dear unkyel batjay,
naging americanized na ba kayo? balita ko kasi yung mga pilipino na nagpupunta diyan sa amerika nagbabago ang mga ugali.
yon lang po,
gentle reader
dear gentle reader,
anong americanized ang sinasabi mo? eh kahapon nga, kahit pagod na pagod na ako, nagbyahe pa rin kami ni jet ng napakalayo (50 kilometers mahigit ata yon), kasama ang mga kaibigan namin para lang makahanap ng bagoong. busit na yan. at saka – sa ibang araw mo nang itanong yan sa akin, dalawang buwan pa lang kami rito sa merika.
pakabait ka,
unkyel batjay
Ano? May bagoong diyan lang sa El Toro (malamit sa Sizzler) — matamis, maanghang — iba’t ibang klaseng bagoong meron sila. Di ba sabi ko noon pa — kol me!
ngyehehehe… i didn’t know. AND, i should have known better. dapat tinawagan ka namin. in fact, nagdaan ako sa el toro when i picked up jet sa mission viejo mall. grrr….
nagpunta pa ako ng 99 ranch sa irvine via the pacific coast high way kasi gusto kong mamasyal. hehehe.
bosing, alam kong kahit magtagal kayo sa amerika, hindi ka nila maiimpluwensiyahan. Baka sila pa ang maging Filipinized, diba?
oo nga sir. pag tagal eh magsasabi na ng “pakingsheet”, “ulol” at “bwakangina” ang mga kasama ko sa opis.
ala naman problema kung amgbago angugali – basta lang for the better di ba? Okies lang kung maiimpluwensiyahan basta lang kunin ang maganda – tapon ang pangit. Pero yung lab ko na bagoong – never kong itatapon yun!
hmmmm…bagoong…ka lami!
taking on titorolly’s comment, oo napansin ko na nagiging mas pinoy in some ways; hinahanap-hanap mo yung pinoy-ness– from bagoong to tawanang walang hangganan to kwentong tambay.
at agree din ako kay trotsky– as long as for the better. being exposed to another culture actually gets one a wider perspective, a larger view of things and life in general. sa akin, na humbled ako na marami palang magagaling…at the same time nagiging proud din ako dahil marami din palang aspects na mas magaling ang pinoy! meeting people coming from everywhere hopefully gets one more open and tolerant to differences.
ka lami kaayo kanang bagoong. especially if you stir fry it with pork, sili and garlic. great stuff.
being out of the country for 5 years has made me more pinoy. the little things you used to take for granted when you were home suddenly become so precious when you’re abroad. every small item, every small gesture is magnified a hundred fold.
great comment sis.
oo nga trotskybee, basta for the better ang pagbago ng ugali eh that’s fine by me. kahit hindi for the better wala naman akong pakialam sa kanila. ngyehehe. BUT, its a good thing though – lahat ng mga nakikilala namin na dito based sa amerika have all been kind and generous.
Yup, tama si Gigay! Merong Manila Foodmart sa corner of Raymond Way and El Toro tapos El Toro Ranch naman sa corner ng El Toro and Rockfield. Both are turo-turo and mini mart.
ayun pala naman eh. yan ang hinahanap ko. kaysa naman magpunta doon sa 99 ranch na malayo. maraming salamat sa pagturo ng address. sige – next time punta na lang kami roon. maka kain na rin tuloy at ng malaman kung masarap.
ingat!
KB – tip: mas malinis sa Manila Foodmart (El Toro/Raymond). Kaya lang don’t go there when it’s hot outside — sira ang A/C. Actually, we don’t remember when the A/C ever worked. So takeout nalang kayo until the cool weather finally kicks in. Also, take a peek at who’s cooking: pag yung lola, kulang ng alat ang pagkain. Pero kung yung lalaki, oks naman. Sometimes pa jackpot ang kare-kare!
hindi pa americanized si unkel batjay.. kita nyo nga at “kilometers” pa ang gamit nya at hindi “miles” 🙂
ayyy,,may bagoong din pala sa
amerika,,kala ko sa pinas lang meron nun.musta na o kau dyan.
lahat ng pagkain sa pilipinas, makikita rito sa california. parang mini philippines nga rito. defintely more pinoy than singapore.
pero feet and pounds pa rin, instead of centimeters and kilograms.
saint gigi. thanks again for the tip. parang nag crave tuloy ako sa kare-kare at crispy pata.