LET THE WINE OF FRIENDSHIP NEVER RUN DRY

pag pumupunta ako ng korea, siguradong umuuwi ako sa hotel na tabinge ang lakad. national pastime kasi rito ang pag-inom. mahirap makipagsabayan sa korean dahil baka magaya kayo sa akin na nakarating sa hotel ng hindi niya namalayan kung paano nakabalik dahil sa sobrang dami ng nainom. naalala ko pa yung last time ko rito, two years ago: may kasama akong amerikano na nagyabang na malakas daw siyang uminom. ayun, pinatulan tuloy siya ng kasama naming koreano.

siyempre, damay din ako sa kabaliwan dahil magkakasama kami. sa dami nga ng nainom kong soju at whiskey eh hindi ko naalala kung paano ako nakabalik sa hotel. one moment, papalabas kami sa bar. the next moment, umaga na, naka empake ang maleta ko’t ready na para umalis. hindi ko alam kung ano ang nangyari in between – iniisip ko nga, kung may kabayo na gustong mang rape sa akin nung gabing yon eh baka hindi ko ito napansin.

5 thoughts on “LET THE WINE OF FRIENDSHIP NEVER RUN DRY

  1. balita ko nga malakas uminom ang mga koreano. yun san mig natin mina-mani lang daw eh, parang tubig lang 😀

    bagong viewer nyo po ako 😀

  2. naku ingat palagi, may mga na counsel akong mga ganito (sa africa), at very high risk makakuha ng HIV o STI kasi nga sa sobrang inom hindi alam kung ano ang nangyari

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.