A BEAUTIFUL MIND

nung nag-aaral pa ako sa college, mayroon kaming isang instructor na talagang borderline baliw. napaka eccentric niya pero beloved in a twisted kind of way ng buong school. he was a legend even then. ang pangalan niya ay si mr. sison. kahit na sinong graduate ng mapua during my time ay dumaan sa kanya, one way or another. binigyan ko nga siya ng tribute sa isa kong entry dahil talagang ang galing niya. basahin ninyo DITO.

sino ba naman ang hindi matutuwa sa isang teacher na naglalakad sa corridor ng school na may hila-hilang chalk box na parang laruang kotse. na bumababa sa hagdan ng paatras dahil baka raw may tumulak sa kanya. na nagtatago sa ilalim ng lamesa para kunyari walang teacher. pag-tagal siyempre, aalis na yung mga studyante. bigla syang lalabas from under the table at sisigaw ng: “hahaha nandito ako!”. what a character. credit din to my school who ignored his eccentric behaviour and embraced his genius mind with open arms.

mr. sison’s legacy lives on in us and in the school where he became a legend. we loved him and are proud of his notoriety. nabalitaan ko recently na namatay na pala siya. siguro umiikot na siya ngayon sa kanyang libingan dahil sa galit. paano ba naman eh papalitan na ang pangalan ng mapua institute of technology into “malayan colleges“.

‘tanginang banat yan.

hindi na pala mapuan ang tawag sa amin – malayan na. packingsheet. ang isang kinaiinisan ko lang dito ay walang consultation na ginawa ang mga bagong owners tungkol sa issue na ito. may isang genius ata doon sa management na nag decide na basta basta na lang pwedeng palitan ang pangalan ng school. ayan tuloy, nagagalit na ang mga studyante, yung mga teacher at ang mga alumni. and they have a right to get mad. ano ang gagawin ninyo halimbawa kung gumising ka na lang isang umaga at nalaman mo na pinalitan na pala ng magulang mo ang iyong pangalan into “BULBULITO BAYAGBAG”. di ka ba naman maiinis sa kanila. ganon din ang kaso rito. kung ako ang tatanungin kung ano ang solusyon dito, sasabihin ko sa kanila na ipasok na lang sa kanilang mga pwet ang pangalang “malayan colleges” at ibalik na lang ulit ang “maputa mapua institute of technology”.

may isa ngang sira ulo sa egroup namin na nang suggest na compromise na lang daw. gawin na lang “MATUTINA INSTITUTE OF TECHNOLOGY”. para instead na “malayans” ang itatawag sa amin eh “matutinians” na lang daw. BWAHAHA. kaya ikaw john, magsumikap ka!

51 thoughts on “A BEAUTIFUL MIND

  1. hello kuya jay!nagkalakas-loob din akong magparamdam sa iyo kasi sa totoo lang dito ko na-discover yung blog site ni ate sienna at yun ang lagi kong binabalik-balikan though hagalpak talaga ako nung nabasa ko ang mga entries mo.medyo asiwa kasi ako dahil medyo brutal yung mga words mo minsan pero sa loob-loob ko,ganon naman tayo talaga kaya “putsa” teka lang mag-comment nga ako…bilib talaga ako sa sense of humor mo!at ramdam ko ba very happy si ate jet sa iyo kasi labing & totpul hasban ka.big fan mo ako & ni ate sienna…

  2. this reminds me of the time when eddie ilarde launched a campaign to change the philippines’ name to maharlika (shudder).

    oo nga, porke may ari sila they think they can do anything with the famous mapua name. dati nga, when an american cousin said he went to mit (massachusetts institute of technology), i excitedly replied “oh wow, you went to mapua?”

    o di ba?

  3. naku mapuan ka rin pala, kaya pala…

    di ko na naabutan si mr sison pero since legendary nga, i’ve heard stories about him sa mga cousins and tita/tito ko..naku, halos buong pamilya pa naman namin nag aral dun (me mga PhD pa nga, mga >7yrs stay dun), pag sumali kami sa welga, aba, family reunion ang dating..yung tatay ko din, kick-out sa mapua, di nakayanan ang drawing..ayun, nag titser na lang..

    meron din kami sa Che-Chem, si inang, yung laging naka disguise na nazareno pag wednesday, nakapikit magturo yun, bawal mag take ng note, at higpit sa exam…organic chem pa naman and subject nya..buti na lang, never akong na under..

    basta ako, mapuan pa rin..

  4. “MATUTINA INSTITUTE OF TECHNOLOGY”. bwahahahaha… kaya ikaw john, magsumikap ka!

    LOL this line is funny!

