kaya pala nagiging ulyanin na ako. sa sobrang pangungulangot eh nakukuha unti unti ang utak ko.
kung mayroon kayong oras na libre, imbes na mangulangot o kaya magkamot ng pwet, puntahan ninyo at basahin ang nakakabaliw, nakakaaliw at magandang THE BLOGTOONIST – site ito ng idol ko’t kaibigan na si dengcoy miel. sa mga hindi pa nakakakilala sa kanya, si dengcoy ay isa sa mga pinakasikat na editorial cartoonist sa buong mundo. based siya sa singapore at nagtatrabaho sa singapore straits times. he has published many books and his work has been exhibited in many countries. syndicated din ang mga cartoons niya in many newspapers and magazines all over the world. siya rin nga pala ang gumawa ng caricature namin ni jet na nakikita ninyo sa unahan ng blog ko. napakabait at napaka humble na tao. kahit sikat si dengcoy ay napaka approachable niya, simple dumiskarte at magaling makisama. talking to him, you’ll discover his deep intelligence and his kind soul. a true blue pinoy. magpunta kayo sa site niya at basahin ang mga entries and admire his cartoons. leave a comment – sabihin ninyo galing kayo rito at pinadala ko kayo doon sa site niya.

mang batjay, bakit po ba tinawag na orange county ang lugar ninyo? dahil ba peborit color ninyo diyan ay orange? at yung spelleng ng county ninyo ay bakit parang kulang ng “R”?
orange plantation ang orange county nung araw.
quiz v,
lammo kase pag sa pilipinas ang tawag natin ay PROVINCE, pero dito sa esteyts ang tawag ay COUNTY. na search mo na pala kung baket orange county tol batjay ah, mahigit 2 yrs ako jan pero nde ko nalaman why OC. kase ryt now mga strawberries ang mga tanim ngaun jan mostly sa irvine.
pwede ba akong makiusap? baka pwede tayong mag stick sa topic. gusto ko pag usapan natin ang mga gawa ni dengcoy miel.
maraming salamat.
Uy, meron na palang blog si Mang Dengcoy… hehehe 😀
oo mylab, may blog na si dengcoy. puntahan mo.
lab U!
tagal ko ng idol yan, bosing. Buti naman at may blog na siya at nakikita ulit natin mga gawa nya.
natatandan n’yo pa ba yung jingle songhits back in the late 80’s? kaya ko binibili yon para makita ko yung comics strips ni deng coy eh… then i remember nagpaalam sya doon to go to singapore for greener manure, eheste pasture pala…..shortly after that nagclose na yung jingle……nagmumuni muni lang po…..9 yrs na rin kasi ako dito sa singapore ………. more power
oo nga del – maraming nag enjoy sa mga cartoons ni dengcoy doon sa jingle. ako, talagang na appreciate ko ang kanyang talent sa philippine star. then nung makita ko siya sa singapore – talagang idol na idol ko na siya.
ang dami ngang bagong entry tito rolly – napuntahan mo na ba?
batjay,
sira ba rss feed mo? kasi hindi ko na nakukuha mga bagong entry.
hmm… talaga? titingnan ko mamayang gabi. salamat sa pag comment tungkol rito.
ok po ang blog page nyo ongkel batjay….
salamat. maraming salamat sa pag comment. sabi nga ni father ben carreon – if you’re OK, im OK.