curious lang ako… pag nakita nyo ba ang picture na ito, ang ang naaalala ninyo? pagkain ba or “lord of the flies” ni william golding. ako, paiba iba at depende sa oras – pag lunch eh naiisip ko lechon cebu, sawsawang suka na may toyo na binudburan ng siling labuyo at hanging rice (puso). sarap non. ispokening of pagkain. na mi miss ko ba ang pagkaing singapore? oo. dalawang linggo na kami ni jet dito sa maynila. nag iba nang panlasa ko at parang ang layo na namin sa nakagisnang buhay sa singapore. hindi ko na sana aaminin pero sige – ang isa ko pang nami miss ay ang anghit. hehehe. packingsheet. akala ko hindi ko ito hahanap hanapin. medyo weird nga eh. kanina lang nasa mall ako at napapaligiran ng maraming mga tao, i was half expecting na makakaamoy ako ng putok. wala. kahit putok ng paltik – wala. hina hanap hanap ko tuloy ang mabagsik na amoy langkang hinaluan ng sibuyas na halos mag pabiyak sa ilong ko.

Sa Singapore may anghit pero malinis environment. Sa Pilipinas naliligo 2x or 3x mga pipol….but my golly, anak ng pasig naman kayo…kalat doon…kalat dito…
Aww! that’s sweet of you missing the Singapore air. I hope someday I’ll get that feeling, too – missing the anghit that tests your senses.
For now, shite! Friday na naman at syempre mas malala ang amoy nila. I love Mondays, because it’s the start of the week and that they make it a point to bathe.
kaninang umaga may nakatabi ako sa jeep…anlakas nang putok, hanggang ngayon 2:30 p.m. na, naninikit pa sa loob ng ilong ko! hatsing tuloy ako nang hatsing.
haha.. oo nga daw balita ko. naisip ko tuloy, anong mas ok? yung malinis ang environment pero mala-sibuyas ang amoy ng mga kausap mo. o yung di kalinisan e.g. dito sa maynila pero mababango naman ang mga tao. maya’t maya e naliligo…? hmmm…
Bayaan mo BatJay… Pag-rush hour dito sa London Underground at nadikit uli ang mukha ko sa kili-kili ng mga pana o egoy dito, I will inhale deeply for you… tipong “for batjay with love”.
O pwede din akong sumigaw ng “HARA-KIRI!!”
Sir Batjay,
Certified nomad talaga kayo ni misis, parang dinaanan niyo lang ang Singapore, then you’ll start another adventure sa US.
madali lang problema mo sa anghit bosing. Ito ang gawin mo:
1. Itapon lahat ng deodorant ng mga kasama sa bahay.
2. Pagbawalan silang maligo ng tatlong araw.
3. Paglinisin mo sila ng buong bahay.
4. Pagbawalang magpalit ng damit at magpunas ng kili-kili.
Voila, after three days, me putok na jan sa bahay nyo. Langhap-langhapin mo ng pagkalalim-lalim.
Enjoy!
bwahahahaha…. salamat sa napaka detailed na scientific response mo tito rolly. hayaan mo, susundin ko ang payo mo. idadagdag ko na huwag bubuksan ang mga electric fan at isara lahat ng mga bintana.
hi robbie. oo, a vagabond’s life. gusto na nga sana naming maging permanent resident ng singapore kaya lang may opportunity kasi na ibinigay sa amin. susubukan lang naman kung mas ok doon sa bayan ni mickey mouse.
hi auee, ang pangalang walang consonant.
kamusta na riyan sa bayan mong adopted? back to normal na? maraming salamat sa pag-alala sa akin
pag may nakakasabay kang may putok sa tube, ganito ang gawin mo: magbaon ka ng kanin. pag may nakatabi kang mag putok. mag deep inhale ka sabay subo sa kanin. para ka na ring nag lunch. hehehe
con,
mas ok ang malinis at mabangong tao. sarap ngang katabi ng mga pinoy lalo na sa umaga. basa pa ang mga buhok at ang babango. major turn on.
ganito na lang ang gawin mo, ronald. kanta ka na lang ng…
(to the tune of pipit)
mamang may anghit
ang kili kili mo’y amoy
pag ikaw ay lumalapit
ang ilong ko ay
mabibiyak.