    Its terrible to change a well established institution isnt it? I grew up in a small town and my parents went to this school used be to called NAGA PROVINCIAL HIGH and last time I went “home” it was changed to Gullas high! Heck a governor can change a schools name for his sake!

    naku mr jay.. you should call a protest! write to all Mapuans!

  5. Batjay, naalala ko isang peborit movie ko ni Robin Williams na Dead Poets Society sa kwento mo tungkol kay Mr Sison. Saludo ako sa mga titser na katulad niya. Kung buhay lang and daddy ko, na Mapua alumnus din, palagay ko mag-ngingitngit din siya sa galit.

  6. Maraming hindi naiintindihan na hindi lang ang pagpapalit ng pangalan ang ipinaglalaban ng mga estudyante kundi ang legacy ni Don Tomas. Nawawala na ang Mapuan noble legacy na affordable quality education for Filipinos at napalitan na ito ng commercialized education ng Yuchengcos.

    Akala kasi ng mga Yuchengco porke’t hindi kumibo noong una ang mga estudyante’t magulang eh pwede na nila gawin lahat ng gusto nila anytime na gusto nila. Kaya gulat sila ngayon sa mga protest activities. Dapat lang talaga na mag-react na about the issues gaya ng biglaang pag-shift from semestral to quarter system, closure ng Mapua High School, etc. Lahat yan inimplement nila without consultation.

    May balita pang may tuition fee increase daw ang Mapua next school year – 6% sa tuition at 15% sa miscellaneous fees. O di ba, mga pokpok talaga sila?

    Lui

  7. narinig ko rin na yung mapua ay gagawing isang course na lang… (ano yun tribute) i was never a mapuan but ome of my relatives are.

  8. Kung bakit naman kasi pati mga institusyon e kailangang may baguhin. Dati pangalan ng mga kalsada. Lahat ng mga bagay na nakasanayan at parte na ng history natin, lahat gustong baguhin.

    Pero ang gobyerno, di pa rin mabago-bago. Well, of course that doesn’t have anything to do with it.

    Easy lang mylab. Sige, di ka na cute pag nagalit ka. 🙂

  9. Bosing, naka-tatlong taon din ako sa Mapua ha. high school nga lang. yun yata ang unang bumigay, yung nasa doroteo jose. Red Robins pa nga ang champion nun for a long long time.

    What the new owners do not know is that Mapua isn’t just a name. It’s an institution, a legend. Changing it would even prove disaster for them. Who would want to graduate in a school called Malayan? Parang insurance ang dating.

  10. yun nga ang problema tito rolly, kundi ba naman mga sira ulo. sino na ngayon ang gustong makakuha ng diplioma na may nakasulat na “MALAYAN COLLEGES”.

    malayan is so baduy. baka gusto yata nilang ma-identify doon kay jose rizal na tinawag na “The Great Malayan”. that is so 1970’s. ang sama sa pandinig. isa lang ang gusto kong malayan – yung “malayan tiger”. pero malapit na itong ma extinct. parang extinction na mangyayari sa “malayan colleges”.

  11. hi mark anthony.

    ako ba yung nanalo sa blog awards? oo ako nga yung nanalo doon sa isang award. nanalo rin ako ng best in gown doon sa mutya ng talipapa. at oo, sa mapua rin ako nag-aral pero ano yung sinasabi mo na “kaya pala”?

    kaya pala ano?

  12. hi len.

    maraming salamat sa paglakas mo ng loob sumulat. natutuwa naman ako at nakapagsambulat ka ng iyong mga opinyon. mabait yang si ate sienna. isang tunay na kaibigan at napakabait. bukod doon ay maganda pa siya, maganda ang career at ang pogi pa ni don andres (parang ako). pag sinuswerte nga naman ang tao ano? mahilig akong magmura pag naiinis ako. wala naman akong minumura dahil kadalasan ay walang “mo” or “ninyo” doon sa huli.samakatwid –
    ito’y pagpapakita lamang ng frustration and anger on my part.

    ingat na lang at hanggang sa muli mong pagsulat.

  13. op di em en di ay en da tee – MIT!

    solid mapua pala ang pamilya ninyo analyse. haneps. teka nga muna… pangalawa ka nang nagsabi na “mapuan ka rin pala, kaya pala…:”

    kaya pala ano?

  14. Sir Batjay,
    Latest dito sa Malayan fiasco ay naka-hold na lang muna yung pag-change ng name. This changing of name daw ay para sa future endeavor nila and that is University status daw. Dahil nga sa nagalit ang mga students/alumni, the MapuaTech president (Dr Vea) said in a written statement na ibang alternative na lang daw ang gagawin nila to attain this objective. Kung makakalusot lang!
    Dapat nga rin ay ginawa na ito ng mga students when they (Yuchengco’s) changed to quarter term. Can you imagine 3 months to finish a term? Ano yan, vocational school? Kulang yang time na yan to find OTs.. (yep Mapuan din ako)

    Inabutan ko rin si Mr. Sison pero hindi ko s’ya naging instructor.

