kung nasa bintan, indonesia kayo nung sabado ng hapon at may nakita kayong isang lalaking tumalon mula sa itaas ng bangka papunta sa beach at sumemplang sa tubig dagat, pagulong gulong pa at tumihaya ang dalawang paang nakaturo sa langit – ako yon.
bwakanginangyan. basa ang cellphone at digital camera ko. ayun, hindi na umaandar pareho.
aba nakataas ang paa? ayos yun ha. hehehe.. bili nlang kaw ng new cel and digicam yung di nababasa sa tubig =)
o kaya bili na lang ako ng new cel at digicam na hindi water proof pero di na ako tatalon sa bangka.
I am, I am, I am superman
And I know what’s happening.
I am, I am, I am superman
And I can do anything.
Ayan tuloy, natepok mga gadgets mo.
Balitaan mo ako pag me waterproof cellphone kang nakita. Last month, nahulog din CP ko sa tubig. Buti umaandar ulit matapos kong patuyuin.
ayy nahawa ka be bing!
hehehe… ka POLO! ano bang nangyari kay bing?
Doc Emer!
Ang galing mo talaga. You guessed correctly why the title of this blog is “Trust me when I say I know the pathway to your heart”. Medyo malayo at first glance pero if you dig deep enough eh… hehehe. galing mo man.
Yes, it is a line from the “Superman” song by R.E.M. and that’s what I just did last Saturday. Nagpaka Superman – ayan tuloy sira ang cellphone ko at digicam.
ANku, sayang naman ang celfone at digicam mo. Yung anak ko din nahilog sa banca in Elephant Island sa Marinduque. Naku hinayang na hinayang sa kanyang celfone at ito’y nasira. From that time on, hindi na nagdala ng kahit na anong electronic device pag nasa beach kami.
Anyway, bili ka na lang ulit at ng may magamit tayo sa pag-uwi nyo ni jet. hehe
Wag mo nang isipin yun mylab. Sasama lang ang loob mo. Walang iniwan yang ganyang pakiramdam sa makaiwan ka ng wallet na andun lahat ng major IDs and credit cards mo. Nakakapanglata.
Turn it into something positive na lang. Isipin mo na lang na now you have reason to buy new toys. Ma-e-excite ka pa… hehe.
Besides, gamit lang yan e di ba? Either replace them or do without, yun lang ang solusyon. Either way, I’ll be with you real soon! hehehe… Labyu!
Ako never kong pinabayaan ang mga gamit kong high tech … come to think of it wala pala akong gamit na high tech … ako yung type na “do without” sabi nga ni jet … pero sa CP subukan mong i-blowdry … in case mabasa ulit yung bago mong bibilhin …
hi,kuya batjay
bakit po kasi kau 2maLON SA bangka na may cell,at digital camera kaung dala.kung tinapon nyo na lang kaya ung cell at digital camera nyo,bago kau 2mALON SA DAGat.hehehe di sanay umaandar pa ang mga yun.
eh bakit ka naman tumalon?
sus oo nga. bakit ka tumalon? pero naiintindihan ko yung urge tumalon.
next time tuturuan mo ang gadgets mong tumalon pabalik sa bangka pag nararamdaman na nila na tatalon ka sa tubig. 😀
BWAHAHAH….i’m laughing with you, not at you!
don’t feel so bad though. at least you did it with style.
Superman? Akala ko batjay? di ka man lang sinalo ni Spiderman?
Woohoo. together again na ulit kayo ni Jet. woohoo. mas importante yun kesa cellphone at digicam. when is it gonna be?
oo nga, bakit ka tumalon?
sign lang yan na mag canon eos or nikon d70 ka na, mwehehe. sabi nga nila, manghinayang ka na for a day pero don’t let it drag. replaceable naman ang mga yan.
ingats.
hi tin… nasa funan nga ako kahapon. nakita ko yung 350D ng canon. muntik ko nang bilhin. siguro sa pagdating ni jet ngayong weekend, mabibili ko na ito.
ingat.
bakit ka tumalon, mari? nagpapakyut kasi ako.
mamayang madaling araw na ang dating ni jet. oo nga, mas importante ang asawa ko. excited na nga akong makita siya ulit.
no worries kat. you can laugh with me and at me. hehehe. i don’t take myself seriously so why should you.
pero seriously though – i love to laugh at myself. in fact among the three of us who went to bintan, indonesia, i was the one who laughed the hardest. especially post accident kwentuhan when they started to describe how i looked like with my butt on the beach under 2 feet of water and my two legs waving in the wind.
hi jessie – it was a hot day, high humidity, no wind… the urge to jump in to the water was so strong that i was not able to resist it. next time ibibigay ko muna ang bag ko doon sa kasama ko bago ako tatalon.
sassy: eh bakit ka naman tumalon?
batjay: uncontrollable urge to get my body wet because it was a hot day (at gusto kong magpa kyut).
Sana binenta mo muna yung cell phone at camera mo bago ka tumalon para kumita ka pa. O, di ba?
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAARGH! huwag mo nang ipaalala. pordyesporsyento.
wow! sige, pati ako excited sa eso350D mo!!! regards kay jet pagdating nya.
oo nga. ganyan din ako pag umuulan at init na init ako. naiintindihan ko na. 🙂
di bale kuyang. buti na lang at mura ang celfone dyan pati na camera. pero ang lufet ng bintan na yan, kuyang! ang ganda-ganda naman. sana makarating din ako dyan.
KIWI P!!! kamusta ka na? oo nga – sana may EB tayo doon ano? masaya yon pag natuloy.
hi jessie.
ako pa naman eh galit sa tubig. ulan, beach, pool. sarap kasi maligo.
hi tin. kamusta na diyan sa manila? marito na si jet. nakakuha na rin ng 350d. galing.
thank you mylab – ayan na ngat, nag buy na tayo ng mga toys. your toy and my toy. galing galing. sana ma enjoy mo ang toy mo.
lab U!