ang isang pinagpapasalamat ko sa paglipat namin dito sa amerika ay medyo liberal ang kumpanya ko sa medical benefits. ok rin naman nung nasa singapore kami at covered ang medical expenses ko – kung maalala ninyo, nakalibre ako ng maoperahan ako nung sumabog ang appendix ko nung 2003. medyo malaki rin ang inabot ng bill ko dahil muntik na akong natepok.
ngyeniwey, kaya mas maganda ang benefits ko rito eh dahil bukod sa medical, mayroon pa akong dental at vision plan. tapos ang pinakamaganda sa lahat ay kasama pati pamilya. siyempre may dagdag sa monthly kong kaltas pero sulit naman. nagamit na nga ni jet sa kanyang mga regular check-up. malaki ba ang natipid? oo. ang average payment sa specialist ni jet ay mga $400 per session pero $30 lang ang binabayaran namin.
kaya nga ako eh magpapa tingin na rin. nagpa schedule na nga ako ng appointment sa january. magpapa general check-up ako tapos isasabay ko na rin ang pagpapatuli.
NOTE: pakinggan ang MEDICAL BENEFIT PODCAST na ginawa ko para sa mga taong hindi nakakabasa nitong entry kasi lumabo na ang mga mata dahil sa sobrang pag jajakol.
Pareng Batjay,
Payo’ng kaibigan (dahil tinuturing na kitang online friend)… Pagnagpatuli ka yung German-cut dahil maganda daw. Tapos pede ka na ding palagay ng bolitas para me decoration, tamang-tama sa Festive Season. Sabi ng mga seaman “yan ang gusto ng mga girls!”.
RE: medical benefits
Ok nga yang benefit package nyo. Pa-dental checkup na din kayo para masulit. Dito sa UK first root canal ko covered nung dati kong company. Ngayon I have to pay & it’s “bloody” expensive.
kakabading talaga boses mo!
bosing,
tama ka, yan ang maganda dito sa amerika, mayroon tayong medical, dental at vision coverage. ako din nagpatingin sa doktor kahapon. nakabitin pa sa ere ang kinabukasan ng aking check-up. ipagdasal mong ayos sana.
sa pagpapatingin mo, ikwento mo rin sa amin ang iyong adventyurs sa doktor’s opis ha…
yang boses na yan ang nami-miss ko sa mga EB e.
sana sa pinas ganyan din noh para mas mura kasi winika ng aking mudrax e hindi daw sa sakit mamamatay ang pasyente sa pinas kundi sa laki ng babayaran sa hospital
may mga medicard naman sa pilipinas kaya nga lang hindi sapat. marami ring mga problema sa medical care dito kaya yung mga private sector ang nag ma-manage ng health care ng mga empleyado nila. there are cracks in the system though – yung mga walang trabaho.
napanood mo na ba yung movie ni denzel washington na “JOHN Q”?
sana nga makauwi ano tito rolly. o kaya sana makabisita kayo ng LA para dito tayo mag jamming.
JOP!!!
death anniversary ngayon ni john lennon. punta ka sa central park at makikanta ng “strawberry fields forever”. good luck sa check-up, maganda naman siguro ang kalalabasan niyan. ako malapit na rin. alam ko, maraming ipagbabawal sa akin kaya after christmas ginawa. sigurado, ikukwento ko kung ano mang ang mangyayari sa loob ng clinic.
boss rene – laglag rin panty ko pag nagugulat ako sa boses ng tatay ko.
ayoko ng bulitas auee. baka magkaroon ng infection. ano ba ang german cut? parati kong naririnig pero di ko naman nakikita.
Sabi ko nga mylab, kung magkakasakit ka rin lang, there’s no better place to do it than here. Buti na lang magaling ka at nakapasok sa magandang kumpanya. At least dito mas alaga ang health natin. Maybe I’ll blog about my medical experiences… sige, pag naharap ko… hehe.
Thank you mylab ha. Labyu!
laki nga ng savings natin sa medical expenses. basta in good health ka parati mylab, yung lang ang importante. lab u2.
Grabe ang VOICE MODULATION!
kay Yusagi…paano magiging ganyan sa Pilipinas e, ang mga doktor natin dito, panay nagsiaral maging nurses. Nagsipunta ng America.