Cuddle up angel cuddle up my little dove, Well ride down baby into this tunnel of love

kung talagang gagawin mong career ang pagiging OFW, as much as possible, isama mo ang pamilya mo. ang pinaka importanteng benefit siguro ng pag-alis namin ni jet ay naging mas close kami. 15 years na kami ngayong mag-asawa and 5 of those years were spent overseas. sa tingin ko naman ay maganda ang relationship namin. para ngang pelikula ni dolphy: may sayawan, may kantahan, may iyakan, may tawanan at maraming sex (mostly off camera). ang pagkakaiba nga lang siguro eh mas malaki ang titi ni mang dolphy kaysa sa akin. bwehehe.

bakit kami naging mas close? pag nakatira ka kasi abroad, walang tutulong sa inyo at kayo lahat ang gagawa ng mga chores. mapipilitan kayong mag-usap pag nagkagalit kayo kasi wala kang tatakbuhan na kamag-anak. mas intense lahat ng mga experiences ninyo at para kayong contestant sa amazing race na paroon at parito sa kung saan saang lugar.

alam ko, maraming mga OFW ang solo flight lang abroad. mas matipid kasi at mas malaki ang maiipon ninyo. kung ikaw lang mag-isa, pwede kang mag bedspace kaya di mo na kailangang mag rent ng mas mahal na apartment. kahit saan pwede kang kumain (kung gusto mong magtipid, pwede ka pa ngang hindi kumain). wala kang iniisip na mga extrang gastos dahil sarili mo lang ang iniintindi mo. ang pinakaimportante sa lahat: kung naiwan sa pilipinas ang pamilya mo, mas malayo ang mararating ng kinikita mong dollar dahil mas mura ang cost of living sa bayang magiliw.

siyempre may mga trade-off. kung malayo ka sa pamilya mo, hindi mo sila nakakasama. absent ka sa pinakaimportanteng mga events sa buhay nila pero, makakaipon ka naman. on the other hand, kung kasama mo naman ang pamilya mo parang may butas ang bulsa mo dahil sa extrang gastos pero magkasama naman kayo at lahat ng na-e-experience mo ay na-e-experience din nila.

pinili kong isama si jet sa buhay OFW ko at hindi ako nagsisi.

20 thoughts on “Cuddle up angel cuddle up my little dove, Well ride down baby into this tunnel of love

  1. Matutuwa na sana ako pero bigla akong napa-buwelta… ibig sabihin ba nito binutas ko ang bulsa mo? 😦

    hehehe…

    Sa totoo lang naman, kung OFW ka nga pero nasa Pinas ako, may pera nga tayo at siguro buhay donya ako ngayon at puro pasarap (kung hindi ako makikidnap… ngek!) pero what’s the sense in that? Ano’ng ginhawa sa buhay na malayo ka sa mahal mo?

    Thank you for taking me with you. Pero as if naman papayagan kitang umalis na hindi ako kasama.

    Nevah! 🙂

  2. Sir, paano mong nalaman na mas malaki ang kuwan ni pidol kaysa sa iyo? Kung sabagay hindi siguro siya babansagang “bumbilya” dahil sa umiilaw ang kanya, di ba?

  3. masarap talagang makabasa ng mga ganitong istorya. nakakapag bigay lakas ika nga. halos kalahatan ng kamag-anakan ko, nasa iba’t ibang lupalop ng mundo, pero andito lahat ng mga anakis nila. lalo na’t papalapit na naman ang pasko, iisa-isahin na namin kami ng aunties and uncles ko sa telepono. Hotline na naman. Nakakakatuwa na nakakaiyak pag nakikita ko mga pinsan ko na naghe-hello at nagba-bye sa mga magulang nila.

    Pinagmumuni-munihan ko din ang mag-abroad para makaalis na dito sa evil boss ko kaso naisip ko ang mga magulang ko. Sabi ng momma ko dati, “wag ka ng umalis hija, dadagdagan ko na lang sinsweldo mo sa work mo” wow. hanggang ngayon, wala pa rin 🙂

  4. hui batjay. astig ung libro mo. binili ko ito noong sabado. hindi ko pa talaga alam ang tungkol dito. at habang binabasa ko ito ngaun ay napansin ko na parang mga blog entries ang mga nakasulat dito. kaya aun. nagsearch ako at nakita kong may site ka nga. halos puro bumbay at ang kanilang amoy ang madalas kong mabasa. sa katunayan niyan nasa page 122 na ako. ang title e THE SHORT WEEKEND BEGINS WITH LONGING. naku bday nga ng tatay mo. june 4 nga ba iyon. basta. saka kay jet, maganda kaya iyon. astig din iyong mga tula mo. lalo na iyong “nilalamig sa pasko, wala kasi rito, kaysa magmaktol, napilitang magjakol” ganda talaga ng libro mo. sana may part two.