  15. Pingback: Apol the Great's Journal

  16. wla ka sa titser ko! mwehehehehe yung isa kong professor ko sa comp sci sulat nang sulat sa white board, lahat ng maisipan nya eh nisusulst sa white board, eh kopya naman kami nang kopya. tapos pag mejo puno na ang board sabay biglang Ooppsss me mali sa solution niya! toweng!!! buburahin niya ito gamit ang kanang kamay (na siya ring gamit niyang panulat) tapos sabay magkakamot ng baba gamit din ang kanang kamay. ayun! pati mukha niya meron na rin sulat ng marker

  17. hay nako kuya jay! Uso nga ata sa atin yan pero sana talagang wag na nilang baguhin. its so confusing. lalo na pag mapua, kasi parang identity na ng school yon eh. parang maryknoll to merriam. buti sana kung magandang reference ang merriam. no offense ha! anyways, i’m glad they protested. minsan talaga kailangan may kumibot para malaman nila ang mali nila.

    baka naman ang gusto nilang sabihin eh kaya pala nakakatawa. di nga, yu olweys meyk may di! patawa ka pa ha!

  18. kung mapuan rin ako, maghahasik ako ng rebolusyon! hehe. joke lang. sasama lang ako sa campaign para itigil ang mga kalokohan na yan.

    school ko rin from St. P College naging St. P University last year (yata) so not so bad.

    mga noypi talaga, sa frustration mabago ang mundo or ang gobyerno, kung anu-ano na lang ang binabago. haay.

  19. kaya pala…relate ako lagi sa story mo, kwentong tambay nga. saang batibot ka ba?

    ang mga girls daw ng mapua, sobrang nasanay na sa mapuan jokes (as in walang kiyeme), pag pumasok na refined, paglabas, astig na.

    sabi nga ng physics prof ko on his dream of seeing mapuan girls on skirt: p*#&! kunti na nga lang ang mga babae dito, mga mukha pang lalaki!

    ano daw sabi ni mark? magaling? kasali ba ko dun?

  20. oo naman kasali lahat ng mapuan dun….magaling…

    sabi nila yung mga babaeng students dati sa mapua mukhang t square hehe… pero ngayon iba na syempre.

  21. medyo eccentric nga si robin williams doon pero mas angkop ang personality ni mr sison doon kay john nash. siya yung teacher doon sa movie na “beautiful mind” na ginampanan ni russel crowe, ang kababayan mo diyan down under.

  22. I WILL TEACH YOU GEOGRAPHY 😉 am BISDAK so am NOT FROM NAGA CITY OF BICOL.

    Naga (22klms town south of the city)
    Naga, Cebu… am cebuana!!! bisdak bisdak!

  23. ah ok. i know where you live – naga, cebu. i worked at the NPC Naga Power Plant for a project as well as APO cement. the office where i used to work is in the naga area. nice place near the beach. maayo didto.

    ingat!

  24. kamusta na robbie? salamat sa feedback sana nga ay hindi na matuloy itong name change. sa tingin ko naman ay hindi dahil nakita na ng administration ng mapua kung gaano ka sensitve ang issue na ito.

  25. so that also explains why you have such a great husband. malamang guwapo rin siya. hindi rin ako magugulat kung pareho rin ang sense of humor namin ng asawa mo. pero wetaminit, ang ibig mong sabihin mel entered mafwa in 1985, so 1990 siya nag graduate? mas bata siya sa iyo! hehehehe.

    oo nga pala… ask your husband about the antics of mr. sison. i am sure that this will bring a smile on his face.

  26. hmmm… semesters to quarter terms. are the number of units equivalent in a year? kung hindi, then they just want to make more money out of the students, di ba? ang dami kong uncles and aunts na mapua graduates. would you believe, well known yang mapua dito sa states?

  27. alam mo parang racket nga na mag quarter terms – it’s too expensive to study there. nung time ko. ang tuition mo for the entire time you’re in school is constant. whatever your freshman rates you pay – tuloy tuloy na hanggang sa pag graduate mo.

    mapua family ka pala purple girl. hehehe. that’s nce to know. i’m not surprised na well known ang mapua sa states. simula nang 1960’s, and dami nang mga prominent na mga engineers ang nakilala diyan na galing sa (Ahem) malayan colleges. BWAHAHAHAHA.

