ALBUM OF THE MONTH: red hot chili peppers, stadium arcadium – sa libro ko, ito sigurong double CD na ito ang pinakamagandang ginawa ng chili peppers, ever. unang dinig mo pa lang mai-in love ka na agad sa mga kanta. there is a genius in the simplicity of the songs at masarap itong patugtugin habang overspeeding ka sa mga freeway ng southern california. hindi siguro ito aksidente kasi taga rito sa los angeles ang mga members ng chili peppers. ang carrier single sa CD ay dani california at ang galing ng pagkagawa ng video. di ako nagtataka kasi ang director pala nito ay si tony kaye, ang gumawa ng isa sa paborito kong pelikula ni edward norton na “American History X” (useless trivia: the word “fuck” is spoken 205 times throughout the film). ang video ng dani california ay pagpapakita ng evolution ng rock music. nagsimula ang Chili Peppers looking like elvis then they morph into the beatles, hendrix, david bowie, alice cooper, etc. packingsheet kick-ass talaga.
HONORABLE MENTION: bare naked ladies, maroon – walang tapon din ang CD na ito. sabi ko nga previously, bakit ba ngayon ko lang sila na discover? magaling talaga silang gumawa ng intelligent catchy songs. dito galing yung current peborit song ko na “baby seat”.
HONORABLE MENTION: neil diamond, 12 songs – one of his best and the first one in recent years. mga original compositions ang nasa CD na ito – labindalawang kanta siyempre. halatang obvious naman eh. back to the basics ito para kay neil – puro acoustic guitar lang at boses. i love this CD. masarap patugtugin on a rainy day. kaya lang, walang rainy day dito sa southern california kaya pag pinapakinggan ko ito, iniisip ko na lang na nasa pilipinas ako at tag-ulan.
favorite ko po yung dani california.. galeng galeng nga talaga ng video ng song na to..
hit talaga saken ang red hot, as in from the days of scar tissue sobrang favorite ko na sila.. at syempre hanggang ngayon din naman.. :p
Hi Batjay. Nice to see another RHCP fan. I’m gonna get that CD too! It must be great to speed trip on the freeway with the Peppers blasting. Ingat.
hi ms. bee.
likewise, it’s nice to hear from a RHCP fan. i play stadium arcadium a lot when i drive and i am driving a lot lately so i hear them everyday. especially “dani california”. it’s almost like a road anthem already for me.
i’m sure you’ll like this one. stadium arcadium is a keeper.
ingat.
jay
hi ayz. ang galing ng video ng dani california ano? the chili peppers are on tour here in the US. masarap siguro silang panoorin live.
oo ambanges ng mtv nila, nung una kong napanood yun, hindi ko akalain na sila pala yun..
akala ko pa nga nung una, spoof lang ng mga sinaunang banda.. pero napakita talaga nila yung history..
buti pa dyan tour sila.. alam ko dapat dati punta rin sila sa pinas e, kaya lang hindi natuloy dahil sa mga terrorist scare ek-ek
oo magaling talaga sila.
isa ang mga yan sa idol ko…
ke gaganda kasi ng mga kanta nila.
If it comes from you, it must be good! Malaki sampalataya ko sayo pagdating sa music. Gotta get my copy.
ako parang ang nata-typan ko yung music ng Bare Naked Ladies. Si Neil Diamond matagal ko nang gusto yan e. Buti may bago ulit siyang album. 😀
ayos, tito rolly. yung bago ni neil diamond, i am sure you will like dahil guitar lang siya ang neil’s deep voice.
sino sa kanila?
may narinig akong nagsabi sa tv noon na si flea (ng rhcp)daw ang currently greatest bassist in the world. parang gusto kong maniwala dahil ang tindi nya. ang malupit pa nun, muka sya talagang flea.
pamilyar lang na bnl song sa akin yung pinch me. kumukurot-kurot talaga sa galing.
Michael Balzary (later “Flea”) – yes, he is a great artist.
temperamental but good.
galing nga ng BNL mylab. i’m sure magugustuhan mo sila kasi medyo new wave and dating ng iba nilang mga songs.