GENTLE READER: ano nga ba ang ibig sabihin ng natorotot? plz help me dr. batjay .. di ko lam ang gagawin ko.
BATJAY: una sa lahat, maraming salamat naman at maraming dumalo sa unang pinoyblog christmas party kagabi. ayan, tingnan ninyo ang litrato namin. pinaliit ko lang para di ninyo mapansin na nagtatabaan lahat kami. BWAHAHAHA. how baboy naman the pig! ok, back to the topic… dear gentle reader, ikaw ay masasabing natorotot kapag ang iyong asawa ay may kabit na ibang tao na hindi mo alam. halimbawa, yung kapitbahay namin dito sa antipolo, kakahiwalay lang nila… nagalit kasi si lalaki dahil yung bunso niyang anak ay kamukhang kamukha ng driver niya. muntik na nga silang magbarilan sa loob ng bahay. ngayon alam mo na siguro kung bakit delikado ang manorotot sa bagong taon.

Hello Boss BatJay! Ano oras na kayo nakauwi kagabi? Kami madaling-araw na. Thanks for the wonderful meeting last night sa Cabalen. I sure hope we can still get to meet again before you and BatJet leave for Singapore. π
Happy happy New Year! π
kaya hindi ako sinasahot no yuga sa cell. hmmm may katabing magandang babae.
Sayang, hindi ako nakapunta. It would have been nice to meet everybody, especially you, hehe.
Nice meeting you, jay and jet. happy new year!!! i had a nice time..mabuhay kayo. i really think you should have your book someday. plsssss don’t forget to send me my gmail invite.thanks a heap!
asan yung ibang pics fafajay? patingin ako.
Pingback: PARALLEL UNIVERSES
sama ako next time ha? kahit na saling pusa.
manigong bagong taon senyo ni jet at anaks.
uyyyyyyyy, ang guguapo at gaganda nila. Hapi New year sa inyo dalawa.
Baka mag pakita na ako blog nextyear. Hwahahhaha.
Sana may roll call din from left to right..di ko kilala yung iba eh.
Hello Unkyel Batjay! It was a lot of fun meeting you and Ma’am Jet at the party. Pasensya na po kay Ma’am BatJet, di na ako nakapagpaalam ng maayos kasi baka iwan ako nina Yuga. Happy New Year!
Bosing, ang saya no. Sana maulit uli. Alam mo na ba kung ano yung pinasok nating trabaho? Medyo naguguluhan pa rin ako ng konti. Di bale, i-mo-moderate naman tayo pihado ni Sassy e. hehehe
Happy new Year!
Ang saya saya talaga. Salamat kay Sassy, Yuga at sa mga kasama ninyong nag-organize nito. It’s always nice to be able to see the faces behind the names, and the thoughts we read in the blogs.
Happy new year sa lahat at siyempre, most especially to you, mylab! Here’s to another love-filled, luck-filled year of taking chances and saying our thank you’s. Labyu!
RE: torotot
nabiktima rin ako niyan! pero di bale na…katulad ng torotot, walang laman yung nasulot niya kundi hangin! hehehehe…
Kulang! Di nag table dance si Batjay!
honga
nagtatabaan tayo π