  28. Batjay,

    Mapuan ka pala, pareho tayo, I like your site, sobrang nakakatawa ang mga joke mo. Sayang di ko naging titser si Sison, talagang iniwasan ko dahil mas gusto ko ang patok na titser, Kay Sison kasi ala-suerte ang makapasa, pero riot talaga ang klase niya, yung barkada kong magaling binagsak niya pero ok lang sa kanya kasi nga kakaiba ang kakenkoyan ng klase ni Sison. Tama ka, si Sison nga ang pinoy counterpart ng beautiful Mind. Si Otik(Che-Chem) na kapatid ni Sison eh buhay pa ba?

  29. hi lolet. thanks for dropping by. oo mapuan ako… hehehe. soon to be malayan. thank you sa mga magagandang salita. si otik? di ko alam kung buhay pa. matanda na siya even then.

  30. hay… si sir Sison… hindi ko parin sya naging instructor pero legendary talaga ang name……me nagpost dito about ke Inang sa Che-chm… im from Che-chm BTW, si Inang na trip paring magturo kahit me alalay na Caregiver na sya sa tabi hehehe. Pero hanep sa talino sa Organic Chem!kahit 1/8 ng blackboard na lang nasusulatan nya sa tanda (with matching alalay ng CG nya pa!) hala sige parin sa lecture sa board!

    … pero PAUMANHIN po pala… HINDI po pala si SIR BONUS yung dedo na si Sir Sison pala yun… just like dun sa blog about Sir BOnus…. mali po yung nabalitaan ko.. 🙂 (Actually, wala akong alam if dedo na sila or not)

  31. Whew!!!! swerte nyo naman at name lang ng college ang iniisip nyo….
    Siguro, kung isa sa inyo ang nasa kalagayan ko na nanggaling sa isang respitadong eskuwelahan na HIGH SCHOOL, at malaman mong ibinenta na tapos giniba pa ang original na iskwelahan… at naging paradahan nalang ng mini-bus (ahhhh… sapalay!!!! saplay!!!! nobliches – saplay!!!!) at yung ingay na tuwing pumapasok ka sa umaga at paulit ulit ang naririnig mong sigaw…. siguro…. napakasakit nun diba…. nanggigigil ako sa admin na hindi manlang naisip ang eskwelahang maraming pinasaya at naging history sa sa pilipinas. nakakainis talaga!!!!! tuwing dadaan ako sa D.Jose, gusto kong ituro at ipagmalaki ang eskwelahan ko pero wala na… kung papalarin lang ako na tumama sa lotto, sigurado at asahan ninyong lahat na ibabalik ko sa original ang mapua institute of technology high school… hindi ba na masarap pakinggan kung high school ka palang matindi na ang aral??? hinahangaan ka at tinitingala… eh ngayun? nasan na ang mapua? mukang lagi ng kulelat… “yun ang magic sa d.jose”.
    eto lang pi yun…. matinding training ground ang mapua high school para sa mga estudyante…. una, kaya ba ng ibang mag aral habang naririnig mo ang mga harurot ng bus at jip sa gilid?; pangalawa, kaya mo bang makipag sigawan sa titser mo?; pangatlo, kaya mo bang mag concentrate sa pag aaral kung makaka amoy ka ng formaline?; pang apat, pag labas mo ng skul nakaabang na lahat ng hold upper, snatcher, at solvent boys.; pang lima, pag umulan ng konti, half day kagad… (lalu na pag bumaha sa locker room) dismiss ang clase.; at higit sa lahat, pag nag champion ang red robins sigurado 2 days walang pasok… upps bago ko makalimutan ang makasaysayang si mr. laguardia at si mrs. mariñas (sinong makakakalimot sa kanila?)
    “alma matter your name and your story…. we raise our glad voices to thee… we will strive for the fame and the glory… of the M, and the I and the T……”

  32. wahahahahhahahahahahhahahahahaha…..

    sayang, dedz na pala si Mr. Sison… nakakatuwa naman ang prof na yan… anong course tinuturo niya??

  33. hello po, i’m currently studying at mapua po… uhmmm… wla lng po… i just thot of leaving a comment about mr. sison kc po i just heard the same thing from my professor not too long ago… it rily made me laf… wat i didn’t know was patay n po pla xa… akla ko he was still teaching at intra… well… un lng po… uhmmm… and regarding the change of name… we dont like it as well… uhmmm and i rily enjoyed reading ur blogs and the reply of other people… i rily love mapua kaso some things rily change… not only the name of the school but the quality of the students as well… but,,, i dont know what kind of students intra has now pero dito po sa makati things arent looking too good… that’s just my opinion po… nweis… that’s all…

  34. wala na yatang nakikick out ngayon sa mapua e…….lahat tanggap basta may pambayad ng tuition…….hay……hindi ako magaling nun sa mapua pero i was definitely one of the most resourceful! hehehehe

    viva mapua 3 times……….hehehe

Leave a reply to renan Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.