on this day, 32 years ago, marcos issued proclamation 1081, declaring martial law over the entire philippines. tuwang tuwa ako the week of the declaration dahil biglang walang pasok sa school. pero short lived lang ito kasi nabalitaan namin na nawalan ng trabaho ang daddy ko. pero maswerte rin kami kahit papano at hanap buhay lang ang nawala sa pamilya namin. maraming kinulong at pinatay nung panahong iyon.
naging compulsary rin na kantahin ang “bagong lipunan” song sa mga school flag ceremonies. tanginang brainwashing technique na iyan… hanggang ngayon, 32 years after, kabisado ko pa rin ang mga lyrics ng kanta ni levi celerio.
may bagong silang,
may bago nang buhay,
bagong bansa,
bagong galaw,
sa bagong lipunan.
magbabago ang lahat,
tungo sa pag-unlad,
at ating itanghal,
bagong lipunan!”
kantahin mo ba naman yan every week, kung di ka ba naman mainis. iyan, kasama ng pagpatay kay voltes V ang dahilan kung bakit galit na galit kami sa edsa nung 1986.
Tatoe arashi ga fukou tomo,
Tatoe oonami areru tomo …
Voltes V!!
Kinakanta namin yan habang hawak namin ang pinakintab na saber pang CAT. Hehehe!
Talaga namang reminiscing blues tayo ngayon. Alam mo naalala ko rin yang Martial Law kaninang umaga ng ma realise kong Sept 21 ngayon. Bakit kaya?
ngayon ko lang naiisip kung bakit hindi laser sword agad ang ginagamit ni voltes V sa mga kalabang niyang robot.
siguro ayaw ng direktor dahil kung pinatay ni voltes v agad ang kalaban eh 15 minutes pa lang tapos na ang episode.
ayan… martial law… sabi ko na’t yan ang isusulat mo eh… hahahahaha
Hello BatJay! Happy Martial Law Day sa iyo! Ang galing! Naalala mo pa ang lyrics ng Bagong Lipunan.
Hanep sa brainwashing si Apo Ferdie, ano. Magkakaroon pa kaya ulet ng Presidenteng sing-talino nya ngunit hindi kasing abusado? Abangan…
Tama ka dun sa comments mo re: Voltes V. Kung mapapansin mo, ganyan din ang style nina Mazinger Z, Grendaizer, Voltron, at Daimos. Ang “death blow” palaging sa last 5 minutes ng episode. =)
“Sa ikauunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan” How true ba na sinabi ni Ariel Ureta yun on tv kaya ayun.. pinagbisikleta daw siya sa Crame hanggang lumawlaw na ang dila niya. Ang gleng-gleng.
This was the time na pati mga mahabang buhok ng mga lalaki pinapatungan ng puti sa picture sa mags like jingle.
oo nga pala… nakalimutan kong sabihin sa iyo na, at age 4-6, parang yan ang favorite song ko. alalang-alala ko rin yung mga words…
alala ko di makagimmick ang nanay at tatay ko dahil sa curfew… ang lungkot ko kasi walang pasalubong midnight snack from aristocrat… at di kami makalusot ng pagpanood ng TV…
sa awa ng Diyos, wala kaming kilalang nakulong except ang ninong ko…
sa opit, pag nababasa mo mga proclamation ni Makoy nun, malalamann mo kun bakit nagkamal sya g madami pera. gagawa sya korporasyon, kuha sya national treasury, board of direktors sya assign, thru rekomendasyon stockholder (the pilipino pipol thru the president). hinayupak, pinaikot nya lang.
Tuso- katuso-tusohan talaga.
madurog na sana rebulto nya sa Bagiou!
hi-ho, pegasus.
ang hiling ko nga ay sana huwag mag rest in peace ang mga kaluluwa nina marcos, kasama ng lahat ng mga nakinabang sa kanya, at lahat ng mga corrupt then and know.
kung di natin sila masingil sa mga utang nila, let’s just make a wish… may their souls rot and may they die a thousand deaths.
we should never forgive that easily. we should not have short memories.
tarantado ka pala e. sino ka para magsalita ng ganyan kay presidente marcos, sana buhay pa sya nagyon at sya pa presidente, ang laking tuwa ng mga loyalista kung ikaw ang unang papatayin. kaya dahan dahan ka sa mga salita mo. Malakas loob mo salita ganyan kasi wala na si presidente marcos.
thank you, kabayan.
jay
madami kaming kakilala, ang iba ay kamag-anak pa ang nakulong at nawala noon.. just like everyone here, kabisa ko pa din ang “bagong lipunan”..
oo nga pala si ariel ureta nga pala ang nag panganak ng slogan na “sa ikauunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan”..
good afternoon doc emer!
ngyahaha… siyempre naalala ko pa ang lyrics ng bagong lipunan song. mahirap nga itong ma recall kasi nagiging “last song syndrome”. impak – kagabi ko pa ito kinakanta. kanina nga pag labas ko ng pinto ay pinipito ko pa ang tune. pakiramdam ko, para akong kasali sa 7 dwarfs – kaya lang imbis na “hi-hoe, it’s off to work we go” ang kinakanta ko ay “magbabago ang lahat, tungo sa pag-unlad”.
tito rolly.
na blog ko na nga before yung balita na pinag bisikleta raw ng isang linggo ni marcos si ariel ureta dahil sinabi niya ‘sa ikauunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan’, instead of ‘sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan’. true story ba ito o apocryphal (rhymes with kupal) lang? di ko alam kung tutuo.
may isa pang bagong lipunan slogan na niloloko namin nung araw, eto yung ‘batas ay ginawa upang sundin at isagawa’ na ginagawa naming ‘butas ay ginawa upang suotan ng mga daga’.”
hi dindin!
eto ang complete lyrics (i think) sa peborit song mo from childhood…
ang gabi’y pumanaw nang ganap
panahon na ng pag unlad,
madaling araw ay nagnanakaw
ng manok sa kulungan
nagising si mang teban
sa umagang anong ganda
may bagong silang,
may bago nang buhay,
bagong bansa,
bagong galaw,
sa bagong lipunan.
magbabago ang lahat,
tungo sa pag-unlad,
at ating itanghal,
bagong lipunan!
hey bongK.
naalala ko talagang maigi ang mga flag ceremony namin sa school. nakakatawa nga, tanda tanda ko na ngayon pero vivid pa rin ang mga memory na ito.
last uwi ko, narinig ko si ariel ureta sa radio – dzmm, sa gabi.
martial law??? ano yun???? buhay na ba ako nun????
(hehehehe)
ninang! di pa pinanganal ka eh dalaga na si kris aquino? hehe.
wala lng
may bagong silang.
may bago ng buhay
bagong bansa, bagong galaw
sa bagong lipunan
nag babago ang lahat
tungo sa pag unlad
at ating itanghal
bagong lipunan
ang gabi’y nag maliw ng lahat
at sumikat na ang mag damag….
madaling araw ay nag didiwang…
hahahahahah…
nakakatawa naman ung “sa pag unlad ng bayan, bisekleta ang kailangan…
hindi ba,sa pag unlad ng bayan, disiplina ang kailangan?
actually,,naghahanap aq ng mga ganyang slogan for my filipino subject….
mag post p kau!!! =)