And ev’ry stop is neatly planned for a poet and a one-man band

ang pinaka consuelo ng isang OFW ay ang pag-uwi sa pilipinas ng christmas season pagkatapos ng matagal na pagtiis sa ibang lugar. para sa mga OFW na may naiwan na asawa at anak sa pilipinas, ang homecoming ang pinaka highlight ng taon. miss mo na ang mga anak mo at yung nilabasan ng anak mo kaya nasa eroplano ka pa lang eh kung ano-ano nang kademonyohan at iba-ibang mga patambling tambling na position ang naiisip mo.

minsan din, yung enjoyment ay nasa pag plano ng pag-uwi. matagal pa lang eh inaayos mo na ang pagbili ng airline ticket kasi gusto mong umuwi ng pasko kaya makikipag unahan ka sa mahigit 2 milyong pinoy na bumabalik sa pilipinas every year. at bwakang ina, sobrang mahal ng ticket pero wala kang pakialam kasi masarap mag pasko sa pilipinas.

a month or so before the trip home, bumibili ka na ng mga pasalubong. ano ba ang gusto ni mommy? ok lang ba kung t-shirt ang ibibigay kay kuya? ah, pera na lang siguro para hindi mabigat ang bagahe. at yung tsokolate, sa duty free sa pilipinas ko na lang siguro bibilhin para hindi matunaw. magkano kaya ang ma-iuuwi kong pera? lahat ng ito ay pumapasok sa ulo mo sa kagustuhan mong pasayahin silang lahat.

at pag nasa pilipinas ka na, pinaghalong excitement, saya at inis ang nararamdaman mo. excitement at saya dahil alam mong matutuwa ang mga mahal mo sa buhay pag nakita ka nila – lalo na pag nakita ka nilang may bitbit na malaking kahon. inis, dahil sa bwakanginang laki ng gastos. tuwing uuwi ka na lang ng pasko eh ubos ang pinagputahan mo sa abroad. kaya ang iniisip mo na lang eh “there’s no place like home” at babawiin mo na lang ang gastos sa susunod mong pag-alis.

itong december, nag decide kami ni jet na umuwi kahit short time lang. para nga kaming nagpunta ng anito. pero alam ko naman, matutuwa ang mga parents namin sa surprise trip na ito. matanda na sila at ok lang na gumastos ng malaki para lang makita sila’t mahalikan.

18 thoughts on “And ev’ry stop is neatly planned for a poet and a one-man band

  1. I know this is not something we can do just whenever we want to and I am very grateful for the chance to be with our families again, especially our parents. Yung marinig mo yung excitement nila sa pagkakaalam na uuwi ka, yung bilangin nila ang mga araw tuwing kausap mo sila pag weekend, yung mga binibilin nila na kung tutuusin e maliliit na bagay lang pero laging may kasunod na ‘kung ok lang’… it’s all priceless.

    Next year, magtatrabaho ako lalo, dodoblehin ko pa kung kelangan, kung magagawa natin ito ulit. Pero kung hindi, nanamnamin ko ng husto ito at matagal kong babalik-balikan.

    Salamat mylab.

  2. “kaya nasa eroplano ka pa lang eh kung ano-ano nang kademonyohan at iba-ibang mga patambling tambling na position ang naiisip mo.”

    Eksakto! hahaha You really know how to tell it like it is. Parang si Howard Cossell,no.

    anyway, Homeward Bound pala ulit kayo ni Jet. Syempre, kita-kita tayo ulit. Can’t wait! Ngayon pa lang, sasabihin ko na…

    See you later!

  3. nakaka inggit naman kayo. totoo yan, ginto ang pamasahe kaya kahit sa thanksgiving, dito na lang muna ako sa NY pupunta para mura mura hehehehe ako, eto, malamang mag iiiyak sa pasko, magmumukhang sinampal na marshmallow, pers taym na di ko kasama anak ko at mga mahal sa buhay. di bale, next christmas, uuwi ako, tamaan man ako ng lintik, basta uuwi ako!

  4. kung matutuloy man kayo ni mam jet pauwi sa ating “bayang magiliw”, baka gusto niyong dumeretso dito sa mindanao. kahit overnight lang. btw, the refurbed m2 control system is doing fine.

  5. hello my pren ogie. there’s nothing i’d like more than to visit you guys. kamusta na sa mount apo? buti naman at ayos pa ang m2. rush job pero going strong, ano? ang sarap siguro mag pasko sa mindanao. di bale, i will make sure that we visit you. if not this year, then next year. ingat pare ko at kamusta sa lahat.

    hi joyce. i know how you feel. it’s especially hard to be away from your family. lalo na’t winter time. don’t despair. i think you’re doing the right thing of going to NY. at least it’ll keep you pre-occupied. why don’t you hook up with jop when you’re there. ingat! jay

  6. there’s no place like home talaga!! mas masaya pa rin ang pasko sa pinas! enjoy kayo.. God bless po!

    kuya, may pahabol na plugging sa libro doon sa blog ko! nung pinakita ng asawa ko libro mo sa mga kaibigan nya… aba.. nagsibilihan! hehehe!

  7. kakatuwa kayo mga ofw. sana lang maisip nga talga ng mga mahal niyo sa buhay d2 sa Pinas ung diwa ng paghihirap niyo diyan.

Leave a reply to Gloria Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.