dear unkyel batjay,
bakit po ba “miss universe” ang tawag doon sa sikat na beauty contest eh puro naman mga taga earth ang mga contestant nito? di po ba false advertising ito.
nagmamahal,
gentle reader
dear gentle reader,
oo nga. eh paano naman, mga amerikano kasi ang organizer ng miss universe. nanonood ka ba ng NBA? di ba tawag nila sa mga nanalo rito eh “world champions” kahit puro mga teams lang naman na galing sa mga iba-ibang mga state sa amerika ang mga naglalaro rito. mahilig lang talaga sila sa mga bold at overreaching claims.
sorry, pero hanggang hindi sumasali ang kapitbahay kong si miss uranus (mukha kasi siyang pwet), eh hindi ito pwedeng tawaging miss universe.
ingat,
unkyel batjay
ps nagustuhan mo ba si miss japan? medyo kyut ano?
‘overreaching claims’? kaya ba ang tawag sa kinaroroonan natin ngayon e California imbes na Mexico? 😀
ngyehehehe… virtual mexico na siya ngayon dahil sa dami ng mga mexicans.
bakit pumiyok yung italian singer na kumanta at nagharana sa sampung contestant ng miss U? pakiramdam nya ba eh pang labing isa sya at kinabahan din sya ng matindi…..
leo
naalala ko yung dating kwento na nagkukumpetensyang mga tailor sa isang street. Yung una, ang claim nya, “the best in Asia”. Nang magpagawa yung sumunod, ginawa nyang “the best in the Far East”. Nang nagpagawa yung pangatlo, “the best in the world” na. Nang tumayo yung pang apat, “the best in the universe na”. So, yung huling nagpagawa, wala nang maisip na claim until a very bright idea dawned on him.
tinawag nya itong:
“the best in this street!”
“THE BEST IN THIS STREET” – hehehe. is better than the best in the universe.
ayos.
pumiyok ba, leo ng georgia? napanood ko kasi yung 5 semi finals interview na lang. last 30 minutes ng show.
Years ago (back I still don’t know what sex is) I saw an episode of “Twilight Zone” (love it! Bring it back!) which had aliens complaining about this Miss Universe pageant saying it’s unfair.
They demanded other planetary residents should qualify & of course they all look hideous to our eyes.
When they announced a squid-like queen the winner, the Earth host presented her with the prize – a date with Mr Universe (who of course is human)… she turned it down because he was so “ugly” for her multiple-eyes.
hinimatay daw si ms. puerto rico nung nanalo. baka di pinapakin ng mga organizers yung contestants hehe.
si donald trump yung organizer ng ms. u. alien naman yung buhok nun kaya baka pwede na rin.
well remember before, California was a part of Mexico and was just bought from the Mexicans.
cute nga si Ms. Japan..pero di kasi ako nanuod. I never liked the MS. Universe na sa US ginagawa..the programming is not as nice and as usual..di naman nila ginagawang Live dito sa west coast kahit pa sa LA sya ginanap
yes, i remember.
mas maganda nga kung sa asia ginawa ang ms universe. mas appreciative ang crowd at mas bongga ang pageant. ni hindi ko nga alam na sa LA ito ginawa.
either sobrang pagod at nagpapayat si miss puerto rico o nakalimutan pakainin ni the donald.
hi auee. may miss universe episode pala ang twilight zone.
kyul.
Sa tingin ko nga mas maganda si Ms Japan at Nicoragua e. Grabe mas paganda ng paganda mga contestants ngayon. =>
miss nicaragua? di ko nakita. sayang.