nagpunta kami sa las vegas nung weekend. mini vacation at regalo sa isa’t isa after a very tough holiday season. may pasok kasi si jet sa hospital ng pasko at bagong taon kaya hindi kami nakpapag celebrate. iba talaga ang dating ng las vegas. para sa akin kasi, ito ang lugar na puno ng vulgarity at excess (it’s screaming in your face, asamateropak, pero in a nice way). you have to go to las vegas and experience the place to know how it really feels like – kailangang malakad mo ang strip kahit na sobrang lamig at hindi mo na maramdaman kung nasaan ang ilong mo. kailangang matikman mo ang walang katapusang eat all you can buffet, makita mo yung ilaw, yung mga tasteless reproductions ng mga famous na landmarks, marinig ang mga elvis impersonators sa bawat kanto, makapasok sa mga wedding chapel, makapanood ng mga nude girls para sa mga boys at nude boys para sa mga girls (pwede ring nude boys para sa mga boys, charing!), maka attend ng mga concerts and of course, kailangang makapagsugal ka sa mga casinos.
ang suwerte nga ni jet sa casino. nung first day namin doon, nanalo siya ng mahigit 80 dollars sa 1 cent slot machine. how lucky was she? well 80 dollars is… teka muna at gagamitin ko ang aking world class engineer’s training: 80 taymis 100 cents to a dollar equals 8000. yung ang number of times na lumago ang kanyang initial bet na 1 cent. galing ano? yung napanalunan niya ang ginamit namin para sa dinner na eat all you can super duper last vegas buffet.
ako? ayokong magsugal. malas ako parati sa mga casino at parati akong talo. mas gusto ko pa ngang manood na lang ng mga nagsusugal. minsan, pinapanood ko rin doon yung mga cleavage ng mga sexy waitress na maikli ang suot. minsan pinapanood ko rin yung mga cleavage ng mga waiter, kaya lang wala talagang appeal sa akin ang dibdib na may buhok.
kamusta naman yung beatles love?
one of the best shows na napanood namin ni jet, ever. ang galing pare – gagawan ko nga ng mini review this week.
teka muna, bakit nga pala hindi ka nagpakita sa amin?
Ang sarap talaga ng biglaang lakad, almost nothing can go wrong cause there’s no time for things to go wrong. Biglaan nga kasi… hehe. I really enjoyed the weekend mylab. Thank you for making it soooo wonderful!
Labyu!
thank you rin mylab. nag enjoy ako ng husto. labU2.
so far lahat ng mga kebigan kong nakapanuod, pareho ang sabi, astig daw. i cant wait to see it myself.
sayang, hinintay ko ang tawag nyo, tsaka tumawag rin ako sa cell mo pero walang sumagot. next time na lang.
HEHEHE… naghintayan pala tayo. nahihiya akong tumawag sa iyo kasi sabi mo may bisita ka.
ayos,sarap ah,kailan tayo babalik.
sarap nga ng bakasyon namin dre. last time kami nasa vegas nung nagpunta tayo roon last year. pagbalik ninyo rito ni leah, punta tayo roon. puntahan natin pareng egay mo.
happy birthday nga pala.
Hello fafa jay! kelan kayo dadalaw dto sa munting malamig na siyudad ng toronto?
Happy New year po, bossing!
hi jah. kamusta ka na? oo nga, tagal na naming gustong dumalaw sa toronto. may office kami sa montreal – pag may trip ako roon, isasama ko si jet.
happy new year sa iyo.
wow! talaga nga namang well traveled na kayo ni ate jet. well, ako di pa nakakalayo ng bansa.. pinaka malayo nang napuntahan ko is Cebu. hehe.
hindi naman masyadong well travelled. mas malayo pa nga ang cebu sa manila kaysa orange county to las vegas.
isa pa, mas gusto ko magpunta ng cebu kaysa las vegas.
ayun! bale, may sinulog festival sa Cebu eh. twing January ata yun.
fiesta ng santo nino?
yup! nung 1996 naka panood pa ako nun eh.
I’m glad na nagkita tayo ulit last saturday dito sa Vegas…. saan naman kaya ang sunod?
thanks also for signing the KT books, natuwa si Kat sa drawing mo.
regards to Jet, sana makahanap ulit siya nung lucky 20 dollars, nakalimutan ko palang humingi ng balato…hehehe
roland
actually, nanalo pa siya nung gabi na nagkita tayo. nagpunta kami sa mirage at nanalo siya ng $16. not bad. hehehe.
ingat sir – hintayin namin kayo dito sa orange county.