lunes. pasok na naman. medyo na late nga akong nakarating sa opisina. ang tagal ko kasing naghintay bago ko na feel na umupo sa trono. morning ritual ko kasi yan at hindi ako comportable pag hindi ako na ebs sa umaga. impak, ang magandang tanong pag nakita mo akong mainit ang ulo ay “kulang ka ba sa sex?” “hindi ka na naman natae ano?”
nung boss-abos pa ako sa pilipinas, karamihan ng mga tao ko ay mga 20 something people na out of college. mga galit sa pera dahil ngayon lang nagkasweldo at mahilig sa labas. para sa kanila, isa lang ang policy ko about absences and i drill it into their heads sa first day of work. with drama epeks pa siyempre, to emphasize the point… “ok lang sa akin ang mag absent kayo if you are sick. just give me a call at tabla na tayo. PERO… never EVER go on sick leave on a MONDAY at ang dahilan mo ay Diarrhea. sa ibang araw na kayo magtae, huwag lang lunes“.
sa experience ko kasi, LBM ang pinaka lame na excuse for not going to work on mondays. minsan kasi sasagad ng gimmick sa weekend. iinom at magpupuyat na akala mo eh wala nang bukas, tapos di makakabangon ng lunes at idadahilan sa boss ay LBM. i know. ginagawa ko rin kasi yan nung araw kaya alam ko. hehe.
haha. sa opis ko dati ang rule is pag friday or monday ka nag sick leave kelangan ng medical cert, any other days di na kelangan. more often than not, palusot lang ang friday sickness or monday blues. smart ano?
hehehe.. hi tin. naalala ko tuloy, may doctor ata dito sa singapore na gumagawa ng mga MC. magbabayad ka pa rin ng consultation fee pero may certificate ka kahit walang sakit. ayos ano?
kung pupwede lang maging excuse ang flatulence, eh di di na ako pumasok… hahahahah… buti na rin lang di yan valid excuse…
hehheheheheheh
pag super stinky yung flatulence, baka yung office pa ang magpauwi sa iyo. hehehe. lalo na sa US kasi may law na yata tungkol sa (ahem) bioterrorism. hehehehe.
hello po!
sobrang nakakaaliw po ang blog nyo… kaya hindi ko na napigilan na hindi magkumento..
dahil aabsent dapat ako today.. eh naalala ko yung post nyo na ito… kaya eto.. dito ako sa ofiz… kahit may “lbm” (look for a better management!) plans ako
hi kwekz. tama yang ginawa mo. mas mabuti nang tumulo na parang gripo ang LBM mo kaysa mawalan ng trabaho. dati may ka opisina ako na LBM ang initials ng pangalan. wala lang. hehe.
salamat sa dalaw.
I really should call in tomorrow (for us here Monday is tomorrow)…I haven’t used that excuse yet…:D but then again, what kind of example would I be to my employees hehehe…
Our union prohibits us frem asking for med cert on a Friday since you have to be off from work 3 days before you can ask for a med cert. The dept I used to work for has the Monday lazynitis plague due to the Friday Work Furlough wherein employees get 1 Friday off once a month. If they dont come in Monday then they have to come in Tues with a med cert. But really…how hard is it to get a cert from your doctor paid by your insurance? hehehe
hello g. you should call in sick with LBM. see what they’ll say. one friday off a month… that’s not bad.
hehehe nuon sa opis namin ang valid excuse lang ng absent kung lunes ay death certificate …
mayron akong customer sa pilipinas na kahit death certificate ay hindi tinatanggap. one time, hindi ako nakapunta sa factory nila dahil nagkasakit ako eh pinagalitan ako ng husto. bakit daw ba hind ako nagpakita. kesyo pag sinabi raw niyang pumunta ako sa opisina niya eh kahit na nakasakay raw ako sa karo ng patay, dapat daw pumunta pa rin ako.
Naalala ko tuloy ang sabi ni Ma’am Tess noon mylab. Sabi niya, ‘Hindi nyo ba alam na yang LBM na yan ang dahilan kung bakit di umaasenso ang Pilipinas?!?’ hehe… 🙂
Hmmm….
mukhang may katotohanan diyan sa statement na yan mylab. baka nga LBM ang dahilan kung bakit hindi umaasenso ang pilipinas.
Ah ewan. BAsta ako hindi rin mapalagay kung hindi makadumi sa umaga bago maligo. Natatakot akong baka pag hindi lumabas e umatake habang nasa daan ako. e pano kung traffic? Naku, mamumura mo lahat ang sagabal sa pagmamaneho mo!
alam mo, nangyari na sa akin yan. sinumpong ako ng LBM sa gitna ng traffic, mga 5 minutes away from home. yeah, so near yet so far. muntik na akong mabangga sa gate ng subdivision namin dahil nakapilipit na ako sa loob ng kotse. hehehehe… nasa top 10 yan na unforgettable experiences ko while driving.
yeah, yan lagi ang maririnig mo… sabi nga ng boss kong German, “that’s a part of the Filipino ‘tradition'”.
^_^
yan ang maganda (or masama) dito sa states, very lenient, you can call in sick anytime (no questions asked, basta may props ka lang na namamalat or paubo-ubo when you call) and it’s okay. inaabuso ng marami. i miss my paid sick leaves in the philippines, kasi i never take them. sigh.
bon jour mavic. LBM is part of the filipino tradition? hehehe.
vangie, ayos yan ah – pwede ba akong mag call in sick with LBM every monday pag nagtrabaho ako sa states?
tsong batjay!!! sobrang funny na namn ng blog mo… kahit malungkot dito sa opis basahin ko lang blog mo liligaya na namn ang araw ako.
gusto ko tuloy magsick call sa lunes try ko nga kung mapapayag ko yung boss ko sa excuse na lbm?
…And nobody’s gonna go to school today, she’s gonna make them stay at home …
Peborit ko yang song na yan from Bob Geldoff and the Boomtown Rats. I credit your brother in RJFM in introducing me to that. Mister Howlin Dave.
…Tell me why I don’t like Mondays …
…I wanna shoo-hoo-hoo-hoo-hoo-hoooot the whole day down …
niwre. sige subukan mong mag absent ng lunes at sabihin mo sa boss mo na may LBM ka. tingnan natin kung papasukin ka pa kinabukasan.
BWAHAHAHAHA… mukhang kantang kanta ka na ng “i don’t like mondays”, ate celia.
ang galing mo talaga. ikaw ang nakapansin ng lyrics ng song doon sa title ng entry. marami ngang na influence ang kapatid ko sa taste in music. sa akin – bad influence. hehehe.