isang taon at kalahati rin bago ulit kami nakauwi ni jet dito sa pilipinas. matagal tagal din pero parang walang nagbago. pag labas ko sa eroplano, may naghihintay pa rin na kombatsero band na tumutugtog nga mga pinoy folk songs sa mga bagong dating na balikbayan. yung isang guitarista pa nga ay bungi, bagay na lubos kong ikinagalak. pipila ka pa rin ng mahaba sa immigration kahit na may balikbayan fast lane. naroon pa rin ang maraming taong nag o-offer sa iyo ng taxi, libreng buhat ng bag na hindi naman libre. naroon pa rin ang mga bagong ligong mga asawa na naghihintay sa kanilang mga mister sa labas ng airport. siguro wala silang ibang naiisip kung hindi ang makapiling ang mga asawa nila dahil matagal tagal ding hindi sila nakapag sex. at siyempre, naroon malapit sa “letter D” ng arrival area naghihintay ang aking sundo. packingsheet, it’s so nice to be back home.
wala akong pakialam sa bwakanginang traffic. kahit abutin ako ng tatlong oras na mag drive from antipolo to mega mall, what the fuck – i am home. kahit maraming nanggugulang sa akin sa kalye, kahit pangit minsan ang serbisyo sa mga restaurant, ok lang. at least for the 8 days that i am here, makikita ko ulit at makakasama ang mga mahal ko sa buhay. yon ang importante. kahit minsan walang tumutulong tubig sa bahay. kahit binalik na rin ulit ng mga takshapong magugulang na tao ang mga billboard sa maynila kahit maraming na aksidente rito nung malakas na bagyo, ok lang. narito na ako sa bayan ko. pilipinas, ‘tangina ka, na miss kita ng husto.
sir batjay.. welcome home.. welcome back sana.. pero mas maganda pakinggan ang welcome home!
pwede na akong magpa-autograph ng KT book ko! yahoo!! adbans meri krismas!
pwedeng pwede. kaya lang kailangang hanapin mo ako. hehehe. it’s nice to be back home – minsan ayaw mo nang umalis tuloy.
bukas ng gabi, friday, nasa conspiracy ako sa QC. kung naroon ka, hanapin mo lang ako.
ingat.
welcome home! Nakakamiss ang mga ganyang senaryo. Hay. Kailan ko kaya uli mararamdaman yan. Sa ngayon namimiss ko ang disyerto. Pakingshit.
Masarap talaga kapag kasama mo ang mahal mo sa buhay. Kami apat na taon ng magpapasko na malayo sa magulang. Hindi kasi sila nakakauwi tuwing pasko, tuwing summer lang.. hehe
Nga pala, dapat may autograph signing ka dito sa manila…
ingat lang!
Sige, Nicanor, mang-inggit ka dahil nakauwi sa sinapupunan ng ating Inang Bayan samantalang ako’y nag-iimagine ng puto bungbong at bibingka sa saliw ng Xmas album ni Ryan Cayabyab habang 41 degrees kainit. Hindi bagay…summer at Pasko?
Nga pala, natapos ko na ang libro mo…kakanipis naman.Pero ilang morning bus rides din ang inaliw mo.Paki-scan na lang autograph mo at ikakapit ko na lang…Meri Krismas!
uy, paborito ko rin ang “one christmas” ni ryan. 41 na ba down under? i can imagine. nag december na ako diyan sa continent mo at hindi ko gusto. ok lang sana ang init pero yung mga langaw ang hindi ko ma take. bloody flies, ika nga ng mga kasama kong bushmen.
THANK YOU jong. ang sarap nga rito sa pilipinas kahit sandali lang ay ok na. ibig sabihin, gusto mong bumalik sa desyerto? hmm… ganyan din ako minsan. may withdrawal symptom sa previous assignments.
punta kayo bukas sa conspiracy sa QC. naroon ako para makinig sa tugtog.
ingat!
Yay ang daming nasa Pinas na balikbayan bloggers! I’m sure dadagsa ang mga reunions nito. 😀
Maligayang pagdating!
OO nga Linnor. Pag ganitong Pasko eh maraming umuuwi na mga OFW bloggers. Kaya lang minsan walang mga oras kaya hindi rin nagkikita kita.
mamang pogi!!!! our EB story with pics is on my blog,do take a pee! peek pala!
Wow, nasa Pinas pala kayo.. Kainggit naman. Ako next year masasabi ko din “its nice to be back home”. 🙂
Enjoy!
it’s really nice to be back home. yung oras spent with my family and my old old friends was worth the long trip back here.
hi sexy sachiko. alam mo bang mas sexy ka ngayon kaysa nung last time tayong magkita kita sa LA nina jet. it was nice seeing you again – thank you for traveling the long 3 hour trip to see me. i really appreciate the great effort. thank you for the gifts. jet really loves what you gave her and her dad loves the sweets. domo arigatu.
hi Jay :
Its perfect time for you to be in Conspiracy …. It is blues night ngayon……
I hope to see you…
hi allan.
and so i saw you. finally, i can put a face on the name and email address. it was nice meeting you pare. there’s so many things i want to talk to you about but there wasn’t enough time.
hopefully next time, we’ll have more time to talk. if ever you’re in california, call me up and i’ll drive you around.
cheers mate,
jay
PS thanks for the CD
humalik ka ba sa lupa bat?
hehehe
oo pati yung eroplano at yung stewardess.