GENTLE READER: dear unkyel batjay, hindi mo po nabanggit ang torotot doon sa “top 10 list ng mga pwedeng palit sa paputok itong bagong taon“. bakit po ba, ayos naman ito bilang alternative sa paputok, di ba?
BATJAY: dear gentle reader, medyo hindi kasi ako komportable sa torotot. nakikinig ako sa AM radio kahapon ng umaga habang papunta sa hospital para dalawin ang ate ko. ang sabi ng announcer ay delikado raw ang torotot sa bagong taon. nakakamatay raw ito, lalo na raw pag tinotorotot mo ang kapit bahay mo.
happy new year! 🙂
ditto loryces.
ano nga ba ang ibig sabihin ng natorotot? plz help me dr. batjay .. di ko lam ang gagawin ko.
ano nga ba rin ang ibig sabihin ng ditto? pls help me dr. batjay.
ang, “the same as above” = tsaa, e ditto?
maligong bagong taon, batjay! ingat kayo sa pagpapaputok.
Ito lehitimong tanong. Bakit nga ba tinawag na torotot ang pag ipot sa ulo ng isang tao? Ano ba epistemology nyang salitang yan?
Anyway, saya natin kagabi no? Lahat pala ng blogger na Filipino kalog.
dear unkel batjay at unkel rolly,
eh ano naman po ang ibig sabihin ng “epistemology”? natotorotot po ba iyon?
Dear Ate Siena,
Wag mong intindihin yun. Di ko rin alam kung san galing yung salitang yun e. Basta lumabas lang siya ba. hehe
Happy New year.