baligtad ang suot ko ng brief kaninang umaga. kaya pala parang masikip. buti na lang at nakita ni jet, kundi baka mawalan ng circulation ng dugo ang lower body ko. hehe. naalala ko kasi dahil kakatawag lang niya sa akin at tinatanong kung ano ang gusto kong isuot na underwear para sa aming trip. sabi ko sa kanya, di na lang ako mag u-uderwear, para kunwari bida ako ng porno movie. hehe. ok, back to story… aalis kami ni jet mamayang gabi. pupunta kami ng genting highlands. ito yung parang resort casino malapit sa kuala lumpur na nasa itaas ng bundok. kung taga morong, rizal ka eh “itaas ng bunrok sa tabi ng ragat at bukir” yon. hehe.
di naman kami pupunta sa genting para magsugal, gusto lang naming makaramdam ng baguio kind of weather. nakakasawa na itong init ng singapore. first time ni jet tumawid ng malaysia kaya excited kami. sakay kami ng bagong SVIP na coach. eto yung mga bagong 26 seater bus na pwede kang mahiga at magtambling tambling. kinky no?
in preparation ko para sa trip, siyempre, search ako todo todo online about the weather (18-23 degrees C, pwede na) and other related information on genting and malaysia. isa sa mga nabasa ko eh yung tungkol sa smog at haze ngayon doon. apparently, mayroong mga forest fire sa indonesia na nagdudulot ng makapal na smog sa malaysia, in particular, it’s capital kuala lumpur.
what’s funny is the fact that malaysia pala does not give out any air pollution data dahil ito ay considered na “state secret”. ang reasoning ng gobyerno ay baka raw gamitin itong information do destabilize the country. i.e., the improper used of pollution information might drive away tourists. ang sabi ng gobyerno eh yung pollution figures, daw, were “distorted by the international media” and gave “a grim picture of Malaysia”. ngayon lang ako nakarinig ng ganitong klaseng government policy. biro mo, smog levels ng isang bansa eh top secret and confidential. mga luko luko rin ang mga ito minsan.
anyway, ok naman ang malaysia. in fact, i love to travel there dahil maganda ang mga kalsada at malinis din ang paligid. gustong gusto kong pagmasdan ang mga palm at rubber plantations along the main road. so, iyan ang aming weekend special ni jet. celebration na rin siguro ng pag galing ng sugat ng aking appendectomy. medyo magaling na siya at pwede na ulit mag strenous activity tulad ng paglalakad, biking, sex, etc.
uy, happy trip sa inyong 2. malaysia’s okay. pero di ko pa napuntahan yang pupuntahan niyo. pictures ha!
hi mari.
thanks sa well wishes. masarap sana. after 3 years dito, ngayon lang makakarating si jet sa malaysia kaya excited kaming pareho. naka kasa na nga ang camera ko.
‘Di raw nagpapasok dun pag baligtad ang brief…
kaya nga dali-dali akong nag about face eh. ano kaya, huwag na lang akong mag brief para presko?
naku hindi ka naman ata madaling maligaw. di mo na kailangan baliktarin ang brief mo! 🙂
enjoy your trip, you two. 🙂
hafi trif! 😀
Tara na mylab! Genting na Genting na kooooo! hehe… 🙂
Happy trip, Mr. John Holmes. Ingat sa kung anu-ano ginagawa. Buti na lang kasama mo si Jet, baka mapagbintangan kang katulad dun sa judge sa Stet lkung la knag brief.
happy trip… namimiss ko na tuloy bumiyahe at sa lugar similar sa pinas..
aaawwwww! that’s really sweet! take care you two and God bless!
enjoy your trip batjay and jet! ibang klase pala talaga mga top secret ng malaysia, uso rin pala sa indonesia mga forest fire, basta ingat na lang kayo sa byahe at post nyo mga pics after…
huwaw! sarap naman. happy trip! 😉
Was the trip to Genting pleasant? It used to be colder but the excessive development has made the place warmer. As a matter of history, the casino in Subic Bay was started by Genting Highlands but they sold it later to another company.
I believe the musical, “Anne”, is being performed at the Genting Theatre now. Did you catch it?
Yep, some nut of a minister refused to declassify the readings for the pollution index, saying that the western press would use this to frighten the potential tourists fro visiting Malaysia. How the hell did such a nut get to be a minister? 🙂
naku, mang batjay, mag-brief ka! sige ka, malamig pa naman dun, baka… 😉 hehe, ituloy ko pa ba?
That thing about the pollution index being “top secret” is hilarious! Anyways, enjoy the trip!
Btw, your title reminds me of my favorite song, Both Sides Now, by Joni Mitchell. Akala ko senti ang entry mo, kinky pala, hahahaha!
Sarap naman!pero di ba sabi ng mga matatanda eh oki kung baliktad ang suot para hindi maligaw,hehe
hapi trip jet & jay! enjoy at ingatzz:-)
Uy musta bakasyon? Siguradong enjoy, di po ba? =)
actually ok lang na hwag kang magbrief kasi yung mga devout na muslim doon sa malaysia ay di dapat nagsusuot ng brief kasi si mohmd hindi rin nag-brief eh.:>
this applies both to men and women. sabi nga nila when in rome…