dear unkyel batjay,
kamusta na po kayo diyan sa america? sana naman ay nasa mabuti kayong kalagayan. mayroon po akong gustong isangguni sa inyo. twenty one years old na po ako, binata at kakatapos ko lang po sa college. napansin ko po pag na malapit na akong makalbo. mayroon po kaming lahing kalbuhin at nag-aalala na po ako sa kalagayan ko. baka po kasi iwanan ako ng gelpren ko. sabi po ng kaibigan ko ay maganda raw magdikdik ng langaw sa noo para raw po gamot sa pagkalagas ng buhok. tutuo po ba ito? tulungan naman ninyo ako.
nagmamahal,
gentle reader
dear gentle reader,
kalimutan mo na yang langaw langaw na yan. kung may lahi kayong kalbo eh wala ka nang magagawa. ang tawag diyan ay destiny. dapat nga ay magpasalamat ka pa dahil lalaki ka. isipin mo na lang kung pinanganak kang babae at may problema ka sa pagka kalbo. bueno, ganito na lang gawin mo – ayain mo na lang magpakasal agad ang gelpren mo habang may buhok ka pa para wala na siyang habol makipag hiwalay sa iyo pag tuluyan ka nang nakalbo. mas maganda rin na magpatubo ka ng bigote.
ingat na lang at good luck sa iyo,
unkyel batjay
di ba merong hair implant?pag mahal talaga at cant afford di dun na lang sa mas mura, gawin mong modelo si bembol roco.
lufet po ng blog nyo sir batjay keep it up!
isa sa pwede mong gawin ay pahabain mo ang kilay mo at ibrush up. pantakip sa bald spots.
unang sentence palang sa tanong ng gentle reader mo, natawa na agad ako. mainit kasi sa mata ng mga bisdak yung tanong na “kumusta na ang lagay mo?”. hehehe. lagay = bayag kasi. bwehehehehe! it never fails to elicit a smile on my face and thus brightening up any dreary day.
hi gentle reader..ang alam ko uso din ang pag gamit nang horse shampoo nagpapa kapal daw yun nang buhok…at di naman sya delikadong gamitin for human. mas mura po kesa sa implant
ako me napanood sa sci channel, sa japan naman..sort of like an implant pero lalagyan ng parang double adhesive tape ulo mo na bagong ahit, or in some cases, partial like sa tuktok ng ulo, tapos ididikit specially made na synthetic na hairs, kakulay ng buhok mo..they say it should last about 6 months bago ka palagay ulit..kaso pamasahe sa japan, plus yung hair, e makakakuha ka na ng dalawang asawa na di magrereklamo kung kalbo ka o hinde basta me pera…
magpakalbo ka na lang. uso naman yun e. kung nag babasketbol ka, makakatulong sa ‘yo yun kasi magigin aero-dynamics yung ulo mo.
galeng mo sir. Tama ka. Pag kalbo na ang isang tao, magpatubo lang ng mahabang balbas at bigote. Pag mahaba na, baligtarin mo yung mukha nya. Makikita mo, biglang haba ng kanyang bangs.
me nagpayo dati sa isang kaopisina ko na sweet(panut siya kasi). sabi magpa-tatoo na lang daw ng buhok sa ulo, dapat yung permanent at di yung henna.
Bakit ba nagpapatubo ng balbas ang mga kalbo?
Bakit ba nagpapatubo ng balbas ang mga kalbo?
*********
-To compensate for the hair that they lost so that they have something to comb for
-To divert attention from their depilated crown
ayan nasagot na pala – compensation. tama yan. parang dahilan kung bakit nag papalaki ng katawan ang mga body builder – para daw ito mag compensate sa maliit na shortcomings. hehehe.
hi maria – bakit ba nagpapatubo ng balbas ang mga kalbo? the same reason i guess why body builders go on body building.
pwede rin yung tatoo – pero mas maganda kung wig na lang para pwedeng iba ibang style at kulay.
kung mahaba ang bangs tito rolly, pwede na siyang pumunta sa las vegas at maging elvis impersonator.
magandang alternative yan sa peluka. personally, it’s all or nothing para sa akin. kung makakalbo na ako, tatanggalin ko na lang lahat. ayoko yung mga ginagawa ng mga ibang panot na nakikita ko na sinusuklang ng papunta sa harap ang buhok para lang masabi na may buhok.
horse shampoo – yan ang subject ng susunod kong unkyel batjay letter.
ngyehehehe… oo nga rene. “lagay” lang. parang yung classic na tagalog response sa “saan ka pupunta?” – “diyan lang maglilibang”.
magandang idea yan – brushed up the kilay. tatandaan ko ang mga payo ninyo.
hair implant – oo mayroon. kukunin sa ilong mo ang buhok at ililipat sa kili-kili.