IF IT MAKES YOU HAPPY, THAT’S GOOD ENOUGH FOR ME

nung araw, sa marikina shoe expo pa kami dumadayo para lang makabili ng sapatos, ngayon narito na kami sa california at marami nang available na sapatos na kasya sa akin. how time flies. although malayo na kami sa shoe stores ng aking childhood, we still make long journeys para makita ang tamang style na gusto ko at pinakaimportante ay tama ang price. nakabili ako sa cabazon. isa itong factory outlet malapit na sa palm springs. lagpas 200 miles (over 300 kilometers) nga ito sa amin, back and forth. kung sa maynila ako nagsimula, nalagpasan ko na ang baguio. pero ok lang naman ang mga ganitong distansya rito sa amerika. maganda kasi ang mga kalye kaya mabilis ang takbo ng mga sasakyan. di mo mapapansin na malayo na pala ang narating mo. mabuti nga’t nagpunta kami roon, at least naipasyal ko si jet kahit papano. dami nga rin niyang nabili kaya masaya rin siya. ako man ay ok din kahit nakiskis na naman ang pobreng credit card.

bakit ba ganito tayong mga lalaki, kahit pasan mo ang mundo sa dami ng problema eh maligaya ka pa rin kapag nakasuot ka ng komportableng sapatos. oo virginia, masaya ako. ngayon nga, isa na lang ang problema ko at sana may makatulong sa akin – saan ba may magaling na barbero dito sa orange county? ang haba na kasi ng buhok ko at nahihirapan na akong magsuklay. malapit ko na ngang maging kamukha yung doctor doon sa back to the future movie dahil sa dami ng tikwas at (bwakanginangyan) puting buhok.

20 thoughts on “IF IT MAKES YOU HAPPY, THAT’S GOOD ENOUGH FOR ME

  1. Bosing, dalawa lang ang maipapayo ko sayo. Una, pabayaan mo na lang kayang humaba para kunwari rocker ka pa rin? Yang tikwas na yan e dahil maigsi pa. Pag humaba na yan, babagsak na sila. Hindi ka pa naman kalbo kaya okay lang magpahaba.

    Ngayon, kung ayaw mo naman talagang magpahaba ng buhok, sumulat ka dun sa limang bading ng Queer Eye for a straight guy. pati bahay mo aayusin nila. Tapos, send ka ng pictures samin ha.

  2. kuya batjay,
    wow! road trip plus shopping, sarap nmn. excited nga ko for this coming weekend kht start of the week palang kse pupunta kmi s greenhills,then bibisita s ukay ukay s cubao, tapos s marikina for shoe hunting..
    sana lang matupad ang shorterm kong pangarap ngaun.
    btw, nais ko lang pong itanong do u ever worry getting old and all?

  3. oooh..i love going to Cabazon too. mura kasi dun e at less ang tax compared dito sa San Jose. lapit din sa in-laws ko coz they live near Palm Springs.

    hmm..try mo Mastercuts sa mall or Supercuts. Usually ok naman ang mga salon dito. Barbero..marami sa 29Palms kasi may Marine Base dun 🙂 drive ka na lang ulit ng 2 hours pa 🙂

  4. pareng Jay, pareho na tayo ng hangin na hinihinga….at pareho na tayong humahaba ang buhok…sa akin nga lang e sa ilong.

    ang payo ko lang e, matuto kayo ni jet mag gupitan ng buhok….para makatipid sa $14 ng Supercuts. gawin ito sa mga long drive…wala pa kayo sa patutunguhan, ayus na hair mo…trust me…:)

  5. rule #1: never ever go to those unisex franchises which will only experiment with your hair. getting a perfect haircut, at this day and age, should no longer be a matter of trial and error and those franchises still think that way.

    rule #2: find a reputable barber shop close to your neighborhood. your chosen barber, for all intents and purposes, will be one of the first friends you will have.

    rule #3: tip him well (15% is good) and he’ll make you pogier and pogier than before, which may probably pose a problem with jet, who may then ask you to disobey rule #1.

  6. nakapunta din ako jan sa Cabazon, sinama ako ng pinsan ko and i really enjoyed buying stuff there, kahit na mejo matagal ang drive papunta dun. dami ko nabili dun, sa Nike outlet, Timberland, Levi’s, etc. 🙂

  7. Wag ka mag-alala mylab. Di ko kakalimutang gumawa ng appointment with Nicole for Thursday. Di baleng puro tikwas ang buhok mo, guwapo ka pa rin.

    Labyu! 🙂

  8. bossing junnie. pwede bang mag-aral gupitan ang sarili? alam ko kung kalbo ka eh ok lang pero gupit binata eh that’s another story. hirap talaga ng wala sa pilipinas, di makakita ng disenteng barbero agad.

  9. you know, investing on a clipper aint really that bad hehehe

    but really, I love barber shops around, there is always one in a neighborhood. I enjoy the massage that comes with the haircut and the shave. Well…I enjoy watching them. hehehe and boy! do men in barber shops gossip worst than females in the salon….hehehehehe cute!

Leave a reply to BatJay Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.