  5. hui rin sa iyo boy bawang. maraming salamat sa pagbili ng libro. sana naman ay ma enjoy mo ito ng husto. ingat na lang.

    hey van. karamihan ng mga OFW ay may naiiwan na pamilya sa pilipinas. ito kasi ang pinakamabilis na paraan para makaipon. wala namang masama rito. may mga trade-offs nga lang. good luck.

  6. Salamat na lang at may kapatid akong Junnie. Dahil sa kanya, meron kaming trabaho ni Jerry na parang OFW ang sahod. Magkasama na sa trabaho, nandito pa pareho sa bayang magiliw. 😀

  7. kakatapos ko lang ng basahin ang book mo. salamat sa mga tawang hatid nito. NaBadtrip lang katabi ko sa FX kasi natutulog sya habang ako nagbabasa. Ayun naistorbo. nasiraan yata ako ng ulo kanina. tumatawa mag-isa..

    may kapatid pa ba si jet? interesado ako:-)hehehe

  8. i can’t imagine being apart from my family. of course you’ve stated the most compelling reasons for being together but i have another one that is perhaps specific to me and my weaknesses, but then again, maybe not: i can’t be alone. in more ways than one, i will fall apart (and have) when left to my own devices, then all these very bad things happen in the meantime. but maybe if i were to be alone today, unlike before (labo ko, i know, sensya na, dear jay), i would survive trials better and cause little problems to my important relationships…

    oh jay, i just rambled on in your space.

  9. tama ka batjay, iba pag magkakasama ang pamilya. medyo mahal kasi madami expenses, pero the good thing is sama-sama kayo sa lahat ng experiences sa buhay abroad. pero kung mahahakot ko lahat ng kamag anak at kapitbahay ko dito sa toronto, mas masaya di ba…lalo na sa pasko.

  10. pasko sa pinoy diaspora. hindi pa kami sanay ni jet. in fact, last christmas was only our 2nd christmas out of the country. the first was during our first year in singapore. pero siguro masasanay na kami. mahal kasi umuwi sa pilipinas pag pasko. taga lahat ng pamasahe at puro mahabang pila at traffic.

    pero tama ka, iba talaga pag kasama mo ang pamilya mo sa labas. kahit magastos – para sa akin, worth ang tinatapon mong pera.

  11. pasko sa pinoy diaspora. hindi pa kami sanay ni jet. in fact, last christmas was only our 2nd christmas out of the country. the first was during our first year in singapore. pero siguro masasanay na kami. mahal kasi umuwi sa pilipinas pag pasko. taga lahat ng pamasahe at puro mahabang pila at traffic.

    pero tama ka, iba talaga pag kasama mo ang pamilya mo sa labas. kahit magastos – para sa akin, worth ang tinatapon mong pera.

    hey nana. it is difficult being alone. especially for me at this stage in my life. i’d be lost if jet weren’t by my side.

    Hello Retrack.

    maraming salamat as pagbili at pagbasa sa libro. sana ay hindi ka dinagukan ng katabi mo sa FX. pero kung dinagukan ka, pagpasensyahan mo na lang.

    oo may kapatid pa si jet walang asawa – yung kuya niya. sabihin mo lang.

  12. ganyan din ang tatay ko kpag magbabakasyon sya d2 sa pilipinas, khit butas na ang bulsa masaya nman hehehe…

    uy tlga may kapatid si ate jet na walang asawa?? ako rin interesado =)

  13. bigla kong naalala ang aking pamilya sa blog entry na ito. gustuhin ko man na isama ang family ko eh hindi naman puwede dahil sa Papua ako ngayon naghuhukay ng natural gas… hay buti na lang uuwi din ako isang araw bago mag Pasko…

Leave a reply to boy bawang Cancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.