dumalaw kami sa bahay ni connie (AKA “the sassy lawyer“) nung umuwi kami last december. isa ito sa mga highlight ng trip namin dahil, una nakarating na rin kami sa bahay nila sa wakas at more importantly, natikman na rin namin ni jet ang luto niya. may food blog si connie at isa ito sa pinaka sikat na pinoy website dahil milyon milyong mga tao ang gumagamit ng mga recipe niya. isa na ako roon. ok yung setting namin ng lunch – kumain kami doon sa garden sa likod ng bahay nila. nakalimutan ko na yung niluto niya – baked manok at beef stew na parehong masarap. yan ang hirap sa akin, kain lang ako ng kain at hindi ko tinatandaan ang mga kinakain ko. ah basta, ok itong lahat lalo na dahil may kasamang tsismisan habang kumakain kami.
buti nga natuloy ang lunch na ito – it came at a time na parang nawawalan na ako ng ganang umuwi sa pilipinas. ang kailangan ko lang pala ay oras kasama ang mga kaibigan at kaunting masarap na pagkain para ganahan ulit.
marami akong dapat ipagpasalamat kay connie – isa siya sa gumawa ng introduction ng libro ko. isang request lang, ni hindi siya nag atubili na magsulat. tapos libre pa ang plugging ng libro sa website niya, bagay na lubos kong ikinagagalak. hindi siya nakakalimot at mabait pa rin siya sa aming mag-asawa kahit sikat na sikat na siya.
buti pa kayo naka-uwi…
shet! sarap siguro nung baked manok na yun at bistek!!!
sawang sawa na ako sa shawarma!!! huhuhuhu
Wala bang emoticon para sa “blush”? hehehe
ikaw naman, batjay. eh FAN mo ako ano?
pag uwi nyo ulit, lunch ulit tayo. marunong na ko mag-bake so pati dessert kasali sa menu. 🙂
maraming salamat ulit connie.
sarap talaga ng niluto mo. hanggang ngayon nalalasahan ko pa rin yung baked chicken. ipapagawa ko nga kay jet dito. may oven naman kami.
Kayang-kaya nya yan. Dali lang naman. 🙂
sige – oo nga pala, ngayong week, magluluto si jet ng pancit bihon. big deal ito kasi ngayon lang ulit ako makakakain ng pancit in a year. hehehe.
Sige, sige, susubukan kong iluto. Hanapin ko ang recipe sa site mo. Ano na nga ba ulit yung saktong pangalan nung chicken recipe? Basta ang naaalala ko, parang Baked Chicken in Sour Cream Sauce. Tama ba?
That afternoon was so much fun. Sarap ng pagkain, sarap pa ng kwentuhan. Haaay! Yan ang medyo kulang dito sa merika. Lagi kasing busy ang mga tao.
Mylab, nagustuhan mo ba yung pansit? This weekend, mag-spaghetti naman tayo. Now THAT one… it’s been about a year since we’ve had that. May craving na ko… hehehe.
ang sarap ng ginawa mong pansit mylab. lalo na kanina dahil may kasamang adobo – parang ayoko na ngang bumalik sa opisina.
salamat.
PS Spaghetti? hmmm…. sarap!