kung wala rin kayong magawa ngayon, atsaka na lang kayo mangulangot – pakinggan ninyo na lang ang ginawa kong chipmunk version ng “panatang makabayan“.
para sa mga tulad kong lumaki nung 1970’s, ang panatang makabayan ay nakaukit nang permanente sa kukote mo dahil binibigkas ito during every flag ceremony. it’s funny how much silly crap you retain in your long term memory samantalang yung mga importanteng dapat mong matandaan eh hindi mo halos maalala.
ang isang nakakainis pag ganitong papasok na ng 40 years old eh nagiging makakalimutin ka na. ni hindi ko na nga matandaan ang cell phone number ko. nakakahiya nga kasi pag may nagtatanong ng number, kailangan ko pang silipin ito bago ko maibigay. pero ang panatang makabayan? lyrics ng bagong lipunan song? student number ko nung college? i can probably recite these in my sleep.
i can recite the old version in my sleep. the new one just completely escapes me. i have loyalty, i tell you, loyalty!
How true…
beri short note lang muna ka-batjay at mukhang me flu ako.
makikiraan pong muli.
bossing sabi dun sa main 2 comments na?
akin din di ko kabisado ang cp no ko,,, hirap ng di tinatawagan palagi ang sarili.
tunay ng na may mga bagay-bagay ka na naaalala kahit matagal na ang nakalipas pero meron namang mga bagay na di mo maalala kahit na nung isang linggo lang nangyari.
pero wag na wag kakaligtaan ang bertdey ng misis at ng wedding anniversary at tyak yon, outside da kulambo ang abot. may kasama pang pukpok sa ulo!
di ba yung bagong lipunan na song e yung may nagnanakaw sa madaling araw ng manok sa kulungan? ano na nga kasunod nun?
madaling araw
ay nagnanakaw
ng manok sa kulungan
nagising si mang teban
sa umagang anong ganda
may bagong silang
may bago nang buhay
bagong ganda
bagong galaw
sa bagong lipunan
i must admit, as a propaganda song, “bagong lipunan” is a classic. levi celerio did a good job composing this song.
oo kaya huwag mong kakalimutan ang mga important dates na kuektado sa asawa mo. mas maganda kung ipa tatoo mo ang mga ito sa braso mo para di mo makalimutan.
subukan mong tawagan ang sarili mo, tingnan mo kung may sasagot.
nahawa ata ako sa iyo auee, ang pangalan na walang consonant. may lagnat ako kahapon pa.
hi transience.
long time no hear. i hope all is well in one of my favorite blogger’s world. i found out about the new version from tito rolly. i didn’t even know there was one till he told me about it.
marunong palang magtagalog si alvin?
Ako din,hindi ko memoryado cel number ko. di ko naman kasi tinatawagan ang sarili ko’t pihadong busy e.
sinubukan ko nga ring tawagan ang sarili ko baka kako may sasagot. wala, busy rin. ngyehehe. galing ni alvin ano? hindi lang marunong mag tagalog, kabisado pa niya ang Panatang Makabayan. yung original version nga lang.
Na-homesick ako bigla. Naalala ko tuloy ang flag ceremony tuwing lunes. Ngayon,kahit araw-araw kong ni-rerecite ang Pledge of Allegiance mas marerecite ko ang “Panatang Makabayan” ng walang mali.
sinasambit pa ba yang pledge ngayon? akala ko hindi na pwedeng i-recite ang pledge of allegiance kasi may mention ng god.
hayy…araw araw yan pagtugtog ng bell…di pa yata tapos ang debate nila tungkol sa issue kaya pinapatupad pa rin.
ahhh.. ok. minsan pinag uusapan namin yan dito sa opisina.
may pag-asa pa tito batjay. kain ka ng mga good for memory foods rich in B12, etc.
ako naman di ko na memorized ang panatang makabayan. hanggang umpisa lang ako. pero ang home number namin, never ko naman matandaan. hehehe.
minsan convenient ang pagiging makakalimutin-forget your age or problems… hehehe, oks!
pero, teka, meron pala bagong version ang “panatang makabayan”?
tama ka missP. parang ngang ako – super ulyanin kaya masayahin
ano bang pagkain na malakas sa B12, tin? star margarine!
ok lang yon maria – mahirap kung naiyak ka rito pagtapos natawa ko doon sa “sino ako”.
Ganun talaga mylab. Long-term memory is always more deeply ingrained than short-term memory. Kaya don’t worry, sa katagalan mame-memorize mo rin ang celfone no. mo… probably by the time you get another celfone no. hahahaha! kidding! 🙂
hindi ko na siguro maaalala ang cell phone number ko mylab. ayaw talaga mag register.