MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)
DATELINE IOWA. isang babaeng nagtitimpla ng kape ang nagulat na lang nang makakita siya ng isang patay na pagong sa loob ng bote ng kanyang instant coffee.
isang nagngangalang marjorie morris ang nagulantang na lang ng makakita ng isang baby na pagong sa loob ng bote ng kanyang kape. akala niya nung una ay libreng laruan na tulad ng nasa mga happy meal pero upon closer imbestigation ay nakita niya na ito’y tutuong pagong. ang masama nito ay matagal na siyang nagtitimpla ng kape galing sa instant coffee bottle bago niya na diskubre na may kakaibang ingredient sa kape niya. hindi alam ng mga awtoridad kung paano nakapasok ang pagong sa kape at iniimbistigahan pa rin nila ito hanggang sa kasalukuyan. siguro puyat yung pagong.
bayan – ang moral lesson ng balitang ito ay: kung ikaw ay pagong at gusto mong mag kape, magpunta ka na lang sa starbucks.
ANG BALITANG ITO AT ANG PODCAST PARA SA MGA SUMOBRA SA PAG MARIANG PALAD AY INIHATID SA INYO NG “BIRCHTREE HOLLAND POWDER MILK, ANG GATAS NA MAY GATA”.
Isa lng ang conclusion kong nahugot sa kwentong ito, bosing. Masama ang kape sa kalusugan. Masama talaga ang me bisyo e no? Buti na lang pagong yun. E kung daga yun, naubos kagad ang kape!
oo nga – mahirap pa naman yung dagang nakainom ng kape, magiging nerbyoso yon.
i didn’t know coffee was bad.. lol. that was funny.
palagay mo, sino yung nasa folgers? si raphael, donatello, leonardo, michaelangelo or si pong pagong?
happy new year!
naalala ko tuloy nung pinakakain ako ng pagong ng nanay ko para matanggal ang hika ko. Inilagay na lang sana nya sa kape.
Hello KB – Kaya pala tinanggi mo ang offer ko na mag-kape muna kayo ni Jet bago umuwi kayo kagabi. But I guarantee : walang pagong sa kape namin. 🙂
Buti na lang hindi Folger’s ang kape natin. Wow… talk about bad publicity!
ngyehehehe… saint gigi. maraming maraming salamat for the great dinner. i loved your house. i loved the great food and we certainly loved your company.
o kaya maria, sana nilagay na lang yung kape sa pagong.
jennypeng!!!
oo nga ano, baka kung sinong teenage ninja mutant turtle na yung nainom ni lola sa kape niya.
hi naj – coffee is bad if it goes with turtle soup.
folger’s turtle soup, mylab?