SPIDEY IN AUCKLAND’S SKYTOWER

SPIDEY IN aukland ito ang skytower. ang pinakamataas na structure sa buong southern hemisphere. malayo ka pa lang ay makikita mo na ito at nagsisilbing gabay para sa aming mga lakwatserong namamasyal dahil malapit lang kasi ito sa tinutuluyan naming hotel. sa taas ng skytower ay mayroong observatory at bungy jump (sino ba namang gago ang magbabayad ng $200 para tumalon sa mataaas na tower? hehe). mayron din ditong dalawang restaurant. kumain nga kami rito ngayong week. ang ganda sa taas – kita mo ang buong aukland at ang mga karatig probinsya. masarap din ang pagkain. di nga ako nakatiis napakain ako ng maraming talaba. nainggit kasi ako sa mga kasama ko. buti na lang hindi ako sinumpong ng allergy. ang tigas talaga ng titi ko ng ulo ko, ano? sa ibaba ng skytower ay ang skycity casino, ang paboritong sugalan ng mga taga rito. sa tapat nito ay may branch ng denny’s. dito kami kumakain ng breakfast araw-araw. hehe… panay nga ang kain ko ng lumber jack slam – toasted bread, bacon, sau-sah-gue (sausage in english), eggs at ham. sumisikip na tuloy ang pantalon ko. kailangan nang mag excercise ulit kundi uuwi ako sa singapore na parang bolang kanggarot.

9 thoughts on “SPIDEY IN AUCKLAND’S SKYTOWER

  1. jay,

    obvious na nag enjoy kayo ni jet sa NZ as well as si spidey, buti hindi nagpaiwan si spidey dun sa rainforest na pinagpicnikan nyo (where u sang “the hills are alive, with the sound of music, tra-la-la” hehehehe)

    more pics please
    (musta si Kiwipinay?)

  2. there is Denny’s in NZ? how cool is that he he he they don’t even inform us here that they are int’l

    I favor the grand slam… šŸ˜›

  3. ayos si denny’s ah… nakaabot na sa NZ… di ko yan fave at all…

    anyway, asan yung picture of the view from the top of the building? san meron sana meron *fingers and toes crossed*

  4. hi allan.

    umakyat at nagtatalon pa doon sa glass floor – parang hinihintay pa kung may pag-asang mabasag ang salamin – both doon sa glass floor ng elevator at doon mismo sa taas ng tower.

  5. boss BongK!

    enjoy talaga kami sir BongK. ang sarap kasi roon. isa pa, ang sarap pa ng naka vacation mode. sana makabalik ulit.

  6. i was interchanging between the grand slam and the lumberjack. buti na lang 1 week lang. i would have had a heart attack if i ate that regularly. there are a few branches of denny’s in nz. they are a lot better as a matter of fact than the branches in the states. mas classy.

Leave a reply to BatJay, Ang Elvis ng Quiapo Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.