sinukat ko ang boobs ko dito sa opisina… 43 inches. ang laki ano? pag nag t-shirt nga ako, bakat ang nipples ko na parang si maria sharapova. lalo na pag malamig. hehe. bakit ko na ito nabanggit? kailangan kasi ang sukat ng malusog kong dyoga para sa bike t-shirt na inorder ko sa opis namin sa california. maiba ako: ginagamit pa ba ang salitang “dyoga” ngayon sa mga usapang pinoy? di ko na ito masyadong naririnig. nung araw kasi, ito ang slang word for “breast” at may joke pa nga na associated dito:
flat chested = walandyo
medium sized = medyo
big whopper boobs = mountain dyo
nung high school, mayron kaming school mate, ang apelyido niya ay “casuso”. he was the best trumpet player in the school band. nakakaawa siya kasi ang tawag sa kanya ng buong school ay “cadyoga“. ang panunuksong ito went on for one whole year at malimit mong maririnig ang mga sigaw na “hoy cadyoga, mag bra ka naman“, lalo na pag nagtotorotot siya. sometimes it gets really bad: “hoy casuso, ikamusta mo kami kay capekpek“. then nagulat na lang kami isang araw nang malaman naming legally siyang nagpalit ng apelyido. yung “casuso” ay naging “casus” na lang. we had no choice, from that day onwards, ang naging tawag namin sa kanya ay “cadyog“.
Hindi ko alam mylab kung bakit natatawa pa rin ako na parang first time kong narinig ito’ng joke mo tungkol sa classmate mo. Para naman kasing hindi nyo pinagkukuwentuhan ito tuwing magkikita-kita kayong magkakaibigan.
Pero sa totoo lang, natatawa pa rin ako. Sana Dec. na para makita na natin ulit sila. Makikinig ako ulit sa kwentuhan nyo, makikigulo sa exchange gift nyo.
Teka… di ba nakakatawa ito’ng post mo? Ba’t nasesenti ako? hehe…
oo nga mylab. namimiss ko na ang mga kaibigan natin sa pilipinas. miss ko na ang mga kwentuhan ng mga same old stories retold again and again. namimiss ko ang mga ngiti at tawanan.
sa linggo makikita ko na ulit sila. sana kasama ka ano? di bale babalik na lang ulit ako agad sa singapore para sa iyo.
Bosing – napuntahan mo na ba yung phibi.com? Oo nga pala gusto ko na ring ipaalam sa iyo na pumunta dito yung “parokya ni edgar” ang galing dre. and den isa sa nag-open ng band eh yung dating vocalist ng “the Teeth” (Lak-lak). tenk u
HAHAHA, shet. ako rin, nung kapanahunan namin, yan ang term na ginagamit, DYOGA.
hey boss idol ibalik.
welcome back mypren. ang tagal mo ulit bago nag comment, dyoga lang pala ang magpapaudyok sayong magparamdam. hehehe.
kung dyoga rin ang tawag mo sa boobs, di magkalayo ang edad natin. BWAHAHAHA!
hey vanjo. thanks for dropping by. ang ibig mong sabihin, nagpunta rito sa singapore ang parokya ni edgar? WOW!
Mukhang kilala ko yata yung mga kapatid na babae ni Mr. Casus(o)!
I’ve been told the exact same story too.
hi paul.
it may be because at one point in our lives, we came from the same school.
he was a great trumpet player and was instrumental in rallying the players and the fans during the PRADA basketball games.
Hi Peskasin! Anong PRADA basketball games? Si Mamma Miuccia ba ang nag-sponsor ng uniforms n’yo? Kasi kami, hanggang BOTAK lang noon. (Jologs kasi kami sa UPIS eh!) 😀
Hahahaha…..nautot na naman ako sa kakatawa….Pre, ako din may istoryang ganyan…May klasmeyt ako na ang pangalan ay Joseph Bayag, sa Ilocano, aksent on da pers silabol, sa Tagalog, aksent on da sekan silabol…Dahil sa kakatukso sa kanya, he legally changed his name, he is now called Joseph Balls…May pinsan naman kami na ang pangalan ay Eleuterio Ignacio, nung naging tizen dito sa Isteyts ay pinalitan niya rin ang pangalan…He now goes by the name “Electrical Ignition”…hehehe…..Onli in Amerika…..
Dyagwar
hindi ko na rin yata naririnig ang dyoga. ang alam ko naman from college e ito:
big boobs : kapus-palad
medium size : mapalad
flat chested: sawim-palad
wow sosyal mo naman, bakit in-order mo pa talaga ang bike shirt mo? 🙂
nyahahaha. i’ve never heard that one. of course, i’m not tagalog. kawawa naman siya. pero funny pa rin.
Come to think about it, bihira ko na ngang marinig ang dyoga. i think the mountain dew joke I read first in jingle mag. Sayang talaga yung jingle, maraming maganda dun e. i still remember the first issue “the penis mightier than the sword” atsaka the corrupted kundiman song na “ang tae ko sa ilog” Memories…
hi vanjo.
nagpunta as chicago ang parokya? wow, that’s really great. kahapon nung mabasa ko ang comment mo ay akala ko sa singapore nagpunta. di kita nakilala agad. i knew immediately when i saw your email address this morning.
that’s really great – they have this MTV called “mr. suave” – have you seen it? nung una kong mapanood ito sa MTV natawa ako talaga ng malakas. bigla rin akong na homesick dahil namiss ko ang pinoy sense of humor.
ingat!
ngunit dahil sa tfc, di na ako masyadong homesick. i love the pinoy sense of humor. there’s nothing like it, is there?
katawa talaga ang parokya ano? kuhang-kuha kiliti ng pinoy.
nafeature nga sila as “young Leaders in the music industry” dun sa anniversary issue ng National Graphic Magazine (ata).
