dear unkyel batjay,
nabasa ko po ang ginawa mong pagpapapayat at ako po’y na inspire sa inyong disiplina. alam ko po kung gaano kahirap magbawas ng timbang sapagkat matagal ko na pong ginagawa ito pero wala pong nangyayari. actually, imbis nga na pumayat ako ay lalo akong tumataba. ang problema ko po ay ang akong tiyan – sobra po ang laki. nabasa ko po na mas malaki po raw ang chance na magkaroon ng sakit sa puso ang mga taong malaki ang tiyan . tutuo po ba ito?
lubos na gumagalang,
gentle reader
dear gentle reader,oo. ang alam ko lang na ok ang may malaking tiyan ay kapag buntis.
good luck,
unkyel batjay
PS – ngayon kung malaki ang tiyan mo at buntis ka pero ikaw ay lalaki, siguro masama rin ito.
siguro? hahaha! in a way, parang yung na-misplace na ref… hehehe. Mylab talaga!
ang nawawalang ref ni manny pookyaw?
happy birthday mylab. sana tuloy kang maging maligaya. lab U!
ako din pumayat na. Dating 200- 205, 192 na lang.
Ang problema, hindi naman ako gaanong nagre-reduce. hehe
happy birthday ke jet!
hey 205 to 192 is not bad. ituloy mo lang kahit mabawasan ang tiyan eh malaking bagay na yon. hirap malaki tiyan – bukod sa heart problem related eh mahirap umihi at masakit pag nag bend.
ingat sir.
i’m an avid fan of your blog. nakakatawa kasi siya. anyway, hope i can share this link with you:
http://manilagayguy.com/2006/11/10/ricky-rivero-from-flab-to-fab/
“Ang Pagpayat ni Ricky Rivero”
wow – ricky the gay-guy na dating malusog, ang galing niya. parang ako kaya lang in my case, guy-guy na dating malusog.
oo nga pala, artista ba siya?
ingat at salamat sa pagbisita.
i guess artista siya…taga-That’s Entertainment daw siya, eh, Pero di ko naman siya natatandaan dahil batang paslit pa ko non nung nag-artista siya. Pero nakita ko lang yung story niya sa TFC, mr. batjay.
kyul – oo nga, nakita ko sa mga write-up na dati showbiz personality. ibig sabihin ay pwede na rin akong mag artista!
non sequitur, i guess.
ang alam ko, pag malaki ang tiyan lagi ka na lang magti-tsinelas. o kaya yung mga sapatos na lang na walang sintas ang pwede mong isuot kasi hindi mo na kayang itali yung sapatos mo.