matagal na kaming magkakaibigan. mahigit 30 years na. una kaming nagkakillala nung pagpasok namin ng kinder sa notre dame nung 1971. supot pa kaming lahat noon. although supot pa rin ako hanggang ngayon, patuloy pa rin kaming nagkikita-kita. yung iba sa amin ay dito na based sa california at pag may okasyon ay nagtitipon para makapag kodakan. ang isa kong ipinag papasalamat parati ay binigyan ako ng pagkakataon para makasama sila ng matagal na panahon.
wala akong malaking kayamanan pero mayaman naman ako sa kaibigan. ok na sa akin ito. although siyempre, gusto ko pa ring magkaroon ng maraming pera someday para may pambili ako ng viagra.

nice pictures guys.
ang popogi ano? bwahahaha.
sarap talaga po ng maraming friends, wagi!
ang site at blog titles nyo din wagi! more power po! 🙂
yup, good friends are indeed one of life’s greatest treasures! 🙂
ava, at may mga buhok pa naman! nainggit ako bigla..yung mga kaibigan ko, nakakalat na sa iba’t-ibang parte ng mundo. sana isang araw, makapagkodakan uli kami katulad nyo!petisyunan ko na lang kaya sila lahat?mwahaha…homsik na naman akesh. 😉
bosing,
mukhang komikero kayong lahat ah. hitsurang pilya pati. ang sayan nyo naman!
napaka-heart-warming naman ito. naalala ko rin mga kaibigan kong malayo sa kin.
yun pong title ng post, kanta ‘to ng beatles diba? naisip ko lang ngayon ang title–“i’d get by with a little help from my friends”. 🙂
aba! walang sinabi ang the hunks. 😉
Ang sabi nila, at 40, the face you have is the face you deserve.
Maybe it’s true. Kasi lahat kayo, mukhang bata pa and with naturally smiling faces. Such cool dudes! hehehe 😀
full epek siguro kung me background music na “parang kaylan lang…” naks. senti.
hehehe… tatanda at lilipas din ako. kamusta na pre? sana makadalaw kami ulit sa vegas para madala mo kami sa masarap na kainan diyan.
ingat
the hunks? ang tawag sa amin ay backtreat boys.
thanks for coming. you’re correct, it’s the first line of the beatle song “with a little help from my friends”. have you heard joe cocker’s cover? it’s better than the beatles original.
hi jop. oo lahat ng mga kasama ko mga komikero. ako lang yata ang medyo siryoso sa buhay. pero ako ang pinaka pilyo.
Eto pa ang isang possible background song. Taken from an Apo Hiking Society song.
“…problema lamang ay lagi kulang ang datong, nakakamiss ang dating samahan”. Sabay inum ng San Miguel beer.
sniff. sniff.
beetols nang istate,haanep puro smilling paste.mga life begins at porty.
bosing, hihintayin ko kayo dito. lulugihin natin ang karinderia ni manang bebang…. happy 420. ngahaha. hi ate nurse jet!
I see, you’re getting by with a little hellp from your frieds. that’s how to do it talaga. Importante mga kaibigan sa buhay ng isang tao.
im sure dadami pa ang mga magiging kaibigan mo! it’s always fun being around with friends.
kung tutuusin, ayoko nang dumami ang kaibigan ko. ok na ako sa company ko ngayon. pero sa isang banda, mas maganda nga maraming kaibigan para mas marami ang mautangan.
oo nga tito rolly, di ko na mabilang ang daming beses nila akong tinulungan. hirap ang buhay ng walang kadamay.
ayos – Manang Bebang. kung ganyan ba naman ang pangalan ng kakainan mo eh siguradong masarap yan.
uy, nadalaw ang kumpare ko. oo nga mga 40 na pala tayong lahat. ang tanda na natin – di bale matutulis pa rin.
hindi ko naman nami miss ang dating samahan – ang nami miss ko ay ang san miguel beer
oo naman, mahaba pa ang buhok ko kahit over 40 na. pinaglihi kasi ako sa balut.
…and sometimes life’s greatest pleasures.
wagi talaga.
oo nga mylab – the face you deserve talaga ang mukha mo pag 40. buti na lang masayahin tayong mga tao.
lab U!
ka cute naman ninyo batjay! actually you look very happy where you are, good for you 🙂
hi misisP. oo nga, i am always happy when i’m with good friends. old friends, i might add. mainit na ba diyan ngayon? here it’s spring time and the weather’s really nice.
ang lungkot ng buhay kung walang mga kaibigan. ganda ng shot.
naku…ang cu cute nyo tingnan….hehehe
at ang gaganda ng mga smile nyo.
sa personal, may cute kami.
hi tin.
kuha sa isang apartment sa LA. bahay ng classmate kong si bochok.
damer at mapuan ka pala, mukang sinusundan ko ang yapak mo idol! hehehe
malayan colleges na raw. hehehe. anong batch ka?
boss di na nga pala natuloy ang pagiging malayan colleges. mapua pa rin daw. at magkakaron pa ng malaking campus sa laguna.
graduate ako ng BSME 2004, at nagwowork na dito sa Japan (hosto)temporarily..
Kagabi lang kasi nakarating sakin ang info about sa blogsite mo.. kaya ako ay maligalig na maligalig. hehe more power po! nagsisimula pa lang kumalat ang virus nyo dito sa mga kasama ko. ehehehe
PS: buhay pa rin nga pala si Engr. Bogus. hehehe
ano pangalan, mapua institutute of laguna?
ah, 2004 ka pala nag graduate. ibang iba na ang school nang dumalaw ako last year para kumuha ng transcript.
ingat diyan at hanggang sa muli.
Very good reading. Peace until next time.
WaltDe