Classic na nga “Harana” song nila. Hay.
Natawa ako don a! galing mo talaga magkwento….malamang kasabay pa yan ng malademonyo mong tawa…miss ko na kayo ni Jet
hi pinsang renee,
nakalimutan ko na ang ibig sabihin ng PRADA but it was the small basketball league ng mga all boys catholic school sa manila – ateneo, marist, notre dame, la salle. i forgot the other schools. botak rin ata ang sponsor namin dati – i don’t remember dahil spectator lang ako.
musta na diyan?
hi dyagwar. marami ka rin palang mga kakilala na may special na mga apelyido. gusto ko yang “electrical ignitition”.
haydee-die-dee-die-dee-die!
di mo ba inabot ang “dyoga”? bata ka pa nga. kasali ba doon sa binigay mo si “mariang palad”? never mind – no need to reply.
di naman ako masyadong sosi. kaya ko inorder yung bike shirt ay dahil kailangan. ito kasi ay mga tailored shirts na gawa for our company in the US. it will be used for the bike trip to San Diego in Novelber.
ingat!
Naalala ko tuloy si Miss Pruki, lagi niya pinaalala sa mga pupils na may R yung name niya.
Minsan natatawag siyang Miss Prekprek, minsan naman Miss Krepyas.
Ito pa ang mga translation ng Filipino Names to English:
Remigio Batungbacal
Remington Steel
Benjamin Jurado
Ben Hur
Federico Hagibis
Federal Express
Eleuterio Ignacio
Electronic Ignition
Casimiro Bukaykay
Cashmere Bouquet
Rogelio Dagdag
Roger Moore
Topacio Mamaril
Top Gun
Restituto Pruto
Tutti Frutti
Samuel Tampipi
Sam Sonite
Veneracion De Asis
Venereal Disease
Francisco Portero
Frank Furter
Diosdado Durante
Deo Dorant
hi tito rolly.
wala na nga akong naririnig na mention ng dyoga for many years now. perhaps, it’s for the best. di masyadong maganda sa pandinig ang “dyoga”. oo nga, sa jingle nga ata naggaling yung “mountain dyo” na joke… at kung ano ano pang mga berdeng joke.
ang isa pang joke doon na di ko pa rin makalimutan ay siguradong ang mga ka age lang natin ang matatawa. here it is…
TANONG: anong bansa ang maraming hippy?
SAGOT: yemen
hi gail.
that’s true – there’s nothing like pinoy humor anywhere in the world. nobody has gone through so much adversity and still came up laughing and joking.
hi pegasus.
enjoy nga ako sa parokya ni edgar. lalo na yung mr. suave – one of the best pinoy music videos i’ve seen ever.
sobrang cagalang naging cabastos…pero i love your posts…laging cahappy
jet: kung nakakapayat ang kakatawa sa mylab mo…buto’t balat ka na.
hi lynne.
makikita mo naman ako next week. hehe… dalaw ako sa opis ninyo tapos tatawa ako ng malademonyo ng malakas!
hi justice!
hehehehe… nangayayat na nga si jet. pero immune na sa mga jokes ko. di na siya masyadong natatawa.
magandang gabi, banana republic!
hehehe… nabasa ko na yang listahan mo dati pa pero hanggang ngayon natatawa pa rin ako.
NGYAHAHA!
bwahaha! langya ka batjay, pigil na pigil ang tawa ko dito sa opis, naluluha na ako sa sobrang kakatawa sa kwento mo…
marami dito ang may higanteng dyoga, at marami ring hindi sanay magsusuot ng bra (salong-dyoga sa tagalog). at dahil palapit na ang winter, dami ring sharapova dito hehehe!
minsan, boobs ang term na ginagamit namin kaso dapat palitan kasi naiintindihan nila yun. so ang gamit naming terms ngayon ay either dede or dyoga. you know, fresh milk galing sa dodo ng cow (ewan ko kung naabutan mo pa sa pinas yung ad na yun)
hello eye.
huwag mong pipigilin ang tawa mo at mauutot ka ng wala sa oras. ‘boobs’ is a very english word, hehehe. siyempre maiintindihan nila yon. ‘dyoging’ na lang.
dodo sounds like an extinct dumb bird.
kuya batjay, kanina naiiyak ako tapos naiisip ko pumunta sa site mo para matawa. ayun nga natawa nga ako. hehe!
wow. salamat denden. pinasaya mo rin ako. alam mo naman ako i get pleasure giving pleasure. masarap talagang tumawa pag galing sa pag iyak. ang hiling ko ay sana nawala na ang dahilan ng iyong pagiyak.
ingat,
jay
Tawa ko ng tawa dyan sa kwento mo! hehehe Kawawa naman yung magiging asawa nung classmate mo, mrs. casuso.
Na-remind mo ko nung experience back in Grade 3. Wala pa kong alam sa kamunduhan (ngayon madami na hehehe) Anyway, yung classmate ko pag kinikilit nung mga lalake, ang expression “ay iyot!”
Tawa sila ng tawa. Di ko naman ma-gets. Tanong ako ng tanong, ayaw nilang sabihin, tanong ko daw sa Tatay ko. Sabi ni Tatay, as in verbatim, “Naaalala mo nung may alaga pa tayong baboy tapos isasama natin yung inahing baboy sa bulugan?” Ahhh yun pala yun!
So the following guess what?! Sabi ko sa mga boys, “Ano naman ang nakakatawa sa iyot? E bulugan lang naman yun!” hehehehe