ETERNAL SPOTLESS OF THE SUNSHINE MIND

ISANG project engineer ako all throughout the 1990’s kaya kung saan saan ako napupunta sa iba’t ibang parte ng pilipinas upang magtayo ng kung ano anong mga planta. maraming mga pagkakataon na ang assignment namin ay nasa bundok. sa katunayan, ang picture na ito ng dalawang shaolin master na engineer na naka kung fu pose ay kinuha sa itaas ng bundok sa bacon, lalawigan ng sorsogon, bicol region. kasama ko ang aking kumpareng si constantino (ang pangalan ng napangasawa niya ay elena, i shit you not. kaya sikat sila pag may mga santacruzan). ang isang problema pag tumira ka sa bundok ay ang pag ligo. minsan naglalakad kami ng malayo sa paghanap ng water source. at malamig ang tubig sa bundok. parang galing refrigerator na halos umurong ang pototoy mo sa lamig.

nakakatawang balikan ang mga napagdaanan namin sa trabaho. ngayong medyo matanda na ako, iniisip ko kung ano ang nainom ko ng araw na ito at pumayag akong makuhanan ng ganito. nabasa na ba ninyo ang “lord of the flies“? isang grupo ng mga batang lalaki marooned in an island. left on their own, they start to manifest animalistic behaviour. sa tingin ko ay tutuo ito – tingnan niyo na lang ang nangyari dito. dalawang lalaking tumira ng matagal sa bundok. naligo isang araw ng naka brief, nakakita ng camera kaya biglang nag pose na parang mga shaolin monks. kundi ba naman mga sira.

65 thoughts on “ETERNAL SPOTLESS OF THE SUNSHINE MIND

  1. bosing, pang-tiktik magazine pala ang hubog ng katawan mo, my ghad!
    with regards to lord of the flies which is an excellent novel, ako rin agree na kapag kaharap ang kakaibang circumstances, mananaig at mananaig ang survivor’s instinct ng isang tao.

  2. may joke po ako
    umihi ang pare
    tumingin sa langit
    at sabi,,, Diyos ko ito na lang po ba ang gamit nito?

    hoy wag mag ala la ang malamig na tubig maganda sa kutis….

  3. ang layo ng kuha! sana medyo close up ha ha ha and then we can see kung pang-tabloid!!!!

    we all have that survivor’s instinct kaya lang talagang me mga taong sadyang nag-iinarte kung minsan.

  4. loads of laugh! loads of laugh!

    seksi mo pala sa tunay na buhay.

    at saka gumagawa pa pala ng tiktik ngayon? kala ko nung kapanahunan lang yun nung tatay ko.

  5. Those were the happy days di ba mylab, nung naguumpisa ka pa lang at masaya ang trabaho kasi kabarkada ang mga katrabaho mo. Haaaay! šŸ™‚

  6. hehe cute…

    I like the idea of searching for water source just to bath…and the cool, fresh water.

    thank you for being a big bro šŸ™‚

  7. nakakatuwa. ang galing ni constantino, straight na straight ang katawan! ikaw naman, naalala ko si ralph macchio on top of that post sa karate kid.

  8. hi ate glo.

    korek – bacman 1 and 2.

    bacon-manito 1 and 2 to be exact. matagal ako rito almost 4 years on and off. “those were the days of innocence and wonder”, ika nga ni paul simon. i had a great time doing this power plant. we had a tight little group that i was really proud of. at ang daming magagandang mga tanawin all over the place. i’m sure, alam mo ito dahil ikaw ang daragang magayon.

    siguro marami kang mga kaibigan dito?

  9. I came across you site almost a year ago. Since then, I visit this blog almost everyday for a little doze of laughter. I even recommended it some of my colleagues, or sometimes if they were too busy to check the ‘net, I’ll just copy my fave ones and send it to them thru e-mail (I hope you won’t mind).

    I don’t leave comments, but when I saw you yesterday eating lunch a few feet from where I am, I simply couldn’t resist. I felt giddy, like seeing somekind of a celebrity up close.

    Mukha ka ngang betlog! (bwahahahaha)

    anyways, thanks for sharing your eccentricity to the world… Gawd knows how much we all need to laugh!

  10. hi y.

    y-y-y delilah!

    you saw me yesterday eating lunch? talaga – saan mo naman ako nakita? kasi kahapon nagpunta ako sa bank ng lunch time kaya i ate here in the office. although, i went over to this food center to buy take away food and to meet up with my officemates so that i could hitch a ride back.

    baka hindi ako yung mukhang betlog. baka inaantok ka lang at sobrang dami ng nainom na diatabs. hehehehe.

  11. kuya batjay,
    sabi ko na nga ba?! may mga college brods/sis akong chemist ngayon sa PNOC. dream ko magwork dun, tagal na (para makauwi na sa hometown ko) kaso di ako sinisuwerteng matanggap.

