ganitong time last year, nasa 216 lbs ako. sabi ng pamangkin ni jennypeng, “libs” daw ang pag pronounce dito. BWEHEHE. pounds sweatheart, pounds. medyo kinabahan nga ako dahil last january ko ring nalaman na diabetic din ako. 40 year old na overweight diabetic? prime candidate ito para sa atake sa puso at stroke. naisip ko nga: kung wala akong gagawin, baka gumising na lang ako isang umaga, wala nang pakiramdam ang kalahati ng betlog ko.
ginawan ko naman ng paraan kaya pagtapos ng 12 months, naibaba ko ang timbang ko to 173. that’s 43 libs less. pretty impressive shit, ‘no? through diet at exercise lang ito. walang special epeks, walang gamot. ang laking ginhawa nga dahil kasabay ng weight loss ang pagbaba rin ng cholesterol levels ko at higit sa lahat: nawala rin ang hypertension. kaya nga ngayon, kahit may mang-asar sa akin na labintatlong mayayabang na bumbay eh hindi ako maha-high blood.
ang dami ko na ring nagagawa na dati ay hirap ako. nawala na ang tiyan (slightly) kaya hindi na ako hinihingal pag yumuyuko. mas mataas ang resistensya ko at pakiramdam ko nga, mas healthy ako ngayong nag turn ako ng 40 kaysa nung 18 ako. the irony. ang problema ko lang ay ang libog libog ko lately. ewan ko ba, kasama ata sa healthy lifestyle ang pagtaas ng libido.
pero ok lang, mas gusto ko nga ito. at ngayong 41 na ako, ang goal ko ay pababain pa ng kaunti ang timbang ko to around 155-160 libs. hmmm… let’s mark that as new year resolution #1. ok na siguro ito para pag may kumuha sa akin ng side view, hindi ako magmumukhang buntis na palaka.
Mang Kanor
Recently may nabasa akong study na nai-publish sa isang medical journal tungkol sa kaugnayan ng weight gain at libido. According sa finding, bumababa ang MOJO ng lalake kapag tumataba. Kabaligtaran naman ito sa babae, mas nagiging ma-L sila kapag tumataba. Kaya ngayon iba na pananaw ko sa mga babae na matataba….
You’re back! Happy New Year, Kuya Batjay!
indeed. back for another year kaya happy new year din sa iyo.
mas mataas ang mga libido ng mga babaing mabigat? hmmm…. interesting. yung sa lalaki, tutuo yon based on my experience. mas active lifestyle, mas ma L. kaya kung may mga mister kayo na tatamad-tamad, tadyakan nyong kaunti pag gusto nyo ng mas ok na sex life.
hapi new yir!
testesmonial ko ito, i lost around 15 lbs by turning to green tea, at least 8 cups daily.. ihi ka nga lang nang ihi, pero talagang gagaan ang pakiramdam mo at ma de-detoxify at malilinis ang tangke mo, wala pang side efek.
good for you. 15 pounds because of green tea? pano yon, tea lang ang iniinom mo at wala ng kain? marami rin kaming tea dito sa bahay – may green, oolong, ginseng, highland at marami pang ibang di ko ma pronounce dahil intsik ang salita.
i disagree with tiburnok!
batjay,i’ve tagged you and i hope you will do it for fun baby..:)
sexy and petite women are hotter. thank you sachiko san. coming from you, i know that’s true.
Good news po iyan! Wala talagang imposible kapag ginusto kaya keep up the healthy habits! Happy New Year po!
okay…
just reading…
not complaining…
hur-hur-hur π
you mean, buntis na unggoy?
bwehehe! (joke lang po)
happy new year!
oo maricel gomez, buntis na unggoy din. that’s me. thank you sa paalala.
always up ang keep it up.
thank you mylab. i am glad that you are not complaining.
ngyehehe.
hehe. ayus yun ah! dapat pala mamayat yung Bear ko para ok na ok kami. hehe. (joke lang DB! ) ^_^
sige, para mas masaya ang pagsasama.
ok bawal pala ako mamayat. harhar.
You’re an inspiration to us ‘weight-challenged’ pinoys living in this ‘supersize-me’ society. Mabuhey!
supdersized society is right. one thing i still can’t get used to is the huge servings in america. buti na lang dito kami sa part ng california na may emphasis sa prevention kaya maraming mga programs available on losing weight na pwedeng i take advantage.
ang ganda ng blog. grabe. wala akong masabi. nabasa ko yung write up tungkol dito sa SIM. congrats po sa libro!happy new year!
maraming salamat at happy new year din sa iyo.
Congratulations on your weight loss. It’s my first visit on your blog. Great job!
wow, what feat for you…keep it up and goodluck for 2007.
thank you. it took a while but i got it done. kaya lang, i still have a long way to go. my plan is to lose 15 pounds more.
thank you KK. welcome. hanggang sa iyong pagbalik, JJ