eto nga pala ang typical eksampol ng paniking mababa ang lipad. native ang species na ito sa california. pero akshuli, nag originate sila sa pilipinas. ang pagkakasabi nga ng mga naturalist eh malamang daw na nahipan sila ng malakas na hangin at napadpad dito nung magkakadugtong pa ang asia sa america millions of years ago. rare na raw ang paniking ito at actually nasa endangered list na. ang pinaka dahilan daw ng pagiging rare ng paniki na ito ay mainly because of diet. wala kasing kasoy sa california na siyang pinaka food source ng paniking ito. isa pa raw dahilan ay ang mating rituals nila na kakaiba kasya sa mga regular na paniki. mahilig kasi sa sex ang species na ito pero nagagawa lang nila ito habang nakabitin sa loob ng mga kweba. ang kaso nga eh may kakingkihan sila at hindi pwedeng walang 69 position. pag ginagawa nila ito eh nahuhulog sila sa kanilang kinakapitan at nauumpog sa sahig ng kweba. karamihan sa kanila ay nababagok, nasisiraan ng ulo at di magtatagal ay namamatay. yung mga suswertehin na mabuhay (tulad ng paniki sa picture) ay nagiging sex maniac.
commercial muna bago tayo magpatuloy sa regular programming: thank you nga pala kina Sassy Lawyer at Yuga sa pag feature ng “The Rebels Without Because” sa “The Philippines According to Blogs”. ang community website ay blog op da weak this week.

haaay ang cute naman nya…kung ganyan ba naman ang dadapo at mangangalmot e di okay lang…mukhang sa sobrang banat ng suot at pagkakaupo, tiyak scrambled na eggs nyan..hehehe
later dude!
no dumping of garbage? hehehe
manong batjay, for lack of better place to post ds info e dito na lang po sa comments area ng blog nyo.hehe. ako nga pala si layad,well, matagal nakong natitisod sa syt mo, fun! really. I understand na Scientist po pala kayu.hehe. narinig nyo na ba yung bagong program ng DOST d2 sa pinas?
Apply kayo sa DOST and you will be paid $150 (P8,440
per day or P218,000 per month) for three months!
Kelangan lang ay expert kayo sa:
1. biotechnology, or
2. ICT, or
3. Packaging R&D (yes! packaging – paano magbalot ng
produkto), or
4. Housing and construction
pero….
Kelangan din ay wala kayo sa Pinas dahil ang program
na ito ay under ng Balik-Scientist Program, therefore
for Pinoy scientists abroad. Kaya nga kasama sa
package ang libreng roundtrip airfare of P150,000.
kaya yun mga kawawang syentista at inhinyero na nakukuba na dito sa ating mahal na pamantasan e manatili na lang talagang kuba habang panahon!
sistemang bulok.
kung gusto po ninyo, i can send the entire details of the DOST’s program.. kakatakam ang pera at stake at kung may alam pa kayong kapwa siyentista at inhinyero na pedeng maging interesado, sayang naman.. pero lecheng DOST yan..
cge po.. gud day!
nyahahaha fafajay! nakakatawa ang pic.
Maraming kasoy sa California – nasa Costco!
why am i stuck on that photo? the trauma.
Langya, nakita ko yung comment mo sa Eddie Gil post ni Sassy. Bwiset! hahaha
Kung mapadpad naman sa inyo yang paniking yan, papuntahin mo naman sa bahay ko’t gagawan ko ng sarili nyang kweba. maawain kasi ko sa mga ganyan e.
Batgirl ka ba or Catwoman?
batwoman. hehehehe.
kaya pala ang bait bait mo sa akin, tito rolly. salamat. hehe.
hi transience – you’re stuck on the photo because of the sign. you’re back blogging – hooray!!! you’re one of the few blogs around that’s worth reading and i am glad you’re back.
dear chichay,
bawal pumasok sa costco ang mga paniki.
hi mari – long time no hear. kamusta ka na? i hope you’re well.
hi tony. strechable naman ang damit kaya hindi masakit.
ang actual na sign, mylab ay dapat:
huwag magtapon ng basora deto,
ang maholi, bogbog.
parang namumuka-an ko yang Lintik na PAniki na yan ha? Pinay ba yan? π