nagkita kami nung lunes ng gabi ni ibalik at dinala namin siya ni jet sa isang japanese restaurant sa huntington beach. si ibalik ay isa sa mga senior citizen ng pinoy blogging community. nung nagsimula akong mag blog nung 2001, well established na ang kanyang dekarabaw blogging community at parati ko itong dinadalaw para kumuha ng inspirasyon. based na ngayon sa las vagas si ibalik, pagkatapos niyang lumipat galing ng minnesota via daly city sa bay area. gala talaga ang kaibigan natin. at oo nga pala, pitong taon na raw siyang hindi nagpapagupit ng buhok. siya lang ata ang nakita kong pinoy na may dreadlocks, bagay na nagpa-endear kaagad sa akin.
unang kita ko pa lang ay magaan na agad ang dugo ko sa kanya.ok si ibalik – mahinhing talipandas ding tulad ko. jologs na humble pa (always kalog, sometimes tulog), kwela at tutuong tao. lumaki sa amerika pero pinoy na pinoy pa rin. natuwa nga ako at nagkita kami sa wakas. at least, nakamayan ko’t nakasama sa kainan ang isang taong matagal ko nang gustong makita.
ingat na lang pare ko, kita-kita na lang tayo pag umakyat kami ni jet ng vegas. next time magbaon tayo pareho ng camera, dahil bwakanginangyan, wala akong remembrance ng pagkikita natin.
ayyy true ka dyan, fafa!! labs na labs ko din yang mamang yan. parang ikaw. hehehe.. at true, jologs din yang parang ako pero tutuong tao.
sayang,wala kang baong camera..you forgot it? hehe..di ba uso instant,disposable camera dyan? they sell those things here sa convenience stores,train stations,restaurants.and cheap,mga 1,000 yen,24~30 shots.
mamang pogi,paki update naman ng link,none existent na po yung link ko na thess/nl.
thanks from sachiko na paiba iba ng url,haha! sowee!
ahehe… panalo ka sa google yung blog nya, tulad ng sayo eh… madalas mag come-up pag may nise-search ako π
At tsaka totoo, ang saya ng kwentuhan. Yung pagpikit-pikit ng mata ko, that was just me. E lagi naman akong ganun e… hehehe π
Sana maulit muli.
hello mylab.
pikit ka lang, ok lang yon. ngyehehe.
hi mec – yung sa akin lumalabas siguro pag tungkol sa kabastusan ang ginu-google mo.
i did bring my camera sachiko san. kaya lang nakalimutan ko sa kotse. ngyehehe. wala rin.
hi ninang. parati ka nga naming pinag-usapan. siguro, panay ang samid mo nung linggo ng madaling araw.