menudo at lumpia

pang-gabi ang pasok ko nung nag-aaral pa ako sa mapua, mang boy. simula 3rd hanggang 5th year, ang klase ko ay 4:30 ng hapon hanggang 9:30 ng gabi kung kaya, kailangang kumain ako ng early dinner bago magsimula.

ang kadalasan kong kinakainan ay doon sa suki namin sa tabi ng intramuros tennis court, bago mag pamantasan ng lungsod ng maynila. ang pangalan ng karinderya ay “one cup rice additional” – ang may-ari ng pwesto ay isang matandang bading at ang kahero niya ay ang kanyang batang-batang boypren.

sa limang taong na pagkain doon, ang malimit kong orderin ay isang lumpiang gulay, menudo, at kanin. at siyempre, dahil ako’y growing up boy – one cup rice additional.

kagabi, ito ang kinain ko sa hapunan at sa isang oras na pagkain ko nito, ako’y isang estudyanteng muli, walang masyadong pera, nangangarap na balang araw ay maging isang matagumpay na enhinyero.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.