Gusto ko lang i-dedicate ang susunod na awitin sa aking maybahay na si Jet, ang ex-nurse na may kaakit-akit. mylab, para sa iyo itong susunod na kanta ng Allman Brothers Band, na pinamagatang “Blue Sky”. hehehe… para tayong may programa sa radyo.
Miron: “Good Evening Mang Ernie, pwedeng bumati?”
MangErnie: “Naku iho, public service itong programa ko, hindi pwede”.
Miron: “Mang Ernie, pwede na lang magtanong?”.
MangErnie: “o sige, anong tanong mo?”.
Miron: “Ano po ba ang pagkakaiba ng rings ng Saturn sa rings around Uranus?”.
MangErnie: “Naku, iho, pang-health lang ang mga tanong sa linyang ito. Kung gusto mo ng Science, doon ka tumawag sa isang line, OK.”
Miron: “O sige Mang Ernie, ire-report ko na lang po yung babae at ang leon na nag-se-sex.”
(BLAGADAG!) Sabay bagsak ng telepono… i swear to god, nangyari ito. Anyway, my lab:
isama na natin sa dedication sa iyo ang painting ko ng kabayu-kabayuhan na galing pa ng paete, laguna…