Y – hehehe. oo mayroon sentimental value ang putok para sa akin. endearing in a twisted kind of way.
ulam? parang onion salad hehe
Ok na dito sa london, resilient ang mga tao. Sana wag na maulit yung bombing.
parang kebab. ngyehehe. buti naman at ok kayo diyan. ano ba sa tagalog ang resilient.
mas masarap ang mabangong tao, m1.
sige parekoy, habang kumakain naman ako ng lechon cebu(alejo’s lechon pa!) dito, ikaw ang iisipin ko. bawat puso na nauubos ko ay dedicated sa yo!
kanina may financial committee meeting kami sa conference room, pasulpot-sulpot ang amoy paa! mas mate-take ko ata ang amoy ng putok kesa amoy ng mabahong paa…
mickey mouse. parang piglet version ni mickey mouse yung piktyur (ahahaha–at naisip ko yan b4 ko nabasa ang mickey sa ‘yung comments).
and for those na ‘yung partner sa buhay ay may anghit, nagiging aphrodisiac of sorts ang amoy. at kung may naaamoy sa daan, nanginginit yung…tenga.
FAFAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!
Sige, mga ilang araw bago kayo dumating hindi na ako maliligo. Pagdating na pagdating nyo, paaamoy ko sa’yo ang kili-kili ko as a sign of welcome!
ok ka na dun????
ECE ka rin ba tito Batjay? Parang ayaw ko na tumuloy tuloy bukas papuntang Singapore pero kaya ko naman siguro pag tiyagaan ng one week. Ang di ko lang kaya ay ang mga makakausap ko dun kasi naman nakakaayaw ko na sa telepono anak ng fu kee ng sheet na Singaporean na Bumbay na yan eh ang liit ng binibigay sa akin na budget time para sa isang software.
Nyahahaha! pareho tayo ng eksperyens, pero simula ng di na kami bumalik sa Malaysia eh nandidiri na ulet ako sa mga taong me iniipit na sibuyas sa kili-kili.
ako naman ay hinahanap ko ang anghit. siguro affirmation na mabango ako kaya may desire na maka amoy ng ibang taong mabaho.
hello ECE no. 34066
hindi ako ECE pero magkapamilya tayo. mas maaga lang akong nag graduate sa iyo. hindi naman mabaho lahat ng tao sa singapore. ok nga roon kasi malinis at maraming magagandang mga tanawin.
ninaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang!
huwag na lang ninang. hehehe. gusto ko makaamoy ng mabango. nyehehe. susunduin ka na lang namin papunta sa redondo? malapit na – two weeks na lang. excited na kami.
hehehe.
mickey mouse? hehehehe… hi sis. ok ang imagination mo. parang Rorschach Test pala ang picture ko ano? malakas (kusog) nga raw na aphrodesiac ang body odor. pheronomes at yung animalistic attraction i guess.
ah, miss roselle toledo – isa pa yang amoy ng mabahung paa. major major turn off, lalo na yung extreme case na amoy patay na daga. dapat barilin na ang mga taong ganito. hehe.
musta bay rene.
mo suroy ko ugma sa davao. aakyat sa bukid – mt apo to be exact. i can’t wait to be there again. uy, yung alojos lechon ata yung pinaka sikay sa sugbu. i was there last may and had a major craving so nagpunta kami sa mall, kasama ko dalawang foreigner. pag dating namin doon, ubos na. asar na asar ako.
di ako kumakain ng lechon. akshully, natatakot ako sa itsura ng ulo ng lechon lalo na at close range. phobia yata since childhood. ehehehe.
pag nagbabakasyon rin kami elsewhere, di pwedeng hindi hanapin ang pagkain dito. kahit sa australia, naghahanap kami ng chinese food ni R! ganon nga yata talaga.
ingat sa pag akyat sa bundok.