  12. hay naku, halata ngang nilalamig ka kasi yung kasama mo tuwid ang katawan sa ginaw na rin siguro samantalang ikaw eh nakabaluktot ang tuhod medyo bata ka pa naman dyan kaya di pwedeng old age malamang maginaw nga

  13. hi ate glo. wow. oo nga – taga saan ka ba? sa sorsogon or albay? hati kasi ang staff sa bacman. may albay hired at may sorsogon hired. para raw patas at walang inggitan.

  14. hi vangie. ang tawag sa position na yan ay….. HUWAH! (karate shout) – whooping crane. ang ginamit ni karate kid para talunin ang kanyang mayabang na kalaban. si constantino ay dating macho dancer sa agogo-banana kaya magaling yang mag inarte.

  15. okay, you were not really eating then, I am and so were your friends…

    it was at a food center inside a mall near an MRT station (east side of singapore)… you were carrying a plastic bag, white ang color (hoping i got that right)… i was quite not sure if it was really you at first, but your mole gave it away…

    so obviously hinde ako inaantok… maybe madilim lang ang lights sa lugar na ‘yon (hehehe)

  16. mayron close up jessie. click mo lang ang picture at lalabas ang mas malaking version. huwag ka lang titili pag nakita mo at baka hulihin ka ng pulis. mas ok nga talagang maligo ng malamig kaysa maging mabaho. alam mo yan dahil taga baguio ka. baka sanay ka pang maligo sa akin ng malamig.

  17. grabe si constantine he’s super HOT sa pose nya na yan! parang mahal ko na sya.. sori fafa batjay, alam mong mahal kita pero this time, na upstaged ka ni constantine!

    …nasan na sya ngayon? ano na nangyari sa kanya? naging shaolin master na ba sya?

  18. hello jenn, ang diwata ng orchard road!

    hot ba si constantine? ipinagpalit mo na pala ako sa mas hot na guy. hehehe. marami nga yang napaiyak na mga bicolana. di niya kasi pinapansin dahil guwapo. siya’y kasalukuyang nasa texas at schooling until april. tapos babalik na sa kanyang reyna elena na naghihintay sa pilipinas.

    ang galing naman ng mga bintan pictures ninyo. kakainggit.

  19. hahahaha….hahahhaa….at first glance, i thought it was just a picture na you got off the net. siyempre, di muna binasa yung post…hehe. nung na-click ko, ayun, i almost fell off my chair…haha!!

    hayyyyy…..ano, andiyan na printer mo? sa thursday pwede ka sa geylang for a little “whore fun”?? hahahaha…joke kasi ‘to ng kapatid before before pa — anong favorite dish ng mga singapore prostitutes? WHORE FUN!! šŸ˜›

    tanungin ko na rin sila Tin na tiga-geylang din…haha!!

  20. hi leah.

    obvious ba na dumating ang printer ko? hehehe… 4 in 1 kasi yon at may kasamang scanner. yan tuloy kung ano ano na ang na scan ko. problema lang ay dumating ng mga 10PM kaya di na ako nakasama sa inyong mag nasi lemak. call ako sa whore fun sa thursday. BUKAS na yon ah! sige, call pa rin ako.

    bigla tuloy akong nagutom. saan ba makakain mamayang gabi?

  21. Bosing, buti na lang at yung paang yun ang nakataas no? E kung yung isa baka nakahuhumindig balahibo ang naka trace sa loob ng suot mo (kung malaki or the lack thereof)

    I’m sure it’s the first one although, oo nga, malamig masyado. Lahat ng uurong e umuurong sa ganyang klima. hehe

  22. hi schatzli.yung ulo ng baboy ay ginawa nang crispy lechon. balak ko rin sanang maglagay ng war paint before kunan ng litrato kaya lang nasa bundok kami. walang pintura doon.

  23. hello mylab. kamusta ka na diyan? naalala mo pa ba yung mga early days na yon? nagsisimula pa lang ako sa career ko kaya ganadong ganado akong nagtrabaho. at times tempestuous as most young boys are. naalala ko rin.

    ingat ka na lang. lab U!

  24. fafa jay, ibig bang sabihin wala na kong pag asa kay constantino? sayang, kahit may reyna elena na sya eh reyna sentenciada at reyna justicia naman ako.. at nung medio nagdalaga na ko ay reyna elena din naman ako palagi pag umuuwi kami non during santacruzan…

    ang saya talaga sa bintan — the people you go with really makes the difference! kahit anong ganda pa ng view eh balewala pag kups mga kasama mo.. i’m lucky to be surrounded by lovely people…

  25. mwahaha! tinapos ko muna basahin isip ko hindi ikaw yung nasa inset.. ikaw na ikaw! ipapakita ko ito kay ron mamaya, siguradong hahagalpak na naman yun!

    sige see you sa aming hometown, hor fun lovers!

