GENTLE READER: dear unkyel batjay, nabasa ko ito sa balita kanina: “women who eat chocolate regularly had the highest levels of desire, arousal and satisfaction from sex”. ang gusto ko lang malaman eh: paano naman yung mga pilipino na mahilig sa “chocnut“?
BATJAY: dear gentle reader, ano ba ang ingredient ng chocnut? di ba chocolate din? kaya the next time na magpabili ang partner mo ng chocnut, huwag ka ng ilokanong bato at manghinayang sa $3 price per box. itodo mo na pati pamato at panabla. ano ba naman ang sampung kahon na chocnut (a $30 price tag) kung ang katumbas naman nito ay mind-numbing, halos magka sore throat ka sa kakasigaw na sex.
Batjay, peborit ko din ang Chocnut. I prefer it to American chocolates though European ones are arooy maa (very delicious). Pero nothing beats good old Chocnut especially because it also brings back a lot of wonderful childhood memories. Buti na lang nung bata pa ako, di ko alam ang epek ng tsokolate ano, haha.
No time to read the link. Sinabi ba kung anong brand ang pinaka-effective? Mapakain misis ko ng isang dosena. HAHAHA
hehehehe… ayos tito rolly. baka mapuyat ka.
hi yasmin. kamusta na diyan sa bangkok? i’m sure you’re having a blast.
mahilig din ako sa chocnut. pero walang effect sa akin. siguro dahil matagal na akong mahilig. hehehe. mahilig sa chocolate.
hello batjay! buti na lang nabasa ko to, at nang makabili ng maraming chocnut para sa parating kong kasal. hehehe!
I’m addicted to chocnut! (pasa na din yung Hany brand.)
uy ako, mahilig sa chocolate… hmmmm… kaya pala…
hi tin ni roland na kaibigan ni tin ni ronald.
ikakasal ka na nga pala ano? wow. hindi mo pa kailangan ng chocnut ngayon dahil bago pa lang kayong magsasama. i am sure that your “level of desire” will be the least of your worries.
try eating chocnut after 7 years.
hi justice. nakaka addict nga ng chocnut. lalo na pag outside the philippines.
you tend to appreciate stuff you normally take for granted when you don’t see it too often.
naku… naku… naku…
Mas madaming peanuts kesa chocolalate ang choc-nut. Mas epektib kung mag purong cacao na lang kayong dalawa. 🙂
kung mas maraming nuts ang chocnut eh di dapat pala ang pangalan nito ay nutchoc? hindi bagay.
masarap nga ang mismong bunga ng cacao, hindi ba doc? maraming cacao sa inyo sa batangas. one time nasa hidden valley kami sa laguna naman, ang dami naming nakain na mga tanim na cacao doon. natakot lang ako at baka may higanteng tuko.
hi melissang chocoholic. eh paano naman yung mga mahilig sa dark chocolate?
hi dindin… lagot, chocolate lover ka rin ano?