dear unkyel batjay,
ano po ba ang dapat kong gawin – naiinis po ako kasi parati na lang akong balagong. pag po mayroong kaming mga long drive sa mga out of town trips, ako po parati ang designated driver. ok lang po ito sa akin. ang ayaw ko lang ay tinutulugan po ako parati ng mga kasama ko sa kotse. pakiramdam ko po ay napaka unfair talaga.
lubos na gumagalang,
gentle reader
dear gentle reader,
next time mayroon kayong long drive at tinulugan ka ng mga kasama mo sa kotse, pahiran mo ng kulangot sa mukha.
good luck,
unkyel batjay
pakinggan ang DEAR UNKYEL BATJAY PODCAST. you’ll like it now, you’ll learn to love it later.
I hope my husband doesn’t read this because I always fall asleep in the car–even when we’re only going to the store! But no worries–he can’t read Tagalog! Mwahahaha!
hi barb.
why don’t i leave a short note in your blog addressed to your husband informing him about the creative ways how he can keep you awake during long drives.
hi,
ang comment ko po ay wlang kinalaman sa pinag-uusapan. gusto ko lang batiin si unkyel batjay. Buti nlang may blog kyo kc ito lang ang nagpapasaya sakin ngayn kasi malungkot ako dhil nsa business trip ang asawa ko. dhil mahal n mahal nyo si miss jet alam ko naiintindihan nyo ang feelings ko. heniweys, un lang at gudlak!!!
kami naman ni misis pag nag lo long drive at tinutulugan ako, babagalan ko ng konti ang takbo, hihinaan ko radio tapos sabay sigaw ng “pak, sanababetch, bwakanangina mo..letcheng ulol! sabay gising, tanong anong nangyayari…tapos answer na “wala, gagong driver, tulog ka ulit”
Contrary to what other people said, Naniniwala pa rin ako na magkaibang tao si Gentle Reader at si Batjay! Sabi kasi ng asawa ko iisang boses lang yung na sa podcast mo sir! Sana patunayan mo sa kanila na mali sila! tenk yu!
bwehehehehe… siyempre may narrator. pag nagbabasa ang mga DJ nung araw ng mga sulat galing sa mga reader, sila lahat ang mga gumagawa ng mga voice over.
next time tony, misis mo na lang ang alukin mong mag maneho.
hi meg.
kamusta na riyan sa korea? malamig na siguro by this time. naalala ko tuloy yung mga trip ko sa seoul nung nasa singapore pa ako based. i love the food.
anyway, salamat sa comment – alam ko ang feeling ng mga naiiwan pag nag trip ang mga spouse. si jet man ay hindi na nasanay, parati pa rin siyang umiiyak pag umaalis ako.
ingat na lang at happy new year.
Mylab, ano ito, talking from experience? As in tried and tested mo? *hikbi*
huwag kang mag-alala mylab, di kita papahiran ng kulangot.
lab U!
nangyari na sa ‘kin yung tinulugan ako ng mga kasama ko. ginawa ko pinatay ko ang aircon ng van, tapos nagdrive ako ng mabagal.
magandang idea rin yung pahiran ng kulangot yung mga kasama mo.