating ako dito, kung ano ano naman pinag e-eksperementuhan kong lutuin..believe it or not, wala akong high blood pressure, low ang cholesterol ko, normal sometimes mababa pa nga blood pressure ko..di naman ako nag e excersise at baka buto na lang matira sa kin..mga kinakain ko puro mga pagkain na talagang aatakihin ka sa puso, pero bakit parang di ako tinatablan o nag ge-gain ng weight?

  8. sir, maganda ang timing ng lent, lalo na kung susundin mo yung 40 days ng fasting ng catholics of one whole meal in a day lang, then sa sunday ka na lang bumawi ng three meals a day.
    i heard na mas maganda kung brown rice ang gamitin nyo, or yung less whites or no whites at night.

  9. Tama si manang jet, ka BJ. And most importantly at least you can have as many servings as you want with that most heavenly dish — “luto ng Diyos”, di ba?

  10. hi jon.

    salamat sa tip pare ko. buti ka pa nasa davao ka. kung pwede lang umuwi na at tumira na lang diyan. someday. oo nga, sarap ng isda riyan. i always have a sea food feast when i am there.

    nakita ko nga sa mga latest pictures mo na nag trim down ka. you look great. mabigat ako ngayon, may high blood pressure at diabetes. kailangan ko na talagang mag loose ng weight. i bike every morning at naglalakad sa gabi. tapos bawas na rin sa pagkain. hopefully i too will loose that 20 pounds.

    ang eventual goal ko at to loose 50 pounds. back to my college weight. sana magawa ko.

  11. kamusta na sir.

    hindi naman daw “high blood”, elevated blood pressure lang sabi ng doctor. pero mataas ang blood sugar ko at mataas ang cholesterol at triglycerides. kaya talagang magpapababa na ako ng timbang.

    sana makuha sa exercise at weight loss. ayoko kasing mag gamot.

  12. welcome to the club talaga tito rolly. kaya next time na mag party tayo sa bahay, ang handa ko ay tubig at talbos ng kamote. ingat ka sa diet mo at excercise ka rin tulad ko. hehehe.

  13. Ikaw talaga inggitero, kung ano meron ako gusto mo rin….hehehe…friends talaga tayo, lagi mo talaga ako dinadamayan, pati sa sakit gusto mo pareho tayong meron, ayaw mo akong nag-iisa…naka-lose ako ng 26 lbs from the time I was diagnosed of having a diabetes. Obesity ang main cause ng diabetes ko, takaw ko kasi e, diba..kala ko porke wala akong lahi di ako magkakaron…ayan tuloy nadagdagan ang maintenance kong gamot…pero ang hirap magdiet…basta ingat na lang kayo ni Jet…pero magpapabili pa rin ako ng chocolates pag-uuwi ka dito, pero sugar free ha!

  14. hi lynne.

    wow talaga? 26 pounds. bilib ako. baka pag nagkita tayo, di na kita makilala kasi seksi ka na. tama yan ginagawa mo – mag diet ka para humaba ang buhay mo. mas maganda matagal ang buhay at mas maganda tumanda ng walang sakit.

    ingat na lang diyan.

Leave a reply to Isip Bata Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.