dear unkyel batjay,
mayroon po akong napansin doon sa sikat na “roses are red, violets are blue…” na tula. bakit po ba sinasabi nila na “violets are blue”? di po na dapat “violets are violet“? aminado po ako na tama ang “roses are red” pero “voilets are blue”? it just doesn’t make any sense. ano po ba ang masasabi ninyo tungkol dito?
lubos na gumagalang,
gentle reader
yan ang isa sa mga misteryo ng buhay, gentle reader.
inaderwords, hindi ko alam ang sagot. maraming mga quirks ang mga foreigners. maraming mga bagay na hindi maipaliwanag ng common sense. siguro talagang kulay blue ang mga violets na bulaklak. ngayon, bakit tinawag na mga violets ang bulaklak kahit blue ang kulay nila? yan ang hindi ko alam. siguro lasing yung botanist na nagpangalan sa bulaklak na ito. pag nalaman ito ni carl linnaeus, siguradong magagalit siya.
kung sabagay, may problema talaga sa kulay ang mga westerners. poreksmpol, “white” ang tawag nila sa nga puting tao. ang alam ko lang na puting tao ay mga albino. kadalasan ang mga tinatawag nilang “white” ay medyo kulay pink like a pig ang kulay ng balat. yung mga tinatawag nilang “black” ay dark chocolate naman talaga ang kulay. yung mga tinatawag nilang “yellow” na oriental ay hindi naman yellow. ang alam ko lang na yellow ay yung may sakit sa atay. mayroon ding “taong madilaw” na gustong pumatay kay crisostomo ibarra sa noli me tangere but that’s another story. kaya nga ako pag tinatanong ng mga tao ang skin tone ko, sinasabi ko na lang na “kutis betlog” ako.
nung nasa singapore nga kami, may nagtanong sa akin once kung pilipino raw ako. sabi ko oo naman. eh bakit daw maitim ako samantalang fair skinned ang asawa ko. nangiti na lang ako. sasabihin ko sana, eh kung kayo nga diyan parating nangungulangot, dura ng dura at malakas pa sa kanyon ang putok. pero hindi ko na lang sinabi kasi baka sabihin racist ako. naku, kung saan-saan tuloy napunta ang usapan. eto na lang pakatatandaan mo gentle reader, lalo na pag nasa labas ka ng pilipinas, pag may kaharap kang ibang tao, kailangan color blind ka.
ingat na lang at good luck sa iyo,
unkyel batjay
pakinggan ang DEAR UNKYEL BATJAY PODCAST. you’ll like it now, you’ll learn to love it later.
umpisa pa lang ng panahon, me pagkakamali na mga yan. Akalain mong tawagin nilang Indians yung mga inabutan nilang tao, thinking na sila’y napadpad ng India. O e di ba, ang layo nun? Yun pa kayang kulay.
Kungsabagay, tayo rin naman, meron ganyang quirks. Bakit Aba ginoong maria, e pang lalake yung ginoo.
sa kentucky, blue grass ang tawag nila sa kanilang damo, kasi daw, the grass is so green that it looks blue. yan daw ang sikreto ng kanilang thorough breds.
sa japan naman, sometimes they use the same word ‘aoi’ for green and blue.
eto pa ang isa – ano ang kulay ng araw? noong maliliit tayo pagnagdrawing tayo kulay dilaw sya, sa hapon at thai kulay pula…
violet in this poem is a flower that is a purplish/bluish color.
sa amin po sa bulacan ang tawag sa egg yolk e pula ng itlog, kulay yellow nman. yung brown sugar nman e asukal na pula.
o nga, tapos may “pulang lupa” rin na lugar diyan sa bulacan. nilalakad namin ito nung araw galing sa amin sa novaliches. hindi naman kulay pula yung lupa roon.
eh di dapat pala…
roses are red
violets are purplish blue
makagawa nga ng tula:
roses are red
violets are purplish blue
i am color blind
and can’t tell the flower’s hue.
tito rolly, nung araw parati akong inaalaska ng mga kaibigan kong iglesia ni kristo. bakit daw ba ginoong maria ang tawag kay mary.
sabi ko na lang eh – “kaya aba ginoong maria eh kasi virgin siya”.
yan ngang indian na yan na tawag sa mga native americans ay nakakalito. pag may nagsabi ngayon na “indian” dito sa opis. tinatanong ko talaga kung indian-indian or indian-pana.
gud morning boss batjay,
galing talaga…
ang kulit pa …
nakakaaliw talaga…
salamat po.
Que blue, que purplish blue, ok lang yun. It’s all in a name.