  26. di kailangan paint sa bayan sa bundok di nag nakaw ka sana ng manok, break the neck then,,hayon blood paint!!! Hay ako itong si malandi talaga, ewan ko ba, may time pa itong mag trabaho,,,

  27. di kailangan paint.Sa bundok – di nag nakaw ka sana ng manok, break the neck then,,hayon blood paint!!! Hay ako itong si malandi talaga, ewan ko ba, may time pa itong mag trabaho,,,

  28. ano ba ang nainom nyo at sumobra ang lakas ng loob nyo sa pagpose nang ganun??? it was not shocking at all… just shocked at the courage ha ha ha!

    pero kakabilib ha… nakakuha pa kayo ng fans at mukhang me mga nagnanasa pa ha ha ha beauty is in the eyes of the beholder naman kase he he

    how sure kaya si tito rolly of the endowment? have you shown him? ha ha ha

  29. hi jenn, ang reyna ng orchard road at ang future miss canada.

    oo, wala nang pag-asa kay constantino. isa pa kuripot yon. hehehehe. baka mainis ka lang. alam ko naman na reyna ka rin sa mga santacruzan at muntik pang nagig isang miss canada. what can i say beauty and brains. that is hard to beat.

    oy, alam mo ba na yung isang kasama mo sa bintan ay familiar ang mukha. yung babaing may brace. nagkantahan kami nung weekend at naroon siya. maganda ang boses ha. kailangan mainvite ulit kasama kayo para pwede tayong mag singalong and along and along.

    ingat!

  30. hi Leah.

    salamat sa pag invite sa akin na mag dinner ngayong gabi. galing ninyo talaga to think about me. alam naman ninyo kasi na wala si jet kaya maraming salamat talaga.

    enjoy ako sa masarap na pagkain sa pasir ris park at doon sa mga bagong kilalang mga kaibigan. sige hanggang sa uulitin na lang.

    ay bukas na nga pala ang whore fun night sa geylang. awright!

  31. hi jop. muntik ko nang nakalimutan – oo aakuin ko na. ako na lang ang star model ng tiktik at burikak magazine.

    maganda nga ang “lord of the flies”. the film adaptation is not bad as well. you should try to rent this when you’re free.

  32. sige! sige! magsing a la la la la long tayo minsan! grabe yang si chris (naka braces) pakalat kalat at madaming nagsasabi sa kin na familiar siya (incl. leah!)

    tangna kuripot pala yang si consti..yoko na jan! balik na ko sa yo, if you’ll accept me again! heee

  33. si jet lee yung isa… tapos yung isa si monsour?

    ahehehe….

    Sir nic, nagpapasalamat ako sa isang binibining blogger na nagkwento tungkol ke batjay sa kanyang blog din. šŸ™‚

    hay… nakakwala ng stress ang blog mo..lalo na kung tinitignan ko yung picture ng dalawang karatista… magiiba kaya ang mood kapag boxers ang gamit nila? ahehehe

  34. hello jenn, ang karaoke princess at future miss canada ng orchard road.

    next time kayong mag sing a long, sabihan ninyo kami. baka di nyo alam, ako ang tom jones ng east coast ng singapore. hehehe. i sing a mean “delilah” at “gangrene grass of home”. ah si chris pala. hehe… actually magkasama kami ni leah nang makasama namin si chris. nagkita kaming lahat sa flat nina cherrie. may kasama siyang medyo kwelang babae na mahilig sa showbiz tsismis. at oo nga pala, magaling ding kumanta si chris. hehe. pag nagkita kayo, sabihin mo sa kanya, ako yung kumanta ng “total eclipse of the heart”.

    jay

  35. hello batjay and hello to all!

    nawala saglit sa aking isipan ang website na ito. kung di pa may nag pop-up sa aking e-mail, malamang na di ako makakapunta dito. maraming salamat kung sino man ang namangha sa kilig-to-the-bones naming katawan ni batjay (hehehe). sa ngayon, di pa rin naman gaanong nagbago. lumaki ng konti ang mga masel dahil sa exercise. baka lang po may magtanong kung sinong herodes ang nag comment. ako po si constantine, a.k.a. ting or stan (pangalan ko ngayon sa bago kong trabaho). di daw kasi maintindihan ng mga kano ang ting or constantino kaya ginawang stan. puro kase telepono ang usapan namin ng mga kliyente kaya hirap minsan mag-imagine kung ano nangyayari sa kabilang linya. boses lang nya naririnig mo.

    naalala ko tuloy yung mga happy moments namin sa mga lugar na napuntahan naming mga projects. parang ang sarap ulit-ulitin. di lang nakunan pero marami pang mas malala kesa dito… kung nakunan lang ng piktyur kung papano ako hubuan ni batjay ng shorts (kasama ang walang garter na underwear), malamang mas marami ang tumili (bwahahaha).. mabuti at may alala kaming makikita hanggang pagtanda namin..

  36. o pare, nagbalik na naman siguro ang pagiisip mo sa mga magagandang ala-ala natin sa kung saan-saan. oo nga ano – kung ilang beses pala kitang nahubuan sa harap ng maraming tao.

    hehehehe.

Leave a reply to kwan Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.