bukod sa bago kong hilig sa pagsuot ng pajama, nag-iba na rin ang taste ko sa underwear. ewan ko ba – pag tumatanda ka yata, ang hinahanap mo sa buhay ay comfort instead of porma. nung bata pa ako, ang peborit kong suotin ay bikini briefs dahil akala ko ay mas maraming magkakagusto sa akin kung ito ang suot ko. on hindsight ay naiisip ko nga, ano ba talaga ang silbi ng bikini brief eh imposible naman itong makita ng mga babae dahil may suot akong pantalon over my underwear. hindi naman ako sira ulong superherong tulad nina batman na nasa labas ang brief. in any case, ayoko na ngayon ng bikini briefs dahil nasisikipan na ako rito. hindi naman dahil sa malaki ang titi ko. mas gusto ko lang yung pakiramdam ng boxer shorts. in particular cotton boxer shorts. ayoko ng silk dahil masakit sa betlog pag naka upo ng matagal. minsan dumudungaw pa nga yung betlog ko at hindi ito maganda lalo na kapag naka jeans.
mas gusto ko puruntong shorts na nakapanlabas. kaso masama tingin sa akin dito pag suot ko sa ibabaw ng jeans.
happy new year sa inyo ni jet! š
kaya unique tong blog na to kasi masasabi mo yung “titi” and the likes, without offending other people… i dont know it is because of humor? how it is written o straightforwardness (meron bang ganitong word? hehehe)
basta natatawa ako dito, pero may message na nakatago in the end. Mabuhay! š
sir, ako rin ganyan.. dati gusto ko bikini briefs (mas maganda kung YC!), pero ngayon mas gusto ko lagi boxers… boxer briefs, boxer shorts!
comfort instead of style!
Old Navy is also having a sale on boxers. š
remarkable!!! old navy is my kind of store. boxers and pajama bottoms.
2 am in chicago – you still awake?
hi kenji. dami ko pa sanang gustong sabihin. ngyehehe.
boxer bikini, gusto mo rin?
happy new year din sa inyo bossing.
siguro kaya masama ang tingin sa iyo ng mga taga riyan eh hindi ka naka tuck in.mas maganda kasing tingnan pag puruntong shorts over pants with tucked in shirt.
nawawala comments ko dito š¦
*****
ang masakit kapag ang isang betlog homebody at isa labas ng labas…parang tug o war….
boss junnie.
tutuo yang sinabi mong tug-of-war. only a man can attest to that kind of pain.
kailan ka ba nasa LA? di na tayo nagkita. nagsabi si melissa na pupunta raw siya rito sa pebrero – nag aaya kung pwede raw tayong mag get together.
paulit-ulit na tumutunog sa utak ko yung jingle ng YC bikini brief (Yc bikini brief…Yc bikini brief…) Pro masaya ako, uuwi na asawa ko. maitatanong ko na sa knya kung ano yung kumot na buhay… š
hahaha! Ayan, tingnan mo tuloy yang ads ng google sa tabi, machong naka-underwear…
hi meg – gawin mo na lang “wash your bikini brief” instead na “YC bikini brief” para maiba.
oo nga ano – ang galing mo talaga mylab. lahat na lang nakikita mo. matalino talaga ang google, alam niya ang sinasabi ko. ngyehehe.
Sir Batjay,
Happy New Year sa inyo dyan from SG!
You are right, masarap magsuot ng boxers lalo na pag matutulog na o di kaya ay nasa bahay ka lang. Pangit nga lang sa pants (slacks, flat-front) kasi bumabakat ang kulubot ng shorts.
Have you ever tried wearing a female underwear? I know some men do.
hindi ko na nasusubukan ang female underware. siguro in the future – matagal ko na kasing gustong mag suot ng bra.
hi robbie. happy new year din sa iyo. pag dockers ang suot mo, hindi bakat.