Ang nakaka-inis e yung mga poinsettia na kinukulayan ng blue pag pasko. Sayang lang yung halaman dahil di mo naman madiligan, umaagas yung kulay pag nabasa kaya in the end, itatapon lang ang halaman. Yun ang kalokohan.
ayos. nakakaaliw nga talaga pero i really am color blind. well, partially color blind. there are some shades of red and green that i cannot distinguish.
yun ba yung indian pana, kakana-kana…tatlong betlog kakalog-kalog..(bakit tatlo hindi dalawa?)
oo nga mylab, naalala ko pa yung poinsettia na kulay asul na regalo sa atin.
akala ko talagang blue yung dahon. pintura lang pala.
may ibang variation ako na nadinig about indians dito sa trabaho ko, it’s either “Native american” or “7-11 Indians”!
ano yung 7-11 indians?
makulay ang iyong post Jay! dagdag ko lang, ang color violet ay color purple, may pagkakaiba ba?
eh yung mga sisiw na iba ibang kulay tapos ilalako? kawawa naman…
makasabat na nga po..
bakit po kaya ang pabasa e kinakanta?
kasi pag binasa yung pabasa eh magiging redundant.
sisiw na iba-ibang kulay? ano yon anak ng peacock?
makulay? parang yung daigdig ni nora.
oo, kakana-kana.
Hi Jay,
tagal ko nang di nabisita tong site mo….at ganun pa rin…makulay pa rin.
ang masasabi ko lang ay isa lang lahat ang kulay niyan …pag walang ilaw…hehehe..
hello po Mr. Batjay!!!
dko na dn maalala how the hell ako nakarating sa blogsite mo…maybe bcoz its meant to be! medyo sad kze ako after malipat ng ibang dept. dto sa work ko..e nung nagstart akong magbasa ng mga posts mo eh jusme! napraning garcing ako! nagliwanag ang mundo ko at unti unting narealize may katulad mo pa rin pala talga sa mundo! saya!
lagi ako makikibasa ha… hello na dn kay ate jet! (naks, close na noh?!hehehe)
“Pulang Lupa” kasi clay-ish ang soil doon. May Pulang Lupa din sa Las Piñas (where i live) where the church and some of the streets used to be lined with bricks.
Funny entry, Kuya Batjay! Advance Happy Easter po!
sir, makikisabat lang po.
“bakit ang pabasa ay kinakanta”? di ko alam, pero ang alam ko, sa Karaoke, ang kanta binabasa.
7-11 indians kasi maraming pana,bangladeshi, pakistani na nagtatrabaho sa 7-11!
ah ok. yan din ang suspetsa ko. dito rin kasi sa southern california, mga bumbay din lahat ng mga attendants ng 7-11. why is this so? mayroon ba silang off shore hiring sa south asia?
sa karaoke, ang kantang “My Way” ay tinutula.
yup. that’s what i was told. doon sa amin sa novaliches, especially yung side bordering bulacan (where pulang lupa is located), clayish talaga ang soil at maraming deposits ng adobe. if you dig deep enough, you’ll see the soil turn reddish brown.
hi kathy.
praning garcing? hehehe… may natutunan na naman akong bagong salita. pasensya ka na’t matagal na akong di nakakauwi at nami miss ko na ang mga pinoy na salita.
may katulad ko rin pala sa mundo? ang ibig sabihin ba nito ay “freak of nature” ako? hehehe. ingat na lang at happy easter.
BOSS ROLAND!!!
miss na kita sir. musta ka na? pag may oras ka, kwentuhan mo naman ako kung ano nang mga ginagawa mo lately. last time tayong nagkita at nagusap sa singapore pa yun. ngayon, narito na kami ni jet sa bayan ng mga merkano.
kamusta na lang kay misis at sa iyong dalagita.
ang masasabi ko laang ay si mama mary lang ang nakakaalam na wala akong kasalanan.
hindi ba si janice de belen ang nagsabi niyan nang magsex sila ni aga mulach?
ang blog mo ang stress therapy ko. Bumibisita ako bago magsimula ang klase at pagkatapos. ang gagaling din ng mga tagahanga mo. nauubos nga ang oras ko kakapasyal sa mga blog nila.
‘Nak ng tokwang usapan ‘to, nagsimula lang sa violets are blue…kung san-san na napunta.Pero aliw ako kasi bigla akong naka-relate sa mga kabaliwan ng mga tambay dito!Tawa ako nang tawa. Bakit daw? Tanong ng asawa kong Australyano…hay, i can’t explain, kako. It’s purely Pinoy humor.And I sooo miss it, mate!;->
g’day.
i used to travel to sydney and perth when i was still based in asia-pacific. i love australia. i really do. buti naman at natawa ka. pero dahan dahan lang sa pag halakhak para hindi mautot.
ingat.
ayos. stress therapy.
ako rin – ang pagsulat nito ay stress therapy. ito rin ang paraan para hindi masyado ma homesick. using the language and reminiscing takes me home somehow.