pumasok ako kanina sa target kasi may pinabibili sa akin si jet. nakasuot ako ng pulang t-shirt and i knew immediately that this was a big mistake dahil red ang kulay ng uniform ng mga empleyado doon. true enough, after a while ang dami nang lumalapit sa akin at nagtatanong kung saan mahahanap ang this and that product. ano pa nga ba ang magagawa ko? eh di siyempre, nginingitian ko na lang silang lahat, binabati ng good evening at pagkatapos ay inililigaw by giving them the wrong directions. ano ba naman malay ko kung saan makikita ang mga tinatanong nila sa akin.
natawa ako dun sir ah! i can only imagine the confusion or rage of those who asked you. pero kasalanan nila…pero not really! hehehe!
GROWEN!
may isang lolo nga na nagtanong sa akin kung saan makakabili ng martilyo. sabi ko magpunta sa pharmacy.
Sa pharmacy? Heehee. I wonder if they complained to the managers about you? lol
they probably did complain about that employee who gives wrong directions.
at least i was courteous and smiling.
E kasi naman dapat kilatisin muna nilang maigi bago sila magtanong. Di ba yung mga uniform ng Target staff e merong ‘How may I help you?’ na nakasulat sa likod?
Sabagay, alangan namang paikutin ka muna nila para makita nila likod mo bago sila magtanong. hahahaha!
pa’no kung ang nagtanong e isang napakandang babae, mahinhin at naka smile din- ituturo mo lang kaya o isasama mo paikot-ikot hanggang makita nya hinahanap?
hehehe
hindi ko naman gawain ang maglandi ng babae.
naalala ko nung nag-retire yung boss ko three years ago … ako ang na-assign na emcee at dahil sa hotel ginawa nag-coat and tie ako … lekat lang at pag pasok ko ng grand ballroom … katerno ko ang mga waiters parehong pareho ng kulay ng coat ko … kaya tuloy yung mga office mate ko sa akin nag-oorder
nangyari sakin yan d2 sa Carrefoure sa Suntec.
me nagtanong na anaps sakin.
ang masama dun nde ko naman kadamit ang uniform nila.
tinanong ko mrs ko kung mukha akong empleyado dun.
tumawa lang ang misis ko. 😦
hahaha, I would have suggested that. Yun na pala ginawa mo. Talagang minsan, we think alike no? hahaha
Batjay, just a quick note.
Thanks to you and Jet for the help in the poll.
I always have a good laugh and good time reading about your new exploits there. Parang na experience ko na din ang buhay Amerika!
Ngek, di quick note ito ah 🙂
one good thing about all these, is that kahit ma lion city or city of angels, di ka pa rin nawawalan ng kuwentong katawa tawa…
oh, nabili mo ba naman yung pinabili ni jet sa iyo?
natawa ako.. promise! hahaha!
Kaya pala naligaw ako! Buwiset!!!
ngyehehehe…. saint gigi. kailan ba kayo pwedeng maibita for kare kare?
thank you, buti naman at natawa ka. pag natawa ka eh natuwa naman ako. hanggang sa muli kaibigan.
ngyehehehe… puro nga katawa-tawa ang nangyayari. at oo nabili ko yung pinabibili ni jet. gatas lang naman.
pareng junnie – nasa akin pa yung isang camera mo na pinadala ni kat. ibibigay ko naman susunod kay ate sienna. galing ng project mo, hanga ako.
hi yasmin.
no worries. i loved doing your survey. kamusta ka na diyan sa thailand. sayang at hindi kami natuloy ni jet. perhaps one day.
jet and i are having a great time here.
siyempre tito rolly – pareho ang sense of humor natin eh.
dear BC – sana ay niligaw mo rin yung mga bago mong kaibigan sa loob ng carre foure.
hi arenar – may umorder ba sa iyo ng tubig?
mayroon atang tumingin sa likod ko mylab. nagsisigurado.
yun nga panay ang order nila ng tubig … tuwing hawak ko ng mic … sigaw sila boy tubig nga … ako naman tawa na lang pero asar na he he what an experience
sana nagbigay ka na lang ng tubig na dinuraan.