“I celebrated Thanksgiving in an old-fashioned way. I invited everyone in my neighborhood to my house, we had an enormous feast, and then I killed them and took their land” – john stewart

dear mommy,

kamusta na riyan sa pilipinas? gusto ko lang ikuwento ang masaya naming mga experience dito sa america. thanksgiving po rito ngayon. ito ang una namin ni jet at para ngang novelty ang occasion na ito para sa aming mga bagong lipat dito. tinatanong ko nga sa mga kaibigan kong amerikano kung saan nagsimula ang thanksgiving. ang sagot nila sa akin eh ang una raw na thanksgiving ay nangyari nung 15th century. nagpasalamat daw yung mga puti (pilgrims ata ang mga tawag sa kanila nung time na iyon) dahil napatay nilang lahat yung mga indian na nakaharap nila when they first arrived in the new world. so, hindi thanksgiving para sa mga indian? oo raw. total annihilaition ata ang nangyari dahil yung mga indian daw na hindi napatay ay nagkaroon naman ng syphilis at small pox. in the end, namatay rin silang lahat. kaya nga hindi siguro magandang idea ang bumati ng “happy thanksgiving” sa mga indians.


tinanong ko rin sa mga kaibigan kong puti kung ano ang ginagawa pag thanksgiving – kakain daw ng mga alas tres ng hapon tapos matutulog daw. pagkagising, kakain na naman daw. eh sabi ko, kaya pala maraming inaatake sa puso sa america, wala kayong ginawa kundi kain, tulog. oo raw, pero may sports activity naman daw dahil nanonood sila ng football game.

ok yung dinner namin. nagluto kami ng turkey. uso pala ang pabo bilang main dish sa thanksgiving. nilagay nga namin ito sa oven at niluto ng anim na oras. ang tagal ano? pero sulit naman ang paghihintay dahil masarap ang kinalabasan. tinanong ko nga kung nasaan yung ulo ng pabo. sabi ng mga kaibigan ko, hindi raw nila sinasama sa pagluto ang ulo ng pabo – mga sira ulong asians lang daw na tulad ko ang kumakain sa ulo ng ibon.

o sige po, yon lang muna at kamusta na lang po sa mga naiwan diyan.

with much love,
jay

29 thoughts on ““I celebrated Thanksgiving in an old-fashioned way. I invited everyone in my neighborhood to my house, we had an enormous feast, and then I killed them and took their land” – john stewart

  1. Happy 1st thanksgiving!

    Nag-turkey din kami dito sa London. Bumili ko ng isang malaking turkey drumstick & nilapang naming mag-ina
    😉

  2. matagal talagang lutuin ang traditional roasted turkey, pero me mas madali, yung deep fried kaso masyado ng dry ang meat..
    happy 1st thanksgiving sa inyong dalawa ni jet..

  3. mr batjay, while ur on the topic of american traditions e nakahiligan nyo na ren ba manood ng american football?ako nung una hindi ko masyadon pinapansin pero nung lumaon at naunawaan ko na ung rules e nagustuhan ko na ren. parang larong buko lang pala! happy turkey day!

  4. Swerte nga natin di ba mylab? May pre-thanksgiving dinner na tayo courtesy of Ceci and Tom, may thanksgiving pa courtesy naman of Ate Sienna and Andy. Sarap talaga ng may mabubuting kaibigan. Siguro isa yan sa pinakamahahalagang bagay na pinagpapasalamat ko ngayong thanksgiing…

    sunod sayo siyempre, st sa mga mahal sa buhay na kapiling natin. 🙂

    Labyu

  5. bosing,
    happy first thanksgiving sa inyo ni jet!
    ano kaya ang lasa ng adobong pabo? o di ba filipino style, hehe.
    ako naman pers taym kong nakipagsiksikan sa black friday. nakakaloka!

  6. meron po akong kaopisina na american, and she prepared a turkey for us din. pareho nga sila ng kwento ng origin ng thanksgiving!

    happy thanksgiving sa inyo sir!

  7. Batjay,
    parang ang sarap lutuin ng TURKEY ala singapore chicken Rice..ehehe..katakot takot na chili sauce at dark soya sauce ang kailangan..

    me special recipe ako, subukan ko pagpunta ko dyan sa tate..ehehe
    Paeng

  8. oo nga… that might be yummy… hainanese turkey… wahhhhhhhhhhhhhh

    i used to celebrate thanksgiving with my family until my friend told me the story… nawalan na ako ng gana…

    buti na rin nandito ako sa pinas.

    pero jet… sana may black friday sale rin dito… hilaw kasi ang sale dito eh… yung mga patapon lang… hayyyyyyyyyyyyyy

  9. hi dindin!

    first thanksgiving nga namin ito rito – medyo ambivalent nga ako sa celebrations pero masarap yung turkey dinner namin. ngyahaha.

    we didn’t go black friday shopping – i chickened out dahil alam ko it’ll be crazy.

  10. sabi sa commercial ng jack-in-the-box, nasimula ang thanksgiving bilang pasasalamat sa magandang ani ng mga first settlers sa new world noon.

    anyways, happy thanksgiving!

  11. sobra ngang laki lynne – hindi lang naman kami ni jet ang kumain. may mga kasama kaming ibang tao. pero di pa rin namin naubos. yung mga tao nga rito sa opisina – isang buong linggo after thanksgiving, kumakain pa rin ng turkey. hehe.

Leave a reply to Engr. Bogus Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.