tagumpay! hindi lason. hindi kaning baboy. ito ay beef stew (i think). sa unang pagkakataon sa tanang buhay ko, nakaluto na ako ng mas mahigit sa prito. sinundan ko ang recipe ni radical chef para sa beef stew. hayan, tingnan nyo ang ibidinsya (“sabi ng iba, bisaya raw ako. wala naman silang ibidinsya”. hehehe). according to jet masarap daw at lasang tinolang manok kaya lang maanghang. nilagyan ko kasi ng sangkatutak na paminta. pwede na talaga akong magbukas ng karinderya rito sa singapore. ano ba magandang pangalan? “the circumcised chef” siguro. BWAHAHAHA!
Abah talented talaga, stew naman ngayon pero nakaktakot makikain senyo baka biglang mapaamo eh ma-BJ ka pa.
Congratulations mylab! 🙂
hehehe, parang ang sarap-sarap naman nyan!
Okay ang hitsura. That means you are 50% successful. Sayang, i cannot judge the other 50%.
Sabi naman ni Jet okay, then I believe her. Pasado. Matutuwa si Sassy nyan. 🙂
beef stew…..hmmmmm…..sarap
err… was mama jet excited to eat it? 😀
hi mec.
siyempre, excited rin siya kasi siya ang nagtutulak sa akin mag-aral magluto. malayo na rin ang naratin ko, ang bunsong spoiled na anak na three years ago ay di man lang marunong mag saing ng kanin.
ingat!
jay
hi apading. oo beef stew at oo masarap.
NINAAAAAAAAAAAAAAAAANG!
naalala ko tuloy ang pot roast ni andy. nakaka miss tuloy ang time namin ni jet diyan sa inyo. next time let’s make it longer. pero mag ho-hotel na kami para di maabala.
ingat!
sige tito rolly. pag may time sa next visit ko ay ipagluluto kita ng beef stew. ipagluluto ko rin si ate sassy para mas matuwa (or mas mainis).
pag walang time – pepper steak na lang!
salamat sa congratulations mo mylabopmayn. sana nagustuhan mo as mush as i loved cooking it for you.
ingat at habanaysdey! lab U.
Para sa iyo, nag-post ako ng tatlong bagong recipe na niluto ko para sa birthday dinner ni Baby Panganay last Saturday.
Creamy ox tongue stew Junk food spaghetti Pork and chicken liver chop suey
Maya-maya, ‘yung roast chicken naman. 🙂
hi sassy.
wow naman ang dami. bigla tuloy akong nagutom. ngayon ang “hungry pang” time ko eh. almost finished with work and looking forward to dinner. nagutom tuloy ako ng husto.
pwede bang magbakasyon sa bahay ninyo. malapit lang naman sa amin – lipat kami ni jet ng 1 week para matikman ang mga luto mo.
BWAHAHA! the circumcized beef! hahaha… madami kayang dadalo para kumain don? :-p op cors! hehehehe!
gosh.. i love beef stew! yan yung gusto ko matutunang lutuin.. wow looks yummy!
beef stew lang pala eh. bwahahaha. madali lang lutuin yan. gusto mo turuan kita tanya?
ang yabang ko na ano. hehe.
Sige, basta ikaw ang magluluto he he he
anoka! bakit sa hotel kayo titira???? anubayun! eh siempre pa sa aming munting tahanan kayo ulit, no!
ninaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang!
nakakahiya kasi kay andy kung more than 2-3 days stay. hehehehehehe. kasi gusto ko, pag nag vacation kami ni jet sa southern california eh 1 week or more para sulit ang pagkikita natin. parang nabitin ako doon sa last na trip namin.
ATE SASSY!
nakakahiya naman kung ako ang magluluto. nakakatakot din. sensitive kasi ako at ayokong mabulyawan habang naghihiwa ng sibuyas. baka maiyak ako ng wala sa oras. bwahahahaha. baka kasi back seat driver ka sa kusina.
yun nga pala ang turo ng mommy ni jet sa kanya. don’t interfere with other people’s kitchens – especially not the kitchen of your mother in law. i’m sure alam mo ito.
Hi Kuya BatJay! congrats sa beef stew…ma-try nga para sa aking pamilya. Masarap ba kung maanghang?
hi justice.
medyo lasang kaldereta. nasanay kasi ako sa maraming pepper dahil sa timpla ng pagkain ng mga singaporean. perhaps too much nga dahil nagreklamo si jet. di kasi siya mahilig sa spicy foods. well, not as much as i do. pero masarap yung recipe ni sassy lawyer.
hope you had a great vacation!