bumili ako ng helmet doon sa paborito kong bike shop. kahit medyo mahal ay binili ko na rin. iniisip ko eh since i only have one head, mas mabuti nang mag invest ako sa equipment na mag po-protekta rito. sira na nga ulo ko, sisirain ko pa. pero teka lang… kung sira nang ulo ko ngayon tapos ay mabagok ako, dapat titino ako di ba? negative taymis negative equals positive. hekshuli, dalawa ang ulo ko kaya lang yung isa ay maliit lang at hindi nag-iisip. at saka hindi helmet ang protection doon – condom. heniwey, “limar” ang brand at pusha, fhusya, pusia, fushiah kulay pula siya. binili ko nga rin pala ng helmet ang asawa ko. this is also for my protection. baka kasi siya mauntog, magising sa katotohanan at iwanan ako.
Matagal na ako’ng gising sa katotohanan mylab. Corny pero ang katotohanan dyan, mahal na mahal kita, kahit gano pa kasira ang ulo mo. Kaya di ko kailangan ng helmet. Tama na yung lagi kang andyan lang.
Labyu!
Awat muna kayong dalawa. Bawal sa kin ang masyadong sweet at diabetic ako.
Di ba may ginagamit ka ng helmet? Yugn kulay silver yata yun? Anwyay, sige, galingan mo pagba-bike at hindi ka kayang protektahan nyang helmet na yan sa mga bus.
di nga uubra ang helmet na pula para sa bus, tito rolly. ngyehehe. kaya dapat magaling ka ring umilag.
di nga uubra ang helmet na pula para sa bus, tito rolly. ngyehehe. kaya dapat magaling ka ring umilag.
Hello MylabOpMayn. HuWow, ang sweet naman ng sinabi mo, kinilig tuloy ako. Di bale, ibibili pa rin kita ng helmet para pwede kang umangkas sa akin pag nag bike ako. huwag ka lang malikot.
lab U!
Hello MylabOpMayn. HuWow, ang sweet naman ng sinabi mo, kinilig tuloy ako. Di bale, ibibili pa rin kita ng helmet para pwede kang umangkas sa akin pag nag bike ako. huwag ka lang malikot.
lab U!
bilhan ko na din ng helmet nanay ko? ayun…nagbibihis at aalis ng bahay at me date daw siya..mag bibidyoke sila ng boypren niya.
si father? ayun..nag aalaga ng anak niya sa bubae niya..hahaha
wow zork – nuclear na nuclear ang pamilya ninyo.
ma God, ang kulit mo talaga! hahaha!
natawa ko ng husto sa sagot mo ke Zork!
ok, nakita ko na naman si hubby na nag-ta-ta-tawa. blog mo nga ang binabasa. buti pa yung blog mo binibisita nya. mine — never!
hubby is also a hard-core mountain biker. nakita ko Bell and Gyro ang helmets nya.
anyway, HAPPY NEW YEAR to you and ate Jet!
p.s. bakit parang behave na behave ka sa pictures during the bloggers’ EB? shy ka daw? (yeah, right!)
how iswit naman…:) nyahahaha kanina bad trip ako pero after checkin this awt sumaya ako:)
sana may kaexcahnge-an din ako ng helmet.
hi… just wanna say i enjoy reading your entries. ok, understatement yun.
kahit pa sabihing mejo bawal sa akin yung mejo for mature reading only.
been reading since nanalo ka sa blog awards.
ganda ng helmet mo mr. batjay!
hehehe…ayos..nagkaidea ako kung anong ireregalo sa classmeyt kong siraulo…”HELMET” para kapag nauntog siya…at nagkamalay…mas siraulo na ako sa kanya..hahaha..
ang sweet nio naman!
Just testing your comments out. 🙂
batjay at batjet… awwwwwwwwwwwwwwwwwww… so sweet… love it like that… kami rin ni hunny ko, ganyan pero wala siyang website…
linggo ngayon, day-off ko… am home alone and enjoying the peace and quiet cool afternoon breeze… yes, malamig-lamig pa dito…
quiet and peace meaning, no tv… computer lang…
ginoong batjay,
kung di nyo po naitatanong ay hay-dol ko po kyo.
totoong-totoo po yan at walang halong biro.
para sa akin ay wala hong kaparis ang kakuwelahan ninyo.
lagi na kapag nagbabasa ako ng mga paskil (tagalog po ng post) ninyo ay humahagalpak ho ako sa tawa. at lagi na ay kinakabagan ho ako nang dahil sa inyo…pero oks lang po, mura lamang naman ang azeta de manzanilla sa botika.
basta hay-dol, hanip este hanep ka talaga!
iyon lamang ang po ang aking masasabi.
Sumakit ngipin ko sa post nyo ni Jet!
😛
okey itong site na ‘to umiyak ako sa kakatawa!
ako naman natawa ako sa kakaiyak!
(pg-99 ata itong site na to…so yung mga birhen ang tenga at mata, di pwede makabasa)
Ang sweet! Kinikilig ako. Hahaha.
nagkadiabetis na nga si jet sa ka-sweetan ko. nahirapan tuloy siya ngayon dahil marami nang bawal.
ako naman naiyak sa kakaiyak. teka lang, meron ba non?
Awww ang sweet naman ng reply ni Jet. Hehehe.
sweet sweet nga ni jet. nagka diabetes tuloy. kawawa naman at marami nang bawal na pagkain. di bale manonood naman kami ng sting concert ngayong gabi. pre birthday present ko sa kanya. birthday niya sa 15th kaya huwag mong kakalimutan.
any sweet naman ninyo ni Jet! (hi Jet!)
and yes, wear your helmet at all times.
pamilyar masyado ang mukhang ito, di kaya’t siya ang matagal ng nawawalang ama ni darnita? hahaha!
buti naman at may helmet ka na, happy biking ;)pwede rin yan isuot pag sumasakay ka ng train. para pag nakatulog ka at mauntog sa salamin eh hindi ka magkakabukol.
sinusuot ko na nga ang bago kong helmet kahit sa loob ng opisina. ang ganda kasi at bagay na bagay sa akin. ang sama lang ng tingin sa akin ng receptionist namin… di ko alam kung gusto niyang arborin or nasasagwaan siya.
hi kat. happy new year! i hope you’re keeping warm diyan sa malamig na big apple. sweet pa rin after 13 years of marriage. yup – i wear my helmet at all times. sometimes i even forget to take it off and i enter the office with it on. i get weird stares. or perhaps, they stare at me because i’m weird.
hi shaggy.
thanks for dropping by. sana naman next time matawa ka na sa kakatawa. ingat at hanggang sa muli!
Jay
ARAY! auee, mag tooth brush ka kasi ng mga 6 times a day para di masyadong maapektuhan ang ngipin mo. hehehehe. Ingat! Jay
kamusta moxiemox!
maraming salamat sa pagdalaw. mabuti naman at nag e-enjoy ka sa pagbasa rito. sana di ka magsawa. sana rin ay di ka kabagin sa kakatawa. hanggang sa muli kaibigan. be cool.