ang isa ko pang nami-miss simula nang mag diet ako ay ang lasa ng beef. hindi na kami kumakain ng red meat ni jet. sayang nga, kailan lang ay tinuruan ni eder na magluto si jet ng kare-kareng ox tail at ngayon ko lang nae-enjoy. ang sarap pa naman ng buntot ng baka lalo na pag napalambot ng husto. bagay na bagay itong sahog sa kare-kare kasi halo ang taba at laman ng buntot at masarap ito pag mayroon kang sawsawan na bagoong na ginisa sa bawang, mainit na white rice at coca-cola.
ang joke nga nung araw pag nagbibidahan kami sa tambayan sa novaliches ay – “ang sarap ng ulam namin ngayon, pare. bagoong… na may sawsawang kare-kare”. tinatanong ko ang mga kaibigan kong amerikano rito kung kumakain sila ng ox tail kasi balak ko sana silang isama sa bahay para makatikim sila ng ibang klaseng lutong pinoy. lahat na lang ay tumatanggi. naglalaro raw ang mga imagination nila.
sabi ko bakit naman?
pag inangat mo raw kasi yung buntot ng buhay na baka, ang makikita mo raw ay either maintim na dambuhalang pekpek o kaya maitim na dambuhalang betlog.
ah, sagot ko naman – kinakain din naming mga asians ang betlog ng baka. ang tawag namin doon ay soup number 5.
bakit daw may number 5 doon sa soup, ang tanong nila.
sabi ko naman – i don’t know. why do you americans have 12 days of christmas, fantastic 4, jackson 5, love potion #9 and 3 little pigs? wala, hindi rin nila ako masagot.
pakinggan ang MAHALAGANG BALITA PODCAST TUNGKOL SA LOVE POTION #9. you’ll like it now, you’ll learn to love it later.
eeewwww…ipagmalaki ba naman ang kadiring pagkain ng ilang pinoy. its unfair to the majority of filipinos who dont even know that soup 5 etc etc…
sarap ng ox tail..ako minsan ginagamit ko sa nilaga kasi nga sarap ng taba..minsan may tinanong ako na kano kung kumakain sila ng ox tail, sabi nya sa kin mga itim lang daw mahilig dun kasi mga yon lang afford nila lalo na sa bandang south..
hmmm..parang sarap mag ihaw ng tilapia tapos may sawsawan na tinadtad na manggang hilaw na may kamatis, ginisang bagoong at sili…
actually pasador, e majority ng filipino alam soup no.5..specially sa asian community dito sa tate, popular na popular..but may mga mamaw na pinoy din na di nakakaalam..he he he
Actually mylab, puwede pa rin naman tayong kumain ng kare-kare e. Once every couple of months maybe? Yun nga lang, ikaw ang inaalala ko kung makakaya mo pang kumain ng oxtail after not having it for quite a while.
Pwede ka pa ring kumain noon, Batjay, kahit paminsan-minsan lang. Sarap-sarap talaga.
Pero mahal dito sa atin ang ox tail.
Nalungkot ako konti sa post mo, favorite ko kasi ang kare-kare mapa tuwalya, buntot, isda etc. ang problema lang di type ng mister ko. Iyan ang isang pinoy food na di niya makain. Ang tawag nya sa kare-kare ay “scary stuff”.
dyeta k muna pare ko,pag pasyal nyo dito dadalhin kita s mga kinakainan natin dati at mag k kare kare tyo s bahay,ingat,kumusta kay Jet.
taga novaliches ka ba kuya? lapit lang kami dun eh. taga sjdmb ako, near grotto.
obvious ba? oo sa novaliches ako lumaki. pero hindi sa grotto. masyado nang malayo yon.
sige pre. miss ko na nga ang kare-kare mo. damihan mo lang yung sahog na gulay para hindi ako ma high blood.
uy, taga KSA. baka pwede ka diyan magpauso ng adobong tupa? o kaya sinigang na anak ng tupa.
SCARY STUFF? kung sabagay, marami akong kilalang mga amerikano na nahihimatay pag nakakakita ng ulo ng isda sa dining table.
mahal ba rito ang ox tail? hindi ko napapansin kasi bayad lang ako ng bayad. may mga bagay kasi na kahit mahal, ok na rin. pag homesick ka, masarap kumain ng kare kare.
deep fried tilapia masarap. tapos may toyo at suka na may sili para sawsawan.
kadiring pagkain ng ilang pinoy? nakakaawa ka naman.
baka hindi ko na nga makain mylab kasi iniisip ko na parati ngayon yung carbs at cholesterol. parang ayoko na kasing bumalik sa dati kong timbang. iba na kasi ang pakiramdam ko ngayon na wala na yung excess weight.
pero kung gusto mo, ok lang sa akin. tutulungan kitang kumain ng